Tanong
Ano ang pitong nakamamatay na mga kasalanan?
Sagot
Ang pitong nakamamatay na kasalanan ay isang listahan na ginamit ng mga unang Kristiyano upang babalaan ang kanilang mga tagasunod laban sa pagkahulog sa mga kasalanang ito. Ang maling pakahulugan sa pitong ‘nakamamatay’ na kasalanang ito ay hindi umano ito pinatatawad ng Dios. Ngunit ang tanging kasalanan na hindi mapapatawad ng Diyos ay ang patuloy na hindi pagsampalataya at pagtanggi kay si Hesu Kristo at sa Kanyang kamatayan doon sa krus na siyang tanging pamamaraan upang ang tao ay magtamo ng kapatawaran.
Matatagpuan ba ang pitong nakamamatay na kasalanan sa Bibliya? Ipinapahayag sa Kawikaan 6:16-19, "Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay, mga bagay na kanyang kinasusuklaman: 1) kapalaluan, 2) kasinungalingan, 3) ang mga pumapatay sa walang kasalanan, 4) pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan, 5) mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan, 6) saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin, 7) pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin." Datapwa't, hindi ito ang pitong nakamamatay na kasalanan ayon sa pang-unawa ng karamihan.
Ayon sa Santo Papa na si Gregory noong ika-6 na siglo, ang pitong nakamamatay na kasalanan ay ang mga sumusunod: kayabangan, pagkainggit, katakawan; kalibugan, poot, kasakiman at katamaran. Ngunit kahit na ang mga nabanggit ay hindi maikakailang mga kasalanan ngunit hindi ito inilarawan sa Bibliya na “pitong nakamamatay na kasalanan.” Ang nakaugaliang listahan ng mga nakamamatay na kasalanan ay maaring maging magandang pamamaraan upang mai-kategorya ang mga iba't-ibang mga uri ng kasalanan. Halos lahat ng uri ng kasalanan ay maaring isailalim sa isa sa pitong kategoryang ito ngunit higit na mahalaga na maunawaan natin na ang pitong kasalanang ito ay hindi ‘mas nakamamatay’ kaysa ibang kasalanan. Sinasabi sa Bibliya na ang lahat ng kasalanan ay hahantong sa kamatayan (Roma 6:23). Purihin ang Dios, dahil kay Kristo Hesus, lahat ng ng kasalanan, kabilang na ang ‘pitong nakamamatay na kasalanan,’ ay maaari ng magkaroon ng kapatawaran (Mateo 26:28; Gawa 10:43; Efeso 1:7).
English
Ano ang pitong nakamamatay na mga kasalanan?