settings icon
share icon
Tanong

Magiging anghel ba tayo pagkatapos nating mamatay?

Sagot


Ang mga anghel ay nilikha ng Diyos (Colosas 1:15-17) at lubhang kakaiba kaysa sa mga tao. Sila ay mga espesyal na sugo ng Diyos upang ganapin ang kanyang kalooban at upang magministeryo sa mga tagasunod ni Kristo (Hebreo 1:13-14). Walang anumang indikasyon na ang mga anghel ay dating mga tao o iba silang uri ng nilalang kundi sila'y talagang sadyang nilikha bilang mga anghel. Ang mga anghel ay hindi mangangailangan at hindi makakaranas ng katubusan na ipinagkakaloob ni Kristo sa mga tao. Inilalarawan sa unang Pedro 1:12 ang kanilang hangarin na maunawaan ang Ebanghelyo ngunit hindi ito para sa kanila upang kanilang maranasan. Oo, sila'y nagagalak kung may isang makasalanang nagsisisi at sumasampalataya kay Kristo (Lukas 15:10), ngunit ang kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo ay hindi para sa kanila.

Sa huli, ano ang mangyayari sa katawan ng mga mananampalataya pagkatapos bilang mamatay? Ang kaluluwa/espiritu ng mga mananampalataya ay pupunta kay Kristo at makakasama Niya (2 Corinto 5:8). Ang mga mananampalataya ay hindi magiging anghel. Nakilala ng mga alagad si Moises at Elias sa bundok kung saan nagbagong anyo si Hesus. Hindi sila nagbagong anyo kagaya ng mga anghel sa halip nagpakita sila sa kanilang sariling kaanyuan - bagama't may maluwalhating katawan - sila ay nakilala nina Pedro, Santiago at Juan.

Sa 1 Tesalonica 4:13-18 sinabi ni Pablo ang kalagayan ng mga namatay na mananampalataya; na ang kanilang mga katawan ay patay, ngunit ang kanilang mga kaluluwa/espiritu ay buhay. Sinasabi sa atin ng talatang ito na sa pagdating ni Kristo, isasama Niya ang mga nangamatay, bubuhaying muli ang kanilang mga katawan at magiging katulad ng katawan ng Panginoong Hesu Kristo pagkatapos na sumapi ang kanilang mga kaluluwa/espiritu sa kanilang nangabuhay na katawan. Ang lahat naman ng mga mananampalataya na dadatnan Niyang buhay ay hindi na makakaranas pa ng kamatayan. Ang kanilang espirtu ay pababanalin din at mga katawan nila ay babaguhin at magiging maluwalhati kagaya ng katawan ni Kristo.

Makikilala ng lahat ng mga mananampalataya ni Kristo ang bawat isa at mabubuhay na kasama ang Panginoon magpakailanman. Paglilingkuran natin Siya magpawalang hanggan hindi bilang mga anghel kundi kasama ng mga anghel. Pasalamatan natin ang Diyos sa buhay na pag-asang ito na ipinagkaloob Niya sa lahat ng sumasampalataya kay Hesu Kristo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Magiging anghel ba tayo pagkatapos nating mamatay?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries