settings icon
share icon
Tanong

Paanong ang walang hanggang kapamahalaan ng Diyos ay gumagawang kasama ng malayang pagpapasya ng tao?

Sagot


Imposible para sa atin na ganap na maunawaan ang relasyon sa pagitan ng walang hanggang kapamahalaan ng Diyos at ng responsibilidad at malayang pagpapasya ng tao. Tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam kung paanong gumagawa silang sabay at magkasama sa Kanyang plano ng pagliligtas. Sa doktrinang ito, maaaring higit sa anupamang bagay, napakahalaga na aminin natin ang ating kawalan ng kakayahan na ganap na maunawaan ang kalikasan ng Diyos at ang ating relasyon sa Kanya. Ang paglagpas sa tigkabila ay nagreresulta sa isang baluktot na pangunawa sa kaligtasan.

Malinaw ang Kasulatan na ipinasya ng Diyos kung sino ang maliligtas (Roma 8:29; 1 Pedro 1:2). Sinasabi sa atin sa Efeso 1:4 na pinili tayo ng Diyos “bago pa lalangin ang sanlibutan.” Paulit-ulit na inilarawan ng Bibliya ang mga mananampalataya bilang mga “pinili” (Roma 8:33, 11:5; Efeso 1:11; Colosas 3:12; 1 Tesalonica 1:4; 1 Pedro 1:2, 2:9) at mga “hinirang” (Mateo 24:22, 31; Markos 13:20, 27; Roma 11:7; 1 Timoteo 5:21; 2 Timoteo 2:10; Titus 1:1; 1 Pedro 1:1). Ang katotohanan na itinalaga ng Diyos ang mga mananampalataya (Roma 8:29-30; Efeso 1:5, 11) at hinirang para sa kaligtasan ay napakalinaw (Roma 9:11, 11:28; 2 Pedro 1:10).

Sinasabi din ng Bibliya na responsable tayo sa pagtanggap kay Cristo bilang ating Tagapagligtas. Kung sasampalataya tayo kay Cristo, maliligtas tayo (Juan 3:16; Roma 10:9-10). Alam ng Diyos kung sino ang maliligtas at pinili ng Diyos ang Kanyang ililigtas at kailangan nating piliin si Cristo para tayo maligtas. Kung paanong gumagawa ang katotohanang ito ng sabay at magkasama ay imposibleng maunawaan ng isang taong kapos ang karunungan (Roma 11:33-36). Ang ating responsibilidad ay ipangaral ang ebanghelyo sa mundo (Mateo 28:18-20; Gawa 1:8). Dapat nating ipaubaya sa Diyos ang Kanyang paunang kaalaman, pagpili, at pagtatalaga sa mga maliligtas at simpleng maging masunurin sa pagbabahagi ng ebanghelyo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paanong ang walang hanggang kapamahalaan ng Diyos ay gumagawang kasama ng malayang pagpapasya ng tao?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries