Tanong
Bakit hindi ko kayang tumigil sa pagkakasala? Tulungan nyo ako!
Sagot
Bawat mananampalataya ay mga pagkakataon na nananaghoy dahil sa kawalan ng kakayahang itigil ang paggawa ng kasalanan. Habang naiisip natin na ang suliraning ito ay sanhi ng ating mga kahinaan, ang kalimitang dahilan kung bakit hindi natin kayang tumigil sa paggawa ng kasalanan ay ang ating kakulangan ng pang unawa sa lakas at kapangyarihan ng Diyos. Kung hindi natin mauunawaan ang kapangyarihan ng Diyos upang magligtas, magpatawad, at ang kanyang kakayahang linisin tayo mula sa lahat ng karumihan (1 Juan 1:9),Tayo ay mabibihag ng mapaminsalang paulit-ulit na kasalanan, at takot na nauuwi sa kawalan ng kagalakan sa ating kaligtasan, at ito ang umaakay upang lalo tayong magkasala.
Mababasa natin sa Awit 51:12 na si David ay nanalangin sa Diyos upang “Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat.” Sinulat niya ang awit na ito pagkatapos niyang makagawa ng mabigat na kasalanan ng pangangalunya at pagpatay. Mahalagang mapansin natin na sa tagpong ito ay hiniling ni David sa Diyos na ibalik sa kanya ang kagalakang dulot ng kanyang kaligtasan. Sapagkat ang kagalakan ay susi upang magtagumpay laban sa kasalanan. Kaugnay nito ay mahalaga rin na maunawaan nating inaalalayan tayo ng Diyos sa pamamagitan ng paglikha niya sa atin ng “espiritung nagnanais.” Kasiyahan ng Diyos na iligtas tayo, at tayo rin naman ay nagkakaroon ng kagalakan dahil tayo ay naligtas.
Kalooban ng Diyos na tayo ay Kanyang iligtas, upang ipakita ang Kanyang kagadahang loob, pag-ibig, at kapangyarihan. At tandaan natin na ang ating kaligtasan ay hindi naka depende sa laki o liit ng ating kasalanan, kung gaano kalawak o kaliit ang ating pag ebanghelyo, pagsisisi, sa mga mabubuting gawa, sa ating pagiging maibigin o hindi o sa ano pa mang tungkol sa atin. Sapagkat ang kabuuan ng ating kaligtasan ay walang ibang gumawa kundi ang Diyos ayon sa Kanyang kagandahang loob, pag-ibig, at layunin (Efeso 2:8-9). Mahalaga ring maintindihan natin na dahil sa paniniwalang tungkulin nating tuparin ang kautusan ay nawawalan tayo ng kakayahang ihinto ang pag gawa ng kasalanan.
Ipinaliwang ni Pablo ang bagay na ito sa Roma 7;7-10. Kapag naiintihan natin ang isang kautusan, katulad halimbawa ng “huwag mag imbot,” Hindi maiiwasan ng ating makasalanang kalikasan ang maghimagsik laban sa dito, kaya't nag iimbot tayo. Ito ang kalagayan ng tao---ganito tayo bilang tao. Pinapalubha ng kautusan ang ating makasalanang kalikasan. Subalit magagawa ng biyaya ng Diyos ang hndi kayang gawin ng kautusan: ang linisin tayo sa ating mga kasalanan.
Dahil dito, makikita natin na ang paraan upang magawa nating ihinto ang paggawa ng kasalanan ay hindi sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga tuntunin. Gayunman, alam ng Diyos ang bagay na ito, Sa katunayan ay Siya ang nagbigay ng kautusan upang malaman natin ang ating mga kasalanan at ng sa ganun ay lumapit tayo sa Kanya (Roma 3:19-20; Galacia 3:23-26). Mabuti ang kautusan, sapagkat inilalarawan nito ang kalikasan at pagiging ganap ng Diyos. Subalit hindi ito ibinigay para sa ating kaligtasan. Si Kristo ang tumupad sa lahat ng hinihingi ng kautusan para sa atin (Mateo 5:17).
Kapag hindi tayo sumang ayon sa Diyos at pinanghawakan natin ang kaisipan na kailangan nating tuparin ang kautuusan, tayo ay mawawalan ng kagalakan sa ating kaligtasan at inilalagay natin ang ating sarili sa kabiguan. Nagpapaka pagal tayo at nahihirapan. Napipilitan tayong gumawa ng bagay na magbibigay katiyakan sa ating kaligtasan, ngunit, lalo lamang nahihirapan ang ating sarili sapagkat ipinapakita nito na hindi natin kayang sundin ang kautusan. Kaya nga, habang nakatuon tayo sa kautusan ay lalo lamang nahahayag ang ating makasalanang kalikasan. At habang nahahayag ang ating makasalanang kalikasan ay nagdudulot ito sa atin ng ibayong takot na hindi pala tayo ligtas. at habang lalo tayong natatakot at nawawalan ng kagalakan, lalo tayong natutukso sa kaligayahang dulot ng kasalanan.
Kaya nga, ang tanging paraan upang matigil ang ating pagkakasala ay tanggapin ang katotohanang hindi natin kayang pigilan ang paggawa ng kasalanan. Bagaman tila magkasalungat ito, ngunit ito ay nangangahulugang kapag ang isang tao ay hindi huminto sa pagsisikap na iligtas ang kanyang sarili, hindi niya makikita na ang Diyos ang nagligtas sa kanya. Ang kagalakan dahil sa kaligtasan ay bunga ng pagtanggap sa katotohanan na tanging ang biyaya o kagandahang-loob lamang ng Diyos ang magbibigay proteksyon sa atin, at hindi ang sarili nating gawa (Roma 8;29; Filipos 1:6; Filipos 2:13; Hebreo 13:20-21). Mawawala lamang ang kapangyarihan ng kasalanan sa atin kapag lubusan nating naintindihan ang realidad na ito. Ibig sabihin, hindi na tayo magkakaroon ng damdamin upang bumalik sa paggawa ng kasalanan bilang pansamantalang paraan upang maibsan ang ating kabalisahan, sapagkat ang pangamba at kagipitan ay pinawi na ni Jesus ng minsan para sa lahat (Hebreo 10:10, 14). Sa kabila nito, ang mabubuting bagay ay ating ginagawa sa pamamagitan ng pananampalataya ay nagagawa natin ito dahil sa pag-ibig at kagalakan at hindi dahil sa takot at obligasyon.
“Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang kapangyarihan ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan. Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo palagi sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya” (1 Corinto 15:56-58).
English
Bakit hindi ko kayang tumigil sa pagkakasala? Tulungan nyo ako!