no an
settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ng Bilang 32:23 kapag sinabi nitong, ‘tiyak na pagbabayaran ninyo ang inyong kasalanan’?

Sagot


Sinasabi ng Bilang 32:23, “Tiyak na pagbabayaran ninyo ang inyong kasalanan.” Ito ay isang kakaibang pag-iingat, lalo na kung babasahin ng hiwalay. Kaya't kung susuriin natin ang konteksto nito, lalo na ang buong kabanata ng mga Bilang 32 ay makikita natin kung ano pa ang sinasabi ng Bibliya sa paksa ng ating kasalanan na "nalaman."

Ang pahayag na "tiyak na pagbabayaran ninyo ang inyong kasalanan" ay sinabi ng Diyos sa pagtatapos ng pag-alis ng Israel mula sa Ehipto. Matapos maglibot sa ilang sa loob ng 40 taon, ang mga tribo ng Israel sa wakas ay naghahanda na sa pagtawid sa Ilog Jordan patungo sa Lupang Pangako. Ang mga lalaking husto ang gulang para mapabilang sa militar mula sa lahat ng labindalawang tribo ay kinakailangang tulungan ang bawat tribo na masakop ang nakatalagang teritoryo para dito, isang gawain na gugugol ng maraming oras at kahirapan.

Bago tumawid ang mga Israelita sa Jordan, ipinaalam ng mga tribo nina Gad at Ruben na nagustuhan nila ang kanilang kinaroroonan sa silangan ng Jordan. Ang lupain doon ay mainam para sa pag-aalaga ng baka (Bilang 32:1), at ang mga pinuno ng mga tribong iyon ay lumapit kay Moises para humingi ng pahintulot na manirahan sa silangang bahagi, sa halip na sa Canaan. Noong una ay sinabi ni Moises na “hindi:” “Dapat bang makipagdigma ang iyong mga kapwa Israelita habang nakaupo ka rito?” (talata 6). Pagkatapos ay inakusahan niya sila ng hindi pagnanais na makapasok sa Lupang Pangako tulad ng ginawa ng nakaraang henerasyon: “Ito ang ginawa ng inyong mga ninuno” (talata 8). At ipinaalala niya sa kanila na ang mismong kasalanang ito ang naging sanhi ng pag-aalab ng galit ng Panginoon laban sa kanila sa loob ng 40 taon at binalaan niya sila na nanganganib silang muling magdulot ng pagkawasak sa buong bansa (mga talata 13–15).

Pero iba ang intensyon nina Gad at Ruben gaya ng ipinaliwanag nila. Tinanong nila si Moises kung maaari nilang iwanan ang kanilang mga kawan at pamilya sa mga pamayanan habang ang mga lalaki ay nag-aayos ng kanilang sarili at pumunta sa digmaan sa Canaan. Matapos ang kanilang katiyakan na hindi nila pinababayaan ang kanilang mga kapwa Israelita, pumayag si Moises sa kanilang kahilingan. Sinabi niya sa kanila na dapat silang lumaban hanggang sa masakop ang lupain at saka lamang sila makakabalik sa kanilang pag-aari sa silangan ng Jordan. Pagkatapos ay idinagdag ni Moises ang babala: “Ngunit kung hindi ninyo gagawin ang inyong sinabi, magkakasala kayo laban kay Yahweh. At ito ang tandaan ninyo: tiyak na pagbabayaran ninyo ang inyong kasalanan” (Bilang 32:23).

Nang sabihin ni Moises, “tiyak na pagbabayaran ninyo ang inyong kasalanan,” hindi niya ibig sabihin, “malalaman ng lahat ang inyong kasalanan.” Kung ang mga tribong trans-Jordan ay hindi tumupad sa kanilang pangako, ito ay isang kasalanan laban sa Panginoon at sa buong bansa, at ang kanilang kasalanan ay malalaman ng lahat. Sa halip, ang babala ni Moises na makatitiyak sila na ang kanilang kasalanan ay pagbabayaran nila na nagpapahiwatig sa kakaiba-ngunit-tunay na kalikasan ng kasalanan.

Sa ilang mga lugar sa Bibliya, ang kasalanan ay inilarawan sa mga termino na tila ito ay isang buhay na nilalang na may sariling isip at kalooban. Binabalaan ng Diyos si Cain na “ang kasalana'y tulad ng mabangis na hayop na laging nag-aabang upang lapain ka. Nais nitong pagharian ka. Kaya't kailangang mapaglabanan mo ito” (Genesis 4:7). Ipinaliwanag ni Santiago kung paano sa pigura ng pananalita, ang mga tao ay “Natutukso kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling pagnanasa. At ang pagnanasa kapag naitanim sa puso ay nagbubunga ng kasalanan; at ang kasalanan, sa hustong gulang ay nagbubunga ng kamatayan” (Santiago 1:14–15). Inilarawan ni Pablo, sa Roma 7:14–25, ang kasalanan na parang isang nilalang na nabubuhay sa loob niya, na inaalipin siya laban sa kanyang kalooban at ipinapagawa sa kanya ang kanyang kinasusuklaman at hinahatulan: “…hindi na ako ang gumagawa nito kundi ang kasalanang naninirahan sa akin” (talata 20).

Sa pahayag na "tiyak na pagbabayaran ninyo ang inyong kasalanan," ay inihayag ang misteryo ng kasalanan. Ang kalikasan ng kasalanan ay ganoon na, matuklasan man o hindi ng iba ang iyong kasalanan, ang iyong kasalanan ay "matutuklasan ka." Hindi ka makakatakas sa mga konsekwensya. Ang kasalanan ay nagtataglay sa sarili nito ng kapangyarihan na pagbayarin ang makasalanan at ang kabayaran ng kasalanan ay impiyerno. Ni huwag kang mag-isip na hawakan ang kasalanan. Hindi Ito mapapaamo, mauunahan o maiwawaksi. Kahit gaano pa ligtas sa tingin mo, kung ikaw ay makasalanan, magbabayad ka sa iyong kasalanan.

Ang babala ni Moises sa mga lipi ng Israel, na “tiyak na pagbabayaran ninyo ang inyong kasalanan,” ay binanggit ni Pablo: “Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. Ang nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan” (Galacia 6:7–8). Ang tanging paraan upang makatakas sa mga konsekwensya ng kasalanan ay ang mapatawad ang iyong kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo (Roma 10:9; 1 Juan 2:2; Pahayag 1:5).



English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin ng Bilang 32:23 kapag sinabi nitong, ‘tiyak na pagbabayaran ninyo ang inyong kasalanan’?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries