settings icon
share icon

Aklat ni Santiago

Manunulat: Ang manunulat ng aklat na ito ay si Santiago, na tinatawag din na si "Santiago ang Matuwid" na pinaniniwalaang kapatid sa ina ng Panginoong Hesu Kristo (Mateo 13:55; Markos 6:3). Noong una, hindi mananampalataya si Santiago (John 7:3-5) ngunit sumampalataya din siya pagkatapos na mabuhay na mag-uli ang Panginoong Hesu Kristo (Gawa 1:14; 1 Corinto 15:7; Galacia 1:19). Siya ang naging pangulo ng iglesya sa Jerusalem at isa sa mga haligi ng iglesya (Galacia 2:9).

Panahon ng Pagkasulat: Maaaring ang Aklat ni Santiago ang pinakamatanda sa lahat ng aklat sa Bagong Tipan. Ito ay isinulat bago ang A.D. 45, bago ang unang konseho sa Jerusalem noong A.D. 50. Pinatay si Santiago dahil sa kanyang pananampalataya humigit kumulang noong A.D. 62, ayon sa mananalaysay na si Josephus.

Layunin ng Sulat: May mga nagpapalagay na ang sulat na ito ay pagkontra ni Santiago sa mga mali ang pagkaunawa sa katuruan ni Pablo tungkol sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang pananaw na ito ay tinatawag na "antinomianism" isang paniniwala na hindi na kailangan ang pagsunod sa mga kautusan ng Lumang Tipan, mga batas na sekular at lahat ng uri ng batas pangmoralidad man o pang lipunan para sa kaligtasan. Ang Aklat ni Santiago ay isinulat para sa mga Hudyong Kristiyano na nakakalat sa lahat ng bansa (Santiago 1:1). Hindi nagustuhan ni Martin Luther ang aklat na ito at tinawag niya itong "epistle of straw," dahil hindi niya naunawaan na ang katuruan ni Santiago ay sumusuporta - hindi komokontra sa katuruan ni Santiago tungkol sa pananampalataya. Habang pinagtuunan ng pansin ni Pablo ang katuruan tungkol sa pagpapawalang sala ng tao sa harapan ng Diyos, pinagtuunan naman ni Santiago ng pansin ang mga gawa bilang katibayan na napawalang sala na ng Diyos ang isang tao. Sumulat si Santiago para sa mga Hudyo upang himukin sila na magpatuloy sa paglago sa kanilang bagong pananampalataya bilang mga Kristiyano. Itinuro niya na ang mabubuting gawa ay normal na dadaloy mula sa mga taong tinatahanan ng Espiritu Santo. Pinagdudahan ni Santiago ang pananampalataya ng mga taong nagsasabing may pananampalataya ngunit hindi naman nakikita sa kanilang buhay ang bunga ng kanilang pananampalataya na inilarawan ni Pablo sa Galacia 5:22-23.

Mga Susing Talata: Santiago 1:2-3: "Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang pagsubok, sapagkat alam ninyo na lalong magiging matatag ang inyong pananampalataya matapos ninyong pagtagumpayan ang mga pagsubok na iyan."

Santiago 1:19: "Tandaan ninyo ito, mga kapatid kong minamahal: matuto kayong makinig, dahan-dahan sa pagsasalita, at huwag agad magagalit."

Santiago 2:17-18: "Gayon din naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa. Ngunit may nagsasabi, "May pananampalataya ka at may gawa ako." Sagot ko naman, "Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang walang kalakip na gawa, at ipakikita ko naman sa iyo sa pamamagitan ng aking mga gawa ang aking pananampalataya."

Santiago 3:5: "Ganyan din ang dila ng tao. Kay liit-liit na bahagi ng katawan ngunit malaki ang nalilikhang kayabangan. na lamang ninyo! Napalalagablab ng isang maliit na apoy ang isang malawak na kagubatan."

Santiago 5:16b: "Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid."

