settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sekswal na imoralidad?

Sagot


Sa Bagong Tipan, ang salitang kadalasang isinasalin na “sekswal na imoralidad” ay porneia. Ang salitang ito ay isinalin din bilang “pagbebenta ng laman,” “pakikiapid,” at “pagsamba sa diyus-diyusan”. Nangangahulugan ito ng “pagsuko ng sekswal na kadalisayan,” at pangunahin itong ginagamit sa pakikipagtalik bago ang kasal. Mula sa salitang Griyego, dito ay nakuha natin ang salitang Ingles na pornograpiya, na nagmumula sa konsepto ng "pagbebenta". Ang sekswal na imoralidad ay ang "pagbibili" ng sekswal na kadalisayan at nagsasangkot sa anumang uri ng sekswal na pagpapahayag sa labas ng kasal na tinukoy sa Bibliya (Mateo 19:4–5).

Ang kaugnayan sa pagitan ng seksuwal na imoralidad at pagsamba sa diyus-diyusan ay higit na mauunawaan sa konteksto ng 1 Corinto 6:18, na nagsasabing, iwasan ninyo ang imoralidad. Ang ibang kasalanang nagagawa ng tao ay hindi nakakasira sa katawan, ngunit ang gumagawa ng imoralidad ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan. Ang mga katawan ng mga mananampalataya ay “templo ng Espiritu Santo” (1 Corinto 6:19–20). Ang paganong pagsamba sa diyus-diyosan ay kadalasang may kasamang masama at imoral na mga gawaing ginagawa sa templo ng huwad na diyos. Kapag ginagamit natin ang ating pisikal na katawan para sa imoral na layunin, tinutularan natin ang paganong pagsamba sa pamamagitan ng paglapastangan sa banal na templo ng Diyos sa mga gawaing tinatawag Niyang kasuklam-suklam (1 Corinto 6:9–11).

Ang mga pagbabawal sa Bibliya laban sa seksuwal na imoralidad ay kadalasang kasama ng mga babala laban sa “karumihan” (Roma 1:24; Galacia 5:19; Efeso 4:19). Ang salitang ito sa Griego ay akatharsia, na ang ibig sabihin ay “nadungisan, marumi, hindi angkop sa seremonyal”. Ito ay nagsasaad ng mga aksyon na nagiging dahilan upang ang isang tao ay hindi karapat-dapat na pumasok sa presensya ng Diyos. Ang mga nagpapatuloy sa imoralidad nang walang pagsisisi at kalaswaan ay hindi makapupunta sa harapan ng Diyos. Sinabi ni Jesus, “Mapapalad ang may malinis na puso sapagkat makikita nila ang Diyos” (Mateo 5:8; cf. Awit 24:3–4). Imposibleng mapanatili ang isang malusog na relasyon sa Diyos kung ang ating mga katawan at kaluluwa ay inilalagak natin sa mga karumihan.

Ang seksuwalidad ay disenyo ng Diyos. Siya lamang ang maaaring magtakda ang mga karapat-dapat paggamitan nito. Malinaw sa Bibliya na ang pakikipagtalik ay nilikha upang tamasahin ng isang lalaki at isang babae na nasa isang tipan ng kasal hanggang sa mamatay ang isa sa kanila (Mateo 19:6). Ang seksuwalidad ay Kanyang sagradong regalo sa kasal para sa mga tao. Anumang pagpapahayag nito sa labas ng mga parametro na iyon ay nagpapahayag ng pag-abuso sa kaloob ng Diyos. Ang pag-abuso ay ang paggamit ng mga tao o bagay sa mga paraang hindi nila idinisenyo para magamit. Tinatawag ito ng Bibliya na kasalanan. Ang pangangalunya, pakikipagtalik bago ang kasal, pornograpiya, at homoseksuwal na relasyon ay labas lahat sa disenyo ng Diyos, na nagiging sanhi ng kanilang pagkakasala.

Ang mga sumusunod ay ilang karaniwang pagtutol sa mga utos ng Diyos laban sa sekswal na imoralidad:

1. Hindi mali kung mahal natin ang isa't isa. Walang pinagkaiba ang Bibliya sa pagitan ng “pagmamahal” at “di-pagmamahal” na seksuwal na relasyon. Ang tanging pagkakaiba sa Bibliya ay sa pagitan ng mga taong may asawa at walang asawa. Ang pakikipagtalik sa loob ng kasal ay pinagpala (Genesis 1:28); Ang pakikipagtalik sa labas ng kasal ay “pakikiapid” o “sekswal na imoralidad” (1 Corinto 7:2–5).

2. Nagbago na ang panahon, at ang mali noong panahon sa Bibliya ay hindi na itinuturing na kasalanan. Karamihan sa mga talatang tumututol sa sekswal na imoralidad ay kinabibilangan din ng mga kasamaan tulad ng kasakiman, pagnanasa, pagnanakaw, atbp. (1 Corinto 6:9–10; Galacia 5:19–21). Maliwanag sa pagkaunawa na ang ibang mga bagay na ito ay kasalanan pa rin. Ang katangian ng Diyos ay hindi nagbabago base sa opinyon ng kultura (Malakias 3:6; Bilang 23:19; Hebreo 13:8).

3. Kami ay kasal sa mata ng Diyos. Ang argumentong ito ay nagpapahiwatig na ang Diyos ay duling. Ang kamalian ng ideyang ito ay ang Diyos na lumikha ng kasal sa unang lugar ay babawiin ang Kanyang sariling utos na tanggapin ang tinatawag Niyang kasalanan. Ipinahayag ng Diyos na ang pag-aasawa ay dapat isang lalaki at isang babae na magkasama habang buhay (Marcos 10:6–9). Madalas na ginagamit ng Bibliya ang larawan ng isang kasal at isang tipan ng kasal bilang isang metapora upang ituro ang espirituwal na katotohanan (Mateo 22:2; Pahayag 19:9). Sineseryoso ng Diyos ang pag-aasawa, at nakikita ng Kanyang “mga mata” ang imoralidad sa kung ano ito, gaano man natin ito muling binigyang-kahulugan.

4. Magkakaroon pa rin ako ng magandang relasyon sa Diyos dahil naiintindihan Niya. Sinasabi ng Kawikaan 28:9, “Kung ipihit ng isa ang kaniyang tainga sa pakikinig sa kautusan, maging ang kaniyang panalangin ay kasuklam-suklam”. Niloloko natin ang ating sarili kung nagmamatigas tayo at inaakala na walang pakialam ang Diyos. Ang 1 Juan 2:3–4 ay naglalaman ng mabigat na hamon para sa mga nagpapatuloy sa ganitong paraan ng pag-iisip: “Alam natin na nakikilala natin Siya kung tinutupad natin ang Kanyang mga utos. Ang sinumang nagsasabing, ‘Kilala ko Siya,’ ngunit hindi ginagawa ang Kanyang iniuutos ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa taong iyon”.

Ang Hebreo 13:4 ay nilinaw ang mga inaasahan ng Diyos sa Kanyang mga anak: “Dapat ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya”. Mali ang sekswal na imoralidad. Ang dugo ni Jesus ay makapaglilinis sa atin mula sa lahat ng uri ng karumihan kapag tayo ay nagsisi at tumanggap ng Kanyang kapatawaran (1 Juan 1:7–9). Ngunit ang paglilinis na iyon ay nangangahulugan na ang ating lumang kalikasan, kabilang ang seksuwal na imoralidad, ay pinapatay (Roma 6:12–14; 8:13). Sinasabi ng Efeso 5:3, “Ngunit sa gitna ninyo ay hindi dapat magkaroon ng kahit katiting na pakikiapid, o anumang uri ng karumihan, o kasakiman, sapagkat ang mga ito ay hindi nararapat para sa mga banal na anak ng Diyos”.



English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sekswal na imoralidad?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries