Aklat ng 2 Tesalonica
Manunulat: Ipinakilala sa 1:1 ng 2 Tesalonica na si Pablo ang manunulat at posibleng kasama niya sa pagsulat ng aklat si Silas at Timoteo.Panahon ng Pagkasulat: Ang Aklat ng 2 Tesalonica ay maaaring naisulat sa pagitan ng 51 at 52 A.D.
Layunin ng Sulat: May mga maling pagkanuawa pa ang iglesya sa Tesalonica tungkol sa Araw ng Panginoon. Inakala nila na dumating na iyon kaya't tumigil na ang iba sa kanilang paglilingkod. Sinulatan sila ni Pablo upang bigyang linaw ang isyung ito at upang bigyan sila ng kaaliwan.
Mga Susing Talata: 2 Tesalonica 1:6-7, "Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo. Kayo namang mga nagtitiis ay aaliwin niyang kasama namin pagbabalika ng Panginoong Jesus mula sa langit, kasama ang makapangyarihan niyang mga anghel."
2 Tesalonica 2:13, "Dapat kaming magpasalamat sa Diyos tuwina dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon. Nagpapasalamat kami sapagkat hinirang niya kayo upang maunang pagkalooban ng kaligtasan, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritung nagpapabanal sa inyo at ng inyong paniniwala sa katotohanan."
2 Tesalonica 3:3, "Tapat ang Panginoon. Bibigyan niya kayo ng lakas at ililigtas sa Diyablo."
2 Tesalonica 3:10, "Nang kasama pa ninyo kami, ito ang tagubiling ibinigay namin sa inyo: "Huwag ninyong pakanin ang sinumang ayaw gumawa."
Maiksing Pagbubuod: Binati ni Pablo ang iglesya sa Tesalonica at pinalakas ang kanilang loob. Pinuri niya sila dahil sa kanyang nalaman ang kanilang ginagawa para sa Panginoon at ipinanalangin niya sila (2 Tesalonica 1:11-12). Sa kabanata 2, ipinaliwanag ni Pablo kung ano ang magaganap sa Araw ng Panginoon (2 Tesalonica 2:1-12). Pagkatapos, pinalakas niya ang kanilang loob na tumayong matibay sa kanilang pananampalataya ay tinuruan din sila na palayasin ang mga tamad na hindi namumuhay ayon sa katotohanan ng Ebanghelyo (2 Tesalonica 3:6).
Koneksyon sa Lumang Tipan: Binanggit ni Pablo ang ilang mga talata sa Lumang Tipan sa kanyang pagtuturo tungkol sa mga magaganap sa huling panahon, at dahil dito kinumpirma niya at pinagkasundo ang hula ng mga propeta sa Lumang Tipan. Marami sa kanyang mga katuruan ay tungkol sa Huling Panahon at batay ito sa mga hula at pangitain ni Propeta Daniel. Sa ikalawang Tesalonica 2:3-9, binangit niya ang hula ni Propeta Daniel tungkol sa isang "taong puno ng kapusungan" (Daniel 7"8).
Praktikal na Aplikasyon: Puno ang Aklat ng 1 Tesalonica ng mga impormasyon tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap. Hinihimok din niya tayo na huwag maging tamad at magtrabaho para sa ating ikabubuhay kahit pa bukas na ang pagparito ng Panginoon. Marami ding mga napakagandang halimbawa kung paano manalangin para sa mga kapwa natin mananampalataya sa aklat na ito.
English
Aklat ng 2 Tesalonica