settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagiging tomboy/lesbian? Ang lesbianismo ba ay binanggit sa Bibliya?

Sagot

Naniniwala ang ilang tao na bagama’t ipinagbabawal ng Bibliya ang homosekswal na relasyon sa pagitan ng mga lalaki, hindi nito binanggit ang lesbianismo o pagiging tomboy/lesbian. Ang mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki ay binanggit sa Levitico 18:22 at 20:13, gayunpaman walang tinutukoy na mga babae na nakikipagtalik sa kapwa babae. Ang mga lalaki sa mga lungsod ay nagnanais na mang-gahasa ng ibang lalaki, ayon sa Genesis 19 na kuwento ng Sodoma at Gomorra. Ang mga tomboy/lesbian ay hindi binanggit sa 1 Corinto 6:9, ngunit ang mga lalaking may seksuwal na pagnanasa sa kapwa lalaki, ay tumutukoy sa mga homosekswal. Talaga bang ipinagbabawal ng Bibliya ang pagiging homosekswal sa mga lalaki ngunit hindi ang lesbianismo?

Nililinaw ng Roma 1:26-27 ang maling pag-aakala na: “Dahil dito'y hinayaan sila ng Diyos sa mahahalay na pagnanasa. Maging ang mga kababaihan sa kanila ay ayaw ng makipagtalik sa lalaki, at sa halip ay sa kapwa babae sila nakikipag-ugnayan. Ganoon din ang mga lalaki; ayaw na nilang makipagtalik sa mga babae, at sa kanilang kapwa lalaki sila nahuhumaling. Ginagawa nila ang mga kasuklam-suklam na bagay, kaya't sila'y paparusahan ng nararapat sa kanilang masasamang gawa.” Ang talatang ito ay malinaw na naglalagay ng homosekswalidad sa mga lalaki at lesbianismo sa pantay na katayuan. Ayon sa isang pakahulugan ng lesbianismo, ang isang babae ay sekswal na naaakit sa kapwa babae at hindi sa kalalakihan. Sinasabi ng Bibliya na ang pagiging tomboy ay kasing imoral ng pagiging bakla.

May implikasyon sa Roma 1:26 na ang lesbianismo ay mas malala pa kaysa sa pagiging homosekswal ng lalaki. Pansinin ang pariralang “kahit ang kanilang mga babae.” Ayon sa teksto, ang sekswal na imoralidad ay mas laganap sa mga lalaki, at kapag sinimulang gawin ito ng mga babae, ito ay isang indikasyon na ang mga bagay ay tunay na kakila-kilabot. Ang mga lalaki ay mas malakas kaysa sa mga babae na magkaroon ng sekswal na pagnanasa dahil madalas hanapin ng katawan nila ang pakikipagtalik. Ang antas ng imoralidad ay talagang umabot sa kahiya-hiyang sukat kapag ang mga babae ay nagsasagawa ng abnormal na pag-uugaling sekswal. Ang mga taong nahuhulog sa "makasalanang pagnanasa ng kanilang mga puso sa sekswal na karumihan para sa pagpapahiya ng kanilang mga katawan sa isa't isa" ay ipinakita ng lesbianismo (Roma 1:24).

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries