settings icon
share icon
Tanong

Pagsusuri sa Bagong Tipan

Sagot


Ang Bagong Tipan ay nahahati sa 5 bahagi. Ang mga Ebanghelyo (Mateo hanggang Juan), Kasaysayan (Aklat ng mga Gawa), Mga Sulat ni Pablo (Roma hanggang Felimon), mga pangkalahatang sulat ng mga apostol (Hebreo hanggang Judas), at hula (Aklat ng Pahayag). Isinulat ang Bagong Tipan noong humigit kumulang A.D. 45 hanngang sa humigit kumulang A.D. 95. Ang Bagong Tipan ay isinulat sa wikang Griyego na tinatawag na Koine, ang salitang Griyego na ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag usap noong Unang Siglo A.D.

Ibinigay sa atin ng mga Ebanghelyo ang apat na magkakaiba ngunit hindi nagsasalungatang tala ng kapanganakan, buhay, ministeryo, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesu Kristo. Pinatunayan ng mga Ebanghelyo kung bakit si Hesus ang ipinangakong Mesiyas sa Lumang Tipan na siya ring nagtatag ng katuruan ng Bagong Tipan. Ang aklat ng mga Gawa naman ang nagtala ng mga gawain ng mga apostol, ng mga lalaking isinugo ni Hesus sa mundo upang ipahayag ang Ebanghelyo ng Kaligtasan. Isinalaysay sa aklat ng mga Gawa ang pasimula ng iglesya at ang mabilis nitong paglago noong unang siglo A.D. Ang mga sulat naman ni Apostol Pablo ay mga sulat para sa mga iglesya na naglalaman ng mga opisyal na katuruan ng Kristiyanismo at ng mga gawain na bunga ng pananampalataya. Ang pangkalahatang sulat ng mga apostol ay nagbigay ng karagdagang katuruan at aplikasyon sa mga itinuro ni Pablo. Naglalaman naman ang Aklat ng Pahayag ng mga hula tungkol sa mga magaganap sa katapusan ng mga panahon.

Isang makabuluhan at kasiya-siyang pagaaral ang pagsusuri sa Bagong Tipan. Isinalaysay dito ang kamatayan ni Kristo para sa atin at kung paano tayo tutugon sa Kanyang walang hanggang kaloob na buhay na walang hanggan. Nakatuon ang bagong Tipan sa pagbibigay ng solidong katuruan gayundin ng praktikal na resulta nito sa buhay ng mga mananampalataya. Nasa ibaba ang mga links sa mga buod ng iba't ibang aklat ng Bagong Tipan. Umaasa kami ng buong katapatan na makatutulong ang mga pagsusuring ito sa Bagong Tipan sa inyong paglakad at patuloy na paglago sa inyong pananampalataya kay Kristo.

Ebanghelyo ni Mateo

Ebanghelyo ni Markos

Ebanghelyo ni Lukas

Ebanghelyo ni Juan

Aklat ng mga Gawa

Aklat ng Roma

Aklat ng 1 Corinto

Aklat ng 2 Corinto

Aklat ng Galacia

Aklat ng Efeso

Aklat ng Filipos

Aklat ng Colosas

Aklat ng 1 Tesalonica

Aklat ng 2 Tesalonica

Aklat ng 1 Timoteo

Aklat ng 2 Timoteo

Aklat ni Tito

Aklat ni Filemon

Aklat ng Hebreo

Aklat ni Santiago

Aklat ng 1 Pedro

Aklat ng 2 Pedro

Aklat ng 1 Juan

Aklat ng 2 Juan

Aklat ng 3 Juan

Aklat ni Judas

Aklat ng Pahayag

English


Bumalik sa Pagsusuri sa Bibliya

Pagsusuri sa Bagong Tipan
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries