settings icon
share icon
Tanong

Ebanghelyo ni Juan

Sagot


Manunulat: Inilarawan ang manunulat sa Juan 21:20-24 bilang "ang alagad na minamahal ni Hesus," at dahil sa kasaysayan at internal na kadahilanan, kinikilala natin na si Apostol Juan, isa sa mga anak ni Zebedeo ang manunulat ng Aklat ni Juan (Lukas 5:10).

Panahon ng Pagkasulat: Ang pagkatuklas ng mga bahagi ng papyrus na nasulat noong humigit kumulang A.D. 135 ang nagsasaad na nasulat, kinopya at ipinamahagi ang aklat na ito bago ang taong nabanggit. At dahil may mga naniniwala na ang aklat ay naisulat bago ang pagkawasak ng Jerusalem (A.D. 70), ang A.D. 85 - 90 ang pinaka tinatanggap na panahon ng pagkasulat ng Aklat ni Juan.

Layunin ng Sulat: Binanggit sa Juan 20:31 ang mga layunin ng aklat. Ito ay ang mga sumusunod: "Ang mga natala rito'y sinulat upang sumampalataya kayong si Jesus ang Mesias, ang Anak ng Diyos, at sa gayo'y magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya." Hindi gaya ng tatlong magkakatulad na Ebanghelyo, ang layunin ni Juan ay hindi upang magbigay ng sunod-sunod na salaysay tungkol sa buhay ni Kristo, kundi upang patunayan ang Kanyang pagka Diyos. Hindi lamang ninais ni Juan na patatagin ang pananampalataya ng mga ikalawang henerasyon ng mananampalataya kundi upang sawayin at itama din naman ang mga maling katuruan na kumakalat noon tungkol sa persona ng Panginoong Hesu Kristo. Binigyang diin ni Juan na si Kristo ang "Anak ng Diyos," at Siya ay tunay na Diyos at tunay na Tao, salungat sa maling doktrina na si Kristo diumano ay "espiritu na pumasok sa taong si Hesus" ng Siya ay binabawtismuhan ni Juan Bautista at ang espiritung iyon ay umalis sa Kanya ng ipako Siya sa krus.

Mga Susing Talata: "Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos"Naging tao ang Salita at siya'y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak" (Juan 1:1, 14).

"Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, "Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!" (Juan 1:29).

"Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan" (Juan 3:16).

"Ito ang ipinagagawa sa inyo ng Diyos: manalig kayo sa sinugo niya," tugon ni Jesus. - (Juan 6:29).

"Kaya lamang pupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay, at magwasak. Naparito ako upang ang mga tupa'y magkaroon ng buhay---isang buhay na ganap at kasiya-siya" (Juan 10:10).

"Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma'y di sila mapapahamak; hindi sila maaagaw sa akin ninuman" (Juan 10:28).

"Sinabi naman ni Jesus, "Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang nananalig sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at nananalig sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Pinaniniwalaan mo ba ito?" (Juan 11:25-26).

"Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kaunting panahon na lamang na makakasama ninyo ang ilaw. Lumakad kayo samantalang kasama pa ninyo ang ilaw upang hindi kayo dilimin. Hindi alam ng lumalakad sa dilim kung saan siya mapupunta" (Juan 13:35).

"Sumagot si Jesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko" (Juan 14:6).

"Sumagot si Jesus, "Matagal na ninyo akong kasama, Felipe! Diyata't hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing: 'Ipakita mo sa amin ang Ama"?'" (Juan 14:9).

"Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo'y katotohanan" (Juan 17:17).

"Sumagot sila, "Kung hindi po siya gumawa ng masama, hindi namin siya dadalhin sa inyo" (Juan 19:30).

"Sinabi sa kanya ni Jesus, "Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita." (Juan 20:29).

Maiksing Pagbubuod: Pinili lamang ng Aklat ni Juan ang pitong himala bilang tanda upang ipakita ang pagka Diyos ni Kristo at upang ilarawan ang Kanyang ministeryo. Itinala ni Juan ang mga tanda at kuwento na sa Aklat lamang ni Juan matatagpuan. Ang ebanghelyo ni Juan ang pinaka-teolohikal ang katuruan sa apat na Ebanghelyo at laging nagpapaliwanang ng dahilan sa likod ng mga pangyayari na binanggit sa ibang mga ebanghelyo. Marami siyang ibinahagi tungkol sa paparating na gawain ng Banal na Espiritu pagkatapos umakyat ni Hesus sa langit. May mga tiyak na salita at pangungusap na ginagamit si Juan upang ipakita ng paulit ulit ang tema ng kanyang ebanghelyo gaya ng: manampalataya, nagpapatotoo, Mangaaliw, buhay - kamatayan, liwanag - kadiliman, Ako nga (marami sa sinabi ni Hesus na "Ako nga"), at pag-ibig.

Ipinakilala ng Eabnghelyo sni Juan si Hesus, hindi mula sa kanyang pagsilang, ngunit mula sa "pasimula" bilang "ang Salita" (Logos), at bilang Diyos, sa pamamagitan Niya nilikha ang lahat ng mga bagay (1:1-3) at kalaunan Siya ay naging tao (1:14) upang magalis ng mga kasalanan ng sanlibutan bilang walang bahid at dungis na handog na Kordero (Juan 1:29). Pinili ni Juan ang mga paguusap na espiritwal na nagpapakita na Si Hesus ang Mesiyas (4:26) upang ipaliwanag kung paanong ang isang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus (3:14-16). Paulit ulit na nagalit kay Hesus ang mga pinunong Hudyo dahilan sa Kanyang pagtatama sa kanilang maling katuruan at mga gawain (2:13-16); pagpapagaling sa Araw ng Sabbath, at pag-aangkin ng mga katangian na tanging ang Diyos lamang ang maaaring magtaglay (5:18; 8:56-59; 9:6, 16; 10:33). Inihanda ni Hesus ang mga apostol sa Kanyang nalalapit na kamatayan at sa kanilang gawaing gagampanan pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na muli at pag-akyat sa langit (Juan 14-17). Pagkatapos ay kusang loob Siyang namatay sa krus bilang ating kahalili (10:15-18), binayaran ng buo ang ating mga kasalanan (19:30) at namatay upang ang lahat ng magtitiwala sa Kanya bilang kanilang tagapagligtas mula sa kanilang mga kasalanan ay maligtas (Juan 3:14-16). Pagkatapos, nabuhay Siyang muli mula sa mga patay upang papaniwalain maging ang mga pinaka-nagdududa sa kanyang mga alagad na Siya ang Diyos at Panginoon (20:24-29).

Koneksyon sa Lumang Tipan: Ang paglalarawan ni Juan kay Hesus bilang Diyos ng Lumang Tipan ang malinaw na makikita sa pitong pangungusap ni Hesus na nagtataglay ng salitang "Ako nga." Siya ang "Tinapay ng Buhay" (Juan 6:35), na ipinagkaloob ng Diyos upang pakainin ang kaluluwa ng Kanyang mga anak, gaya ng pagkakaloob Niya ng Manna sa mga Israelita sa ilang (Exodo 16:11-36). Si Hesus ang "Ilaw ng Sanlibutan" (Juan 8:12), ang parehong liwanag na ipinangako ng Diyos sa Kanyang mga anak sa Lumang Tipan (Isaias 30:26, 60:19-22) na matatagpuan natin ang katuparan sa bagong Jerusalem kung saan si Kristo na siya ring Kordero ng Diyos ang magiging Ilaw (Pahayag 21:23). Dalawa sa mga "Ako nga" ni Hesus ay tumutukoy kay Hesus bilang "Mabuting Pastol" at "Pintuan ng mga tupa." Ito ang mga malinaw na pagbanggit kay Hesus bilang Diyos ng Lumang tipan, ang Pastol ng Israel (Awit 23:1, 80:1; Jeremias 31:10; Ezekiel 34:23) at, bilang tanging Pintuan ng mga tupa, Siya lamang ang tanging Daan patungo sa kaligtasan.

Naniniwala ang mga Hudyo sa pagkabuhay na muli, sa katunayan, ginamit nila ang doktrinang ito upang lansihin si Hesus upang magsalita Siya ng mga bagay na magagamit nila laban sa Kanya. Ngunit ang kanyang pangungusap sa puntod ni Lazaro na "Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay" (Juan 11:25) ay maaaring nagpamangha sa kanila. Inaangkin Niya na Siya ang dahilan ng pagkabuhay at Siyang nagtataglay ng kapangyarihan sa buhay at kamatayan. Wakang iba kundi ang Diyos mismo lamang ang maaaring magangkin ng ganitong kapangyarihan. Gayundin naman, ang Kanyang pag-aangkin na Siya "ang daan, ang katotohanan, at ang buhay" (Juan 14:6) ang nagkokonekta sa Kanya sa Lumang Tipan. Siya ang "Daan sa Kabanalan" na inihula sa Isaias 35:8; Itinatag Niya ang Siyudad ng Katotohanan sa Zacarias 8:3 ng Siya, na mismong katotohanan, ay nasa Jerusalem at Kanyang ipinangaral doon ang katotohanan na ipinangaral din ng mga apostol; at bilang "Buhay," pinatunayan Niya ang Kanyang pagka Diyos, ang pinagmulan ng Buhay, ang Diyos na nagkatawang tao (Juan 1:1-3). Sa huli, bilang ang "tunay na puno ng ubas" (Juan 15:1, 5), ipinakilala ni Hesus ang sarili sa bansang Israel na tinatawag na "ubasan ng Panginoon" sa maraming pahina ng Lumang Tipan. Bilang tunay na puno ng ubas ng Kanyang ubasan, inilarawan Niya ang Kanyang sarili bilang Panginoon ng "tunay na Israel" - ang lahat ng lalapit sa Kanya sa pananampalataya dahil "hindi lahat ng nagmula sa Israel ay kabilang sa bayang hinirang niya" (Roma 9:6).

Praktikal na Aplikasyon: Ginagampanan ng ebanghelyo ni Juan ang layunin na magbigay ng napakaraming kagamit gamit na impormasyon para sa pangangaral ng Ebanghelyo (ang Juan 3:16 ang maaaring pinaka kilalang talata, kahit na hindi ito nauunawaan sa tamang paraan ng marami) at laging ginagamit ang aklat na ito sa mga pagaaral ng Bibliya. Sa mga naitalang paguusap sa pagitan ni Hesus at Nicodemo at ng babae sa tabi ng balon (kabanata 3-4), marami tayong matututunan mula sa modelo ng personal na pagpapahayag ng ebanghelyo ni Hesus. Ang Kanyang mga pananalita ng pagpapalakas ng loob ng mga apostol bago ang kanyang kamatayan (14:1-6,16, 16:33) ay patuloy na nagbibigay sa atin ng lakas at kaaliwan sa mga panahon ng pagpanaw ng ating mga mahal sa buhay at sa minamahal nating kapwa mananampalataya gayundin ang kanyang panalangin para sa mga mananampalataya sa kabanata 17 bilang ating pinakamataas na saserdote. Ang mga katuruan ni Juan tungkol sa pagka Diyos ni Kristo (1:1-3,14; 5:22-23; 8:58; 14:8-9; 20:28, at iba pa.) ay kagamit gamit sa pagsaway sa mga maling katuruan ng mga kulto na tao lamang o maliit na Diyos ang pagkakilala sa ating Diyos at Tagapagligtas - ang ating Panginoong Hesu Kristo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ebanghelyo ni Juan
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries