settings icon
share icon
Tanong

Kasalanan ba ang pakikipagtalik gamit ang kompyuter o telepono (cyber-sex / phone sex)?

Sagot


Hindi tinalakay saan man sa buong Bibliya ang tungkol sa pakikipagtalik gamit ang komputer (cyber-sex) o telepono (phone sex) dahil hindi pa posible ang mga gawaing ito sa panahon ng Bibliya. Ang sagot sa tanong na ito ay nakasalalay sa kung ang tao bang sangkot sa gawaing ito ay mag-asawa? Sa relasyong mag-asawa, ang cyber-sex / phone sex ay nasa ilalim ng prinsipyo ng "kasunduan sa pagitan ng mag-asawa" sa 1 Corinto 7:5. Para sa iba pang impormasyon, pakibasahin ang aming artikulo tungkol sa mga gawaing sekswal na pinahihintulutan sa relasyon ng mag-asawa.

Labas sa relasyong mag-asawa, nagbibigay ang Salita ng Diyos ng ilang mga prinsipyo na tiyak na maaaring mailapat sa isyu ng cyber-sex / phone sex. Sinasabi sa atin sa Filipos 4:8, "Bilang pagtatapos, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang." Sa karagdagan, maraming mga talata sa Kasulatan ang nagpapahiwatig na ang pakikipagtalik ng labas sa matrimonyo ng kasal ay isang kasalanan (Gawa 15:20; 1 Corinto 5:1; 6:13,18; 7:2; 10:8; 2 Corinto 12:21; Galacia 5:19; Efeso 5:3; Colosas 3:5; 1 Tesalonica 4:3; Judas 7). Itinuro sa atin ni Hesus mismo na kahit na ang makasalanang pagnanasa ay isa ng kasalanan: "Narinig ninyong sinabi, Huwag kang mangangalunya: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso" (Mateo 5:27-28). Sinasabi sa Kawikaan 23:7,"Sapagka't kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya: kumain ka at uminom ka, sabi niya sa iyo; nguni't ang puso niya ay hindi sumasaiyo."

Sa esensya ang cyber-sex at phone sex ay pagnanais sa isang kasalanan (pakikiapid o pangangalunya). Ang cyber-sex at phone sex ay pagpapantasya sa isang bagay na imoral at marumi. Walang pagdududa na hindi maaaring ituring ang cyber-sex o phone sex na karapat-dapat at kapuri-puri o isang bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. Ang cyber-sex at phone sex ay isang uri ng pangangalunya gamit ang kasangkapang elektronik. Ang mga gawaing ito ay pagpapantasya tungkol sa isang tao ng may masamang pagnanasa at panghihikayat sa isa pa ng parehong imoral na gawain. Nagtutulak ito sa isang taong imoral ang pagnanasa at pagiisip sa isang aktwal na imoral na aksyon sa kalaunan. Oo, labas sa matrimonyo ng kasal, ang cyber-sex at phone sex ay kasalanan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Kasalanan ba ang pakikipagtalik gamit ang kompyuter o telepono (cyber-sex / phone sex)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries