settings icon
share icon
Tanong

Totoo ba ang mga anghel?

Sagot


Ipinapakilala ng Bibliya ang mga anghel bilang mga tunay at aktwal na mga nilalang. Gayunman, ang pagpapakilala ng Kasulatan sa mga anghel ay sobrang kakaiba sa popular na konsepto ng mga tao tungkol sa kanila. Inilalarawan ng Bibliya ang mga anghel bilang malalaki, makapangyarihan, nakakatakot, at mahiwagang mga nilalang. Naglilingkod sila sa Diyos para sa mga partikular na kadahilanan at tila hindi sila mga nilalang na pagala-gala lamang. Habang wala tayong napakaraming impormasyon tungkol sa mga anghel sa Bibliya, mayroon tayong sapat na ebidensya para itama ang marami sa mga pangkaraniwang maling pagkaunawa sa mga anghel.

Ang salitang anghel ay nagmula sa salitang Griyegong angelos, na literal na nangangahulugang “mensahero.” Sa salitang Hebreo sa Lumang Tipan, ang mga nilalang na ito ay tinatawag na mal’ak, na na ang kahulugan din ay “mensahero.” Tila ang komunikasyon ang pangunahing gawain ng mga anghel sa Bibliya. Nakakarami sa mga pagtukoy sa Bibliya ang kinapapalooban ng pagdadala ng balita o utos na galing sa Diyos. Minsan, ipinapakita sila bilang tagapag-ingat sa ilang tao (Daniel 6:20–23) o mga bansa (Daniel 12:1). Gayunman, walang direktang suporta mula sa Bibliya para sa konsepto ng isang “tagapagbantay na anghel”—isang nilikha na itinalaga para magbantay o gumabay sa isang partikular na tao—bagama’t umiiral ang ganitong mga nilalang.

Sa makabagong panahon, kabilang sa mga pangkaraniwang paglalarawan sa mga anghel ang tila bilog na ulap sa ibabaw ng ulo, mabalahibong pakpak, blondeng buhok, may hawak na alpa, at nakasuot ng puting damit, o isang matabang bata na may maliliit na pakpak at nagniningning na mga mata. Sa katotohanan, hindi nagbibigay ang Bibliya ng pangkalahatang pisikal na paglalarawan sa mga anghel. Tanging ang partikular na uri ng mga nilalang na gaya ng kerubin at serapim ang binigyan ng detalye. (Isaias 6:2–6; Ezekiel 1:4–28). Tanging isang anghel lamang sa walang lamang libingan ni Jesus ang inilarawan na may suot na puting kasuutan (Markos 16:5). Ipinapahiwatig ng Kasulatan na maaaring mag-anyong karaniwang tao ang mga anghel (Genesis 19:1–4).

Nakakaraming tao sa kasulatan na nakakita ng anghel ang nanginig sa takot. Halos sa tuwing magpapakita ang isang anghel sa sinuman, ang unang sinasabi ng anghel ay “Huwag kang matakot!” (Lukas 1:13, 30; 2:10; Mateo 28:5). Sobrang nakakamangha ang kanilang presensya anupa’t maging ang mga apostol na gaya ni Juan ay binalaan na huwag silang sasambahin (Pahayag 19:9–10). Mauunawaan ang ganitong babala dahil sa antas ng kapangyarihan na kanilang taglay ayon sa Bibliya. Bilang mga espiritwal na nilalang na nilikha para maglingkod sa Diyos, ang mga anghel ay hindi “kyut” dahil sila ay makapangyarihan at hindi tagarito sa mundo.

Sa pagaaral ng Bibliya, masasabi natin na ang mga anghel ay mga literal na nilalang. Totoong may mga biblikal na anghel. Ngunit walang anghel na kagaya ng mga bersyon ng mga anghel na nakikita sa mga pelikula at mga komersyal.


English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Totoo ba ang mga anghel?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries