settings icon
share icon
Tanong

Paano natin makikilala ang may problema sa pagiisip at sinasapian ng demonyo?

Sagot


Ang maiksing sagot sa tanong nat ito ay hindi tinatalakay ng Bibliya ang pagkilala sa pagitan ng pagsapi ng demonyo o sakit sa pagiisip. Dahil hindi tayo binigyan ng Diyos ng kakayahan para sa gawaing ito, maaari nating ipagpalagay na hindi ito isiang bagay na ating dapat gawin. Gayunman, narito ang dalawang bagay na alam a nating tiyak mula sa Kasulatan.

Una, alam natin mula sa Bibliya na kaya ng mga demonyo na sumapi sa mga hindi mananampalataya at binibigyan tayo ng ilang halimbawa ng mga taong sinapian ng mga demonyo. Mula sa mga paglalarawang ito, makakakita tayo ng ilang sintomas ng pagsapi ng mga demonyo, gayundin ng pananaw kung paano nasasapian ng demonyo ang isang tao. Sa ilan sa mga sitas na ito, ang pagsapi ng demonyo ang naging dahilan ng karamdamang pisikal (pagkapipi, panghihimatay o epilepsi, pagkabulag at iba pa). [Mateo 9:32-33, Markos 9:17-18]); sa ibang mga kaso, ang demonyo ang dahilan sa paggawa ng kasamaan ng indibidwal (si Judas ang pangunahing halimbawa); Sa Gawa 16:16-18, ang masamang espiritu ang nagbigay sa isang aliping babae ng kakayahan na malaman ang mga bagay na higit sa kanyang kakayahan (isang espiritu ng panghuhula); sa kaso ng Gadareno na inalihan ng maraming demonyo, nagkaroon siya ng lakas na higit sa lakas ng karaniwang tao, sinugatan ang sarili, nagpagala-gala ng hubo’t hubad, at tumira sa mga libingan (Markos 5:1-17). Pagkatapos na magarebelde sa Diyos, ginulo ng isang masamang espiritu si haring Saul (1 Samuel 16:14-15; 18:10-11; 19:9-10) na naging dahilan para siya maging malungkutin at para siya magnais na patayin si David (ang susunod na hari ng Israel na itinalaga ng Diyos).

Ikalawa, dapat na magpalakas ng ating loob ang kaalaman na imposible para sa isang Kristiyano na sapian ng demonyo. Ang mananampalataya ay pinananahanan ng Banal na Espiritu ng Diyos na tumira sa ating mga puso ng isuko natin ang ating mga buhay kay Cristo (2 Corinto 1:22). Ang paglalarawan sa pagsapi ng demonyo na tinatawag na “masama” ay nangangahulugan ng “marumi” sa salitang Griyego (Markos 5:2), kaya nga, imposible para sa Banal na Espiritu na ibahagi ang Kanyang tahanan sa ganitong uri ng nilalang. Gayunman, para sa mga nagtataglay ng Banal na Espiritu, walang anumang “paglilinis ng kanilang mga buhay” ang makahahadlang sa isang demonyo sa pagsapi o pagimpluwensya sa kanila. Ang talinghagaha ni Jesus sa Mateo 12:43 ang nagbibigay linaw dito:

“Kapag nakalabas mula sa isang tao ang karumal-dumal na espiritu, lumilibot ito sa mga tuyong lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan, subalit wala siyang matagpuan. Kaya't sinasabi niya, ‘Babalik ako sa pinanggalingan kong bahay.’ Pagdating niya roon at matagpuan iyong walang laman, nalinisan at naiayos na, umaalis siya, at nagdadala pa ng pitong espiritu na mas masasama kaysa kanya, at sila'y pumapasok at naninirahan doon.” Itinuturo ditto ni Jesus na wala tayong kakayahan ng linisin at ayusin ang ating sariling puso dahil an g ating mga puso ay “mandarayang higit sa lahat ng bagay at napakasama” (Jeremias 17:9). Tanging ang Diyos lamang ang makakabuhay sa atin at makakalikha sa ating ng isang bagong puso (Ezekiel 36:26) at makakagawa sa atin bilang mga bagong nilalang kay Cristo (2 Corinto 5:17).

Gayunman, habang hindi na maaari pang sapian ang mga Kristiyano ng demonyo, hindi ito dapat ipagkamali sa pagimpluwensya ng demonyo. Si apostol Pedro ay isang halimbawa ng isang mananampalataya na naimpluwensyahan ng diyablo (Mateo 16:23). Maaari itong maganap lalo na kung ang isang Kristyano ay wala pang sapat na gulang sa pananampalataya at hindi pa sapat ang kaalaman sa katotohanan at wala pang regular na buhay-panalangin.

Panghuli, isang paalala sa matalino: may ilang tao na may hindi malusog na interes sa okultismo at gawain ng mga demonyo. Ito ay isang napakahalagang paalala. Kung patuloy nating nanasain ang Diyos sa ating mga buhay at mabibihisan tayo ng buong baluti ng Diyos at magtitiwala tayo sa kanyang kalakasan (hindi sa ating sarili) (Efeso 6:10-18), hindi natin dapat katakutan ang mga demonyo dahil ang Diyos ang namamahala sa lahat ng mga bagay! Kung tayo ay na kay Cristo at Siya ay nasa atin, hindi natin dapat katakutan ang mga demonyo dahil, “higit na makapangyarihan siya na nasa inyo kaysa sa kanya na nasa sanlibutan” (1 Juan 4:4).


English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano natin makikilala ang may problema sa pagiisip at sinasapian ng demonyo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries