settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa gawain ng isang senior pastor?

Sagot


Maraming sinasabi ang Bibliya tungkol sa papel o gawain ng isang pastor. Ang pangunahing salita ng naglalarawan sa papel na ginagampanan ng isang pastor ay “matandang tagapangasiwa” o “elder,” “obispo,” at “guro” (1 Timoteo 3:1-13). Ang “matandang tagapangasiwa” o “elder,” o episkopos (kung saan natin nakuha ang ating salitang episcopal) ay tumutukoy sa pangangasiwa sa mga mananampalataya, at kinapapalooban ng pagtuturo, pangangaral, pagmamalasakit, at pagsasanay ng awtoridad kung kinakailangan. Ang matatandang tagapangasiwa din ang nagsisilbing lider o guro. Sa Tito 1:5-9, hinimok ni Pablo si Tito na “magtalaga ng mga matatanda sa bawat siyudad.” Sila ang magtuturo at mangunguna sa espiritwal na paglago ng kongregasyon. Gayundin sa 1 Pedro 5:1-4, kinausap ni Pedro ang kanyang mga “kapwa matatanda” at sinabihan sila na “Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Gawin ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang…. hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod” (1 Pedro 5:2).

Kaya nga hindi partikular na tinalakay sa Bibliya ang tungkol sa papel o gawain ng isang senior pastor. Nagkaroon ng ganitong opisina habang lumalago ang iglesya at nangailangan ng karagdagang manggagawa. Ang titulo ng isang senior pastor ay tumutukoy sa isang tao na pangunahing nangunguna sa iglesya at sa pangkalahatan ay ginagawa ang nakararami sa mga pangangaral at pagtuturo sa pulpito, at nangangasiwa sa administrasyon ng iglesya. May ilang malalaking iglesya na mayroon pang executive pastor na nangangasiwa sa araw araw na operasyon ng iglesya, habang ang senior pastor ay responsable naman para sa pagtatrabaho kasama ang board ng iglesya, pati na sa pangangaral, pagtuturo, at ministeryo ng pagpapayo na kasama sa mga papel ng isang pastor.

Ang bawat iglesya, malaki man o maliit ay nangangailangan ng isang pastor na mangangalaga, mangunguna, magpapakain, at gagabay sa mga mananampalataya sa kanilang espiritwal na paglago at paglilingkod sa Panginoong Jesus. Sa malalaking iglesya, ang isang senior pastor sa tuwina ang nangangalaga sa iba pang mga pastor bilang karagdagan sa pangangangalaga sa kongregasyon. Dahil dito, dapat na magkaroon ng mas mataas na pamantayan ayon sa 1 Timoteo 3:1-13 at Tito 1:6-9 para sa isang senior pastor kaysa sa ibang pastor.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa gawain ng isang senior pastor?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries