Tanong
Si Satanas ba ang ahas na tinutukoy sa Kabanata 3 ng Genesis?
Sagot
Oo, si Satanas ang ahas sa kabanata 3 ng Genesis. Alinman sa dalawa, naganyong ahas si Satanas, o ginamit niya ito upang tuksuhin sina Adan at Eba at papaniwalain na ang ahas ang nagsasalita sa kanila. Walang kakayahang magsalita ang mga ahas. Parehong inilarawan sa Pahayag 12:9 at 20:2 si Satanas bilang ahas. “Sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas na walang iba kundi ang Diyablo o Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong (1,000) taon (Pahayag 20:2). “Itinapon ang napakalaking dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa kasama ang lahat ng kanyang mga kampon” (Pahayag 12:9).
habang hindi direktang sinasabi sa Bibliya kung nakakatayo o nakakalakad ng patayo ang ahas na gaya ng ibang reptilya bago ito sumpain ng Diyos, maaaring lumalakad ito sa apat na paa. Tila ito ang pinakamalapit na paliwanag ayon sa Genesis 3:14, “At sinabi ng Panginoong Yahweh sa ahas: “Sa iyong ginawa'y may parusang dapat, na ikaw lang sa lahat ng hayop ang magdaranas; mula ngayon ikaw ay gagapang, at ang pagkain mo'y alikabok lamang.” Ang katotohanan na sinumpa ang ahas upang gumapang sa kanyang tiyan at kumain ng alikabok ay isa ring pagpapahiwatig na kasusuklaman at magiging tampulan ng paghamak at pagalipusta ang ahas habang panahon bilang isang maruming nilalang.
Bakit sinumpa ng Diyos ang ahas gayong alam Niya na si Satanas ang aktwal na nagbulid kina Adan at Eba sa pagkakasala? Ang nangyari sa ahas ay nagsisilbing isang ilustrasyon. Ang sumpa sa ahas ay mararanasan din mismo ni Satanas isang araw (Pahayag 20:10; Ezekiel 28:18-19).
English
Si Satanas ba ang ahas na tinutukoy sa Kabanata 3 ng Genesis?