Tanong
Paano mananatili/makakabangon ang iglesya kung magbitiw ang pastor?
Sagot
Walang duda na ang pagkawala ng isang pastor ay maaring maging isang panahon ng pagsubok para sa isang iglesya, partikular kung ang pastor ay umalis dahil sa kahirapan. Kung ang isang pastor ay simpleng nagretiro pagkatapos ng mahaba at mabungang paglilingkod, o kung siya ay lumipat ng ibang lugar bilang tugon sa tawag ng Diyos, ito ay maaaring maging panahon ng matamis na kalungkutan. Maaari siyang parangalan ng kanyang kongregasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo at selebrasyon, pasalamatan siya sa pamamagtian ng mga personal na pagalaala at pagpaparangal, at makigalak sa kanya habang lumilipat siya sa panibagong lugar ng buhay at ministeryo. Siya at ang kanyang pamilya ay maaaring magpatuloy na nasa puso ng kanyang dating kawan at lagi din nilang ipapanalangin.
Pero paano kung ang isang pastor ay umalis dahil sa isang hindi magandang pangyayari, gaya ng imoralidad, kawalan ng kakayahan (maaaring totoo o inaakala), o dahil sa pagkahati ng iglesya? Paano aayusin ng mga naiwan ang mga pinsala kung mayroon man, pagkakaisahin ang mga naiwang miyembro, at magpapatuloy sa tila walang kasiguruhang hinaharap?
Ang una at pinakamahalagang isasaalang-alang sa pagsagot sa mga katanungunang ito ay naguumpisa sa pangunawa kung kanino talaga ang iglesya. Ang iglesya ay hindi pagmamay-ari ng pastor o ng mga tagapanguna, o ng kongregasyon. Ang iglesya ay pagaari ni Cristo, ang Ulo ng Iglesya. Ang salitang iglesya ay literal na nangangahulugang “kalipunan ng mga tinawag mula sa.” Ang mga tinawag na ito mula sa ay nagsasama-sama para sambahin ang kanilang Pangulo. Nakatalaga sila sa pagsunod sa Kanyang pangunguna, sa pagganap sa Kanyang mga utos, at sa pagpiprisinta ng isang tamang larawan ni Cristo sa nagmamasid na mundo. Ang iglesya ay ang katawan ni Cristo. Namatay Siya para sa Kanyang katawan at ang Kanyang katawan ay nabubuhay para sa Kanya. Hangga’t hindi nakatalaga sa biblikal na modelong ito ang mga tagapanguna at hindi nauunawaan ng kongregasyon ang katotohanang ito, walang pastor ang tunay na magtatagumpay. Kaya ang unang hakbang sa pagpapatuloy pagkatapos ng pagkawala ng pastor dahil sa mahihirap na pangyayari ay ang muling pagbuo sa mga tagapanguna at pagtuturo sa kanila ng kahulugan ng iglesya. Sa karagdagan, kailangang may pagkakaisa sa mga tagapanguna sa kanilang pangunawa at pagtatalaga sa lokal na iglesya at sa pandaigdigang iglesya. Marami sa mga paghihiwalay sa iglesya ay nag-ugat sa kawalan ng pagkakasundo sa mga paniniwala at pagtatalaga ng mga tagapanguna. Sa katunayan, maraming pastor ang umaalis dahil lamang sa dahilang ito. Kaya bago maghanap ng isa pang pastor, dapat na magkasundo muna ang mga tagapanguna sa iglesya sa pagiging Ulo ni Cristo ng iglesya.
Ikalawa, dapat na maunawaan ng mga tagapanguna at nakatalaga sila sa katotohanan na ang Diyos ang may kapamahalaan sa lahat ng mga bagay, lalo na sa panahon ng pagalis ng pastor. Walang anumang pangyayari ang nakasorpresa sa Diyos; kundi man Niya talagang pinaalis ang pastor o hinayaan Niya ito para maganap ang Kanyang banal na kalooban at layunin. Alinman sa dalawa, tiniyak Niya sa atin na ang lahat ng mga bagay ay gumagawa para sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Kanya, sa Kanyang mga tinawag para sa Kanyang layunin (Roma 8:28), at maaaring makatagpo ng kaaliwan ang iglesya sa kaalaman na sila ay pinangungunahan ng isang makapangyarhang Diyos na Siyang gumagawa sa bawat detalye ng buhay at ministeryo ng iglesya, gayundin sa buhay at ministeryo ng pastor. Isang malinaw at nakaugat na pagtitiwala sa walang hanggang kontrol ng Diyos sa Kanyang iglesya ang daan para masabi ng iglesya kasama ni Apostol Pablo, “Ngunit salamat sa Diyos at lagi niya kaming isinasama sa parada ng tagumpay ni Cristo, dahil sa aming pakikipag-isa sa kanya. At sa pamamagitan namin ay pinalalaganap ng Diyos sa lahat ng dako ang mabangong halimuyak ng pagkakilala sa kanya” (2 Corinto 2:14).
Ikatlo, ang pagalis ng pastor ay isang magandang panahon para muling suriin ang misyon at gawain ng iglesya. May mga malinaw na utos mula sa Kasulatan—ang pagtuturo at pangangaral ng Salita, pagsamba at pagluwalhati sa Diyos, at pagganap ng utos na ipangaral ang Ebanghelyo—pero paano ang mga ito gaganapin ng iglesya at anong uri ng pastor ang kinakailangan para maabot ang layuning ito? Kung binibigyang diin ng iglesya ang pagmimisyon, halimbawa, dapat na may katulad na pananaw ang susunod na magiging pastor. Kung nadarama ng iglesya na tinawag ito na magministeryo partikular sa mga bata, sa mahihirap, sa matatanda, o sa lokal na populasyon, dapat na may puso sa mga ganitong uri ng ministeryo ang magpapastor. Nagaganap ang pagkahati ng iglesya kung magkaiba ang pananaw ng pastor at ng pamunuan sa kanilang pananaw sa kanilang pagkatawag at ito ay maaaring maiwasan agad sa pamamagitan ng isang malinaw na nakasulat na bisyon sa papel ng iglesya sa komunidad at sa mundo.
Panghuli, bago ang anumang pagtatangka na palitan ang pastor, dapat na alamin ng pamunuan ang malinaw na dahilan kung bakit umalis ang dating pastor. Kung umiiral pa rin ang dahilan ng kanyang hindi napapanahong pagalis, ang pagiwas sa parehong masakit na pangyayari ay tila imposible. Halimbawa, kung may kasalanan sa kongregasyon na hindi pa nawawala, kailangan muna iyong ayusin bago tumawag ng isa pang pastor na mangunguna sa iglesya. Hinarap ni Pablo ang mga Kristiyanong sobrang makasalanan at matigas ang ulo sa iglesya sa Corinto na patuloy na hindi nagkakasundo at sumisira sa iglesya. Sila ay makasarili, magulo, at makamundo. Namantsahan ng kasalanan ang Hapag ng Panginoon. Nagbabangayan sila sa isa’t isa, idinedemanda ang isa’t isa at pinagsamantalahang sekswal ng isa ang kanyang tiyahin at nagmamalaki pa sila. Ang pagkuha ng isang pastor na hindi nito alam kung ano ang nangyari sa iglesya at hindi alam na may mga miyembrong may ganitong paguugali ay napakawalang katarungan para sa kanya at magiimbita lamang ito ng isa pang masakit na pagbibitiw ng pastor. Nakasalalay sa mga tagapanguna ng iglesya kung ipapatupad nila ang pagdidisiplina ayon sa Mateo 18 at nararapat na gawin nila bago dumating ang bagong pastor o pagkadating niya hangga’t alam niya ang sitwasyon.
English
Paano mananatili/makakabangon ang iglesya kung magbitiw ang pastor?