Maiksing Pagbubuod: Binalangkas ni Santiago kanyagn sulat una, sa paglakad ng tao sa pananampalataya sa pamamagitan ng tunay na relihiyon (1:1-27), tunay na pananampalataya (2:1-3:12) at tunay na karunungan (3:13-5:20). Naglalaman ang aklat na ito ng kahanga-hangang pagkakahawig sa sermon ni Hesus sa bundok sa Mateo 5-7. Sinimulan ni Santiago ang unang kabanata ng kanyang aklat sa paglalarawan ng pangkalahatang katangian ng isang tunay na pananampalataya. Sa ikalawang kabanata at sa unang bahagi ng ikatlong kabanata, tinalakay niya ang kawalang katarungan sa lipunan at ang katuruan tungkol sa pananampalatayang gumagawa. Pagkatapos pinaghambing niya ang karunungang galing sa Diyos at karunungan ng sanlibutan at hiniling sa kanyang mambabasa na lumayo sa kasamaan ay lumapit sa Diyos. Buong higpit na sinaway ni Santiago mga mayayaman na nagsasamantala sa mahihirap at nagtitiwala sa kanilang kayamanan. Sa bandang huli, pinalakas niya ang loob ng mga mananampalataya at hinimok sila na magtiyaga sa gitna ng mga kahirapan at malanangin at magmahalan sa isa't isa at palakasin ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pakikisama sa bawat isa.

Koneksyon sa Lumang Tipan: Taglay ng Aklat ni Santiago ang pinakamataas na paglalarawan sa pagitan ng pananampalataya at gawa. Napakalalim ng ugat ng Kautusan ni Moises at ang sistema nito ng mga gawa para sa mga Kristiyanong Hudyo na sinulatan ni Santiago kaya gumugol siya ng mahabang panahon sa pagpapaliwanag sa mahirap na katotohanan na walang sinuman ang mapapawalang sala sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan (Galacia 2:16). Idineklara niya sa kanila na kahit gawin pa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang ganapin ang iba't ibang kautusan at ritwal, napakaimposibleng gawin iyon dahil ang pagsuway kahit sa kaliit liitang bahagi ng Kautusan ay maituturing na pagsuway sa lahat ng nilalaman ng Kautusan (Santiago 2:10).Sa isang salita ang pagsuway kahit sa kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay pagsuway sa lahat.

Praktikal na Aplikasyon: Makikita natin sa Aklat ni Santiago ang hamon sa mga tapat na tagasunod ni Hesu Kristo na hindi lamang sila manampalataya sa salita kundi ipamuhay din naman ang kanilang pinaniniwalaan. Habang kailangan ng Kristiyano ang paglago sa kaalaman sa Salita ng Diyos, sinabi ni Santiago na hindi tayo dapat huminto doon. Maraming mga Kristiyano ang itinuturing na isang malaking hamon ang Aklat ni Santiago dahil nagtataglay ito ng animnapung (60) obligasyon sa 108 na mga talata. Pinagtuunan ni Santiago ng pansin ang mga katotohanan sa mga sinabi ni Hesus sa Kanyang sermon sa bundok at inudyukan niya ang mga mananampalataya na gumawa ayon sa itinuro sa kanila ni Hesus.

Tinuldukan din ng sulat na ito ang pananaw na maaaring maging Kristiyano ang isang tao ngunit pagkatapos ay magpatuloy sa makasalanang pamumuhay at manatiling walang bunga ng katwiran. Ang ganitong klase ng pananampalataya, ayon kay Pablo ay kagaya ng pananampalataya ng demonyo na "nananampalataya rin at nanginginig pa" (Santiago 2:19). Ang ganitong uri ng pananampalataya ay hindi nakapagliligtas sapagkat wala itong ebidensya na resulta ng tunay na pananampalataya (Efeso 2:10). Hindi dahil sa mabubuting gawa ang kaligtasan ngunit mabubuting gawa ang bunga ng kaligtasan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Aklat ni Santiago
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries