settings icon
share icon
Tanong

Ano ba ang itinuturo ng Biblia patungkol sa pornograpiya? Kasalanan ba ang panonood ng pornograpiya?

Sagot


Sa pagkakaalam ko, ang mga salita na pinakamadalas na hinahanap sa internet ay may kinalaman sa pornograpiya. Ang pornograpiya ay laganap sa buong mundo sa panahong ito. Marahil, higit sa anumang bagay, naging matagumpay si Satanas sa pagbaluktot sa kahulugan ng tamang pagtatalik. Ginamit ni Satanas ang isang maganda at tamang bagay (ang pagtatalik ng mag-asawang lalaki at babae) at pinalitan ng kalibugan, pornograpiya, pangangalunya, panggagahasa at ng pagiging bakla at tomboy. Ang pornograpiya ay maaring maging unang hakbang sa isang napakadulas na pagdalusdos pabulusok sa kasamaan at imoralidad (Roma 6:19). Ang nakakagumong katangian ng pornograpiya ay dokumentado. Tulad sa isang taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na kinakailangang gumamit ng mas marami at mas matapang na gamot upang maabot ang inaasam na "high," ang pornograpiya ay humihila sa tao palalim ng palalim patungo sa matinding sekswal na pagkagumon at sa hindi makadiyos na hangarin.

Ang tatlong pangunahing kategorya ng kasalanan ay ang pita ng laman, pita ng mata at kapalaluan sa buhay (1 Juan 2:16). Ang pornograpiya ay pumupukaw sa pita ng laman, at ng pita ng mata. Ang pornograpiya ay isang bagay na hindi karapatdapat at hindi kapuri-puri na maging laman ng ating isip ayon sa Filipos 4:8. Ang pornograpiya ay umaalipin (1 Corinto 6:12; 1 Pedro 2:19) at mapaminsala (Kawikaan 6: 25-28; Ezekiel 20:30; Efeso 4:19). Ang mahalay na pagnanasa sa isang tao sa ating isip, na siyang diwa ng pornograpiya ay kasuklam-suklam sa Diyos (Mateo 5:28). Kapag ang isang tao ay kinakalinga ang pornograpiya, ito ay isang patunay na ang taong iyon ay hindi ligtas (1 Corinto 6:9).

Para naman sa mga taong nasasangkot sa pornograpiya, kaya kang pagkalooban ng Dios ng katagumpayan. Ikaw ba ay nasasangkot sa pornograpiya at nagnanais na magkaroon ng kalayaan mula dito? Narito ang ilang mga hakbang patungo sa katagumpayan laban sa gawaing ito:

1) Ipahayag ang iyong kasalanan sa Dios (1 Juan 1:9); 2) Hilingin sa Dios na linisin at baguhin ang iyong isipan (Roma 12:2); 3) Hilingin mo sa Dios na punuin Niya ang iyong isipan ng mga bagay na karapatdapat at kapuri-puri ayon sa Filipos 4:8.

4) Pagaralang gamitin ang katawan para sa kabanalan (1 Tesalonica 4:3-4). Unawain ang tamang kahulugan ng pagtatalik at ipagkatiwala sa iyong asawa lamang ang pagkatagpo sa pangangailangang sekswal (1 Corinto 7:1-5); 6). Tandaan na kung ikaw ay lalakad sa patnubay ng Espiritu, hindi mo susundin ang pita ng laman (Galacia 5:16).

7) Gumawa ng kapaki-pakinabang na mga bagay upang mabawasan ang pagkakalantad sa mga malaswang larawan. Maglagay ng mga software na haharang sa pornograpiya sa iyong kompyuter; bawasan ang panonood ng telebisyon at sine; at humanap ng kapwa Kristiyano na magiging katuwang sa panalangin, na tutulong at magpapaalala sa iyo sa tuwina upang hindi ka makagawa muli ng mga bagay na may kinalaman sa pornograpiya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ba ang itinuturo ng Biblia patungkol sa pornograpiya? Kasalanan ba ang panonood ng pornograpiya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries