Tanong
Bakit mahalaga ang pagdalo sa pananambahan?
Sagot
Sinasabi sa atin ng Bibliya na kailangan nating dumalo sa pagtitipon ng Iglesia upang sumamba sa Diyos kasama ang iba pang mga mananampalataya at upang maturuan tayo ng Kanyang mga Salita para sa ating paglagong Espiritwal (Mga Gawa 2:42; Hebreo 10:25). Ang sambahan ang siyang lugar kung saan nag-iibigan ang mga mananampalataya (1 Juan 4:12), nagpapalakasan ng loob ng bawat isa (Hebreo 3:13), pinasisigla ang kapwa kristiyano (Hebreo 10:24), pinagsisilbihan ang bawat isa (Galacia 5:13), tinuturuan ang bawat isa (Roma 15:14), nirerespeto ang bawat isa (Roma 12:10), at nagpapakita ng kabaitan at kaawaan sa bawat isa (Efeso 4:32).
Sa oras na ang isang tao ay manampalataya kay Hesu Kristo bilang kanyang tagapagligtas at siya ay tanggapin ng Diyos bilang anak, siya ay naging bahagi ng katawan ni Kristo o ng iglesia (1 Corinto 12:27). Upang maayos na magampanan ang tungkulin sa sambahan, kinakailangang naroon ang lahat ng bahagi ng kanyang katawan (1 Corinto 12:14-20). Gayun din naman, ang isang mananampalataya ay hindi mararating ang pinakamataas na antas ng kanyang espiritwalidad kung walang tulong at pagpapalakas ng loob na manggagaling sa kanyang kapwa mananampalataya (1 Corinto 12:21-26). Dahil dito, ang pagdalo sa pananambahan, pakikibahagi, at pakikisalamuha sa mga kapwa mananampalataya ay dapat na maging regular na gawain ng isang mananampalataya. Ang regular na pagdalo ng isang mananampalataya sa pananambahan ay hindi sapilitang hinihingi sa kanila, subalit ang isang tao na tunay na nanampalataya na kay Hesu Kristo ay mayroong pagnanasang sumamba sa Diyos, makinig at magsapamuhay ng Kanyang mga salita at makisalamuha sa mga kapwa mananampalataya.
English
Bakit mahalaga ang pagdalo sa pananambahan?