settings icon
share icon
Tanong

Dapat bang mag-alala ang mga Kristiyano sa kanilang pisikal na anyo?

Sagot


Ang pisikal na anyo ay mahalaga sa Diyos dahil inihahayag nito ang kaluwalhatian ng Kanyang pagiging malikhain. Kaya dapat nating pahalagahan ang anyo na ibinigay sa atin ng Diyos bilang pinakakumplikado at kahanga-hangang nilikha. Sa maraming paraang hindi natin mauunawaan, sinasalamin natin ang Kanyang sariling kagandahan. Nagbibigay ang Diyos ng halaga sa hitsura o anyo ng tao; kung hindi, magiging magkamukha tayong lahat. Hindi masama para sa atin na pansinin at pahalagahan ang pisikal na anyo.

Pero dapat nating tandaan na ang puso ang hinuhusgahan ng Diyos hindi ang ating mga pisikal na anyo (1 Samuel 16:7). Ang ating panloob na pagkatao ay mas mahalagang nilikha. May kaluluwa tayong hindi mawawala at mabubuhay magpakailanman kundi sa langit ay sa impiyerno. Ang ating mga puso ay may kakayahan din naman sa napakaraming pagnanasa at pakiramdam, at pagbubulay-bulay sa kahiwagaan ng Diyos. Hindi tayo dapat mahulog sa bitag ng paniniwala na ang ating mga hitsura ang dapat na panggalingan ng ating pagmamalaki o ng pagkainggit. Ang ating tunay na kagandahan ay dapat na sa panloob, hindi sa kagandahang panlabas na hinuhusgahan ng tao. Sinabi ni Pedro sa mga asawang babe sa 1 Pedro 3:3-5, “Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas lamang tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos. Iyan ang pagpapagandang ginawa noong unang panahon ng mga babaing banal na umasa sa Diyos. At sila'y nagpasakop sa kanilang mga asawa.”

Hindi natin dapat na pagtuunan ng sobrang pansin ang ating panlabas na anyo. Kung ang dahilan para magkaroon ng perpektong timbang, magsuot ng pinakamagandang damit, magpaganda ng mukha atbp. ay para pahangain ang mga tao, ang ating panlabas na anyo ay nagiging sanhi na ng pagmamataas. Dapat na magpakumbaba nating taglayin anuman ang ating hitsura sa halip na makigaya sa pamantayan ng mundo. Sinasabi sa Mateo 23:12, “Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.” At sinasabi sa Santiago 4:6, “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.”

Dapat nating bantayan ang anumang naglalayo sa atin sa Diyos kabilang ang sobrang pagbibigay-diin ng mundo sa panlabas na anyo. Hindi ng Diyos nais na ating ibigin ang sanlibutan o ang anumang naririto (1 Juan 2:15), at hindi tayo dapat mag-isip na kagaya ng mundo (Roma 12:2). Ipinakita sa atin ng Diyos ang Kanyang kahanga-hangang kapangyarihan, kagandahan, at pag-ibig sa mga kagila-gilalas at iba’t ibang nilikha. Dapat tayong maging mapagkakumbaba at huwag sumamba sa diyus-diyusan na mga nilikha sa halip na sa Lumikha (Colosas 3:5).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Dapat bang mag-alala ang mga Kristiyano sa kanilang pisikal na anyo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries