Tanong
Kasalanan ba ang magkaroon ng petisismomong sekswal/petisismo?
Sagot
Ang petisismong sekswal ay karaniwang pagkakaroon ng interes sa isang partikular na bahagi ng katawan katulad ng paa. Ang mga petisismo ay umaabot mula sa atraksyon hanggang sa lubos na obsesyon. Ang tanong ay, ito ba ay mali o isa bang kasalanan ang magkaroon ng petisismong sekswal? Ang sagot ay depende sa katayuan ng taong nagtatanong at sa kung gaano kadalas na inuugali ang petisismong sekswal.
Walang mali sa paghanga sa isang partikular na bahagi ng katawan bilang kaakit-akit. Sinasabi ng Bibliya na ang ating mga katawan ay kamangha-manghang nilikha (Awit 139:14). Sa loob ng kasal, walang mali sa isang asawa na magpahalaga sa isang bahagi ng katawan ng kanyang asawa. Bagama’t tila ang ilang uri ng petisismo ay napaka-kakaiba, walang bahagi ng katawan na "bawal" sa pagitan ng asawang lalaki at babae sa loob ng konsepto ng "pagsang-ayon sa isa’t isa" (1 Corinto 7:5). Sa loob konteksto ng kasal, ang petisismong sekswal ay magiging kasalanan lamang kung ito ay naging isang obsesyon (isang idolo), o kung ang petisismo ay nakakaabala sa asawa o kung maging labag sa kanyang kagustuhan. Mangyaring basahin ang aming artikulo sa "Ano ang pinapayagang gawin ng mag-asawang Kristiyano sa pakikipagtalik?”
Para sa walang asawa, muli, hindi mali na magkaroon ng atraksyon sa isang partikular na bahagi ng katawan. Gayunman, ang isang taong walang asawa ay dapat na maging maingat na ang atraksyon ay hindi magiging pagnanasa. Kapag ang atraksyon ay naging isang pagnanais na gumawa ng isang imoral na bagay, ito ay naging kasalanan. Ang atraksyon sa ibang kasarian ay normal at natural. Muli, hindi ang atraksyon ang isyu. Pero tulad ng sinabi ni Jesus, "Narinig ninyo na sinabi, 'Huwag kang mangalunya.' Ngunit sinasabi ko sa inyo na sinumang tumingin sa isang babae na may kahalayang pagnanasa ay nagkasala na ng pangangalunya sa kanyang puso" (Mateo 5:27-28).
May ilang uri ng petisismo na tila napaka-kakaiba para sa ilang tao. Gayunman, sa loob ng kasal na may kusang pahintulot ng kapareha, hindi mali na magkaroon ng petisismong sekswal. Ang mahalaga ay ang pag-iwas sa pagkahumaling, pagnanasa, at gawing hindi komportable ang asawa. Para sa hindi kasal, ang petisismong sekswal ay dapat pigilin. Ang isang bagay na inosente tulad ng atraksyon sa paa ay maaaring maging pagnanasa na maaaring maging sanhi ng sekswal na imoralidad. Sinabi sa Roma 6:19, "Kung paanong ipinailalim ninyo noong una ang inyong sarili sa karumihan at sa kasamaang palala nang palala, isuko ninyo ngayon ang inyong sarili bilang alipin ng katuwiran para sa mga banal na layunin.”
English
Kasalanan ba ang magkaroon ng petisismomong sekswal/petisismo?