settings icon
share icon
Tanong

Makakasama ba ang mga sanggol at maliliit na bata sa pagdagit (rapture)?

Sagot


Hindi partikular na binabanggit sa Bibliya kung ano ang mangyayari sa mga sanggol, bagong silang na bata, at maliliit na bata sa panahon ng pagdagit (rapture). Ito ang dahilan ng pagaalala ng maraming Kristiyano. Iniisip nila na makakasama sila sa pagdagit, pero ang kanilang maliliit na mga anak ay maiiwan para magdanas ng napakatinding kahirapan. Posible ba ito? Hindi. Hindi kami naniniwala na makakaranas ang maliliit na bata ng kapighatian (labis na paghihirap). Gaya ng aming ipinaliwanag sa aming pananaw, pakiunawain sana, na ito ay isa lamang impormadong pagpapalagay. Muli, hindi partikular na tinatalakay sa Bibliya ang isyung ito.

Para maunawaan ang aming paniniwala tungkol sa isyung ito, pakibasahin ang aming artikulo na may titulong “edad ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama” (age of accountability). Kung ang isang bata ay namatay na wala pang kaalaman tungkol sa mabuti at masama anupa't hindi pa niya kayang magdesisyon para tanggapin o tanggihan si Cristo, naniniwala kami na sa langit siya pupunta kung siya ay mamamatay. Naniniwala din kami na ang kanilang kaligtasan ay dahil lamang sa grasya at kahabagan ng Diyos. May ilang nagpapanukala na tanging ang mga maliliit na batang anak ng mga mananampalataya lamang ang makakasama sa rapture. Hindi kami sumasang-ayon sa pananaw na ito. Kung ang kaligtasan ng isang bata na walang pang kaalaman tungkol sa mabuti at masama ay hindi dahil sa kanyang sariling pananampalataya o dahil sa pananampalataya ng kanyang mga magulang, hindi rin siya makakasama sa pagdagit o rapture dahil sa kanyang pananampalataya o dahil sa pananampalataya ng kanyang mga magulang. Naniniwala kami, bagama’t hindi malinaw na itinuturo sa Kasulatan na ang lahat ng mga bata na wala pang kakayahan na malaman kung ano ang mabuti at masama at wala pang kakayahang kilalanin at tanggapin si Cristo ay makakasama sa pagdagit o rapture.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Makakasama ba ang mga sanggol at maliliit na bata sa pagdagit (rapture)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries