settings icon
share icon
Tanong

Ano ang pinagmulan ng bawtismo?

Sagot


Una, dapat maintindihan na ang bawtismo ay isang panlabas na proklamasyon ng isang panloob na pagbabago. Sa ibang salita, ang bawtismo ay isang seremonya na ginagawa pagkatapos na ang isang tao ay tumanggap kay Jesu Cristo bilang kanyang Panginoon at Tagapagligtas. Ito ay karaniwang ginagawa sa presensya ng buong iglesya bilang isang proklamayson ng pananampalataya ng isang tao sa harap ng publiko.

Tungkol sa pinagmulan ng pagbabawtismo, may mga Kristiyanong nagmumungkahi na bagama’t ginamit ni Juan Bautista ang bawtismo, hindi ito nagmula sa mga Kristiyano o kay Juan Bautista. Nagsanay ng pagbabawtismo ang mga Judio bilang isang tradisyonal na gawain ng paglilinis at pagtanggap sa mga bagong kasapi ng Judaismo, matagal ng panahon bago pa dumating ang Tagapagligtas na si Jesus. Ang pinagmulan ng bawtismo ay makikita sa aklat ng Levitico kung saan inutusan ang mga saserdoteng Levita na magsagawa ng simbolikong seremonya ng paglilinis sa pamamagitan ng tubig bago at pagkatapos na magampanan nila ang kanilang mga gawain bilang mga saserdote. Sinasabi sa atin sa Levitico 16:4, “Siya'y maliligo; pagkatapos, magsusuot ng sagradong kasuotan—linong mahabang panloob na kasuotan, linong salawal, linong pamigkis, at linong turbante.” Sinasabi din sa kasulatan sa Levitico 16:23-24, “Pupunta naman si Aaron sa Toldang Tipanan at doo'y huhubarin ang damit na suot niya nang pumasok sa Dakong Kabanal-banalan at iiwan ito roon. Maliligo siya sa isang banal na lugar at matapos magbihis ng sariling damit, ihahandog niya sa altar ang handog na susunugin para sa kanyang sarili at para sa buong bayan.”

Bagama’t ang gawain ay inilarawan sa mga talatang ito sa Lumang Tipan, hindi ito partikular na tinawag na “bawtismo,” sa halip ay binibigyang diin kung gaano kahalaga at kabanal (o praktikal) ang seremonya ng paglilinis para sa Diyos. Ang bawtismo ni Juan na tinatawag na “bawtismo ng pagsisisi” (Lukas 3:3; Gawa 19:4) ay sinundan ng paglalarawan ng paglilinis, bagama’t ang ganap na paglilinis mula sa kasalanan ay tanging makakamtan lamang sa pamamagitan ni Jesu Cristo at inilalarawan lamang ng bawtismo ni Juan ang paglilinis na ito. Ang kahalagahan ng bawtismo bilang isang seremonya sa Bagong Tipan ay ang paglalarawan na nabawtismuhan na ang mga mananampalataya sa Kanyang kamatayan (Roma 6:3) at binuhay na tayong mag-uli upang lumakad sa isang bagong buhay kay Cristo (Roma 6:4). Itinuro ng Panginoon ang kahalagahan ng bawtismo na sukat na Siya man ay nagpabawtismo rin kay Juan Bautista sa paguumpisa ng Kanyang ministeryo (Markos 1:9).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang pinagmulan ng bawtismo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries