Tanong
Dapat bang swelduhan ang mga pastor?
Sagot
Dapat na magbigay ang iglesya ng pangangailangang pinansyal ng mga pastor nito at ng iba pang mga tagapaglingkod na walang ibang trabaho kundi magministeryo sa iglesya. Ibinibigay sa atin sa 1 Corinto 9:14 ang malinaw na tagubilin: “Sa ganyan ding paraan, ipinag-utos ng Panginoon na ang mga nangangaral ng Magandang Balita ay dapat matustusan ang ikabubuhay sa pamamagitan ng Magandang Balita.” Binabayaran antin ang mga tao na naghahanda at nagbibigay sa atin ng pisikal na pagkain; hindi ba’t dapat din tayong maging handa sa pagbabayad sa mga taong naghahain sa atin ng espiritwal na pagkain (Mateo 4:4)?
Sinasabi sa 1 Timoteo 5:17–18, “Ang mga matatandang pinuno ng iglesya na mahusay mamahala ay karapat-dapat tumanggap ng paggalang at kabayaran, lalo na ang mga masigasig sa pangangaral at pagtuturo ng salita ng Diyos. Sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Huwag mong bubusalan ang bibig ng baka habang ito'y gumigiik. Nasusulat din, “Karapat-dapat lamang na bayaran ang manggagawa.’” May ilang puntos na ginawa sa mga talatang ito. Dapat na parangalan ang matatanda sa iglesya, at kasama sa parangal na ito ang pagbibigay ng sahod. Ang mga matatandang ito ng iglesya ay maayos na naglilingkod sa iglesya—lalo na ang mga guro at ang mga mangangaral—na dapat na tumanggap ng dobleng parangal. Karapatdapat sila na tumanggap nito. Magiging malupit tayo para pagtrabahuhin ang isang baka habang hindi ito pinapakain at dapat din nating pangalagaan at tratuhin ng maayos hindi pagmalupitan ang ating mga pastor. Dapat silang hayaan na makibahagi sa mga materyal na pagpapala ng kongregasyon na kanilang pinaglilingkuran. Ang ating mga pastor ay higit ang halaga kaysa sa mga baka.
Walang espiritwal tungkol sa pagpapabaya na “magdusa ang isang pastor para sa Panginoon.” Oo, ang isang pastor ay tinawg ng Diyos para sa ministeryo, pero hindi ito nangangahulugan na maaaring sabihin sa kanya ng kongregasyon, “Hayaan natin na ang Diyos ang magpakain at magkaloob sa kanya ng kanyang mga pangangailangan.” Sinasabi ng Diyos na responsable ang isang lokal na iglesya para pangalagaan ang kanilang pastor at ang kanyang pamilya. Ang pangangalaga sa espiritwal na pangangailangan ng kongregasyon ay isang mahalagang trabaho—maaaring mas mahalaga kaysa sa ibang mga bagay na normal nating ginagastusan gaya ng ating mga pisikal nating pangangailangan, pagmimintina ng ating mga sasakyan, at pag-aliw sa ating mga sarili. Tingnan ang 1 Corinto 9:7.
Totoo na sinuportahan ni apsotol Pablo ang kanyang sarili habang nagmiministeryo siya sa iglesya sa Corinto (1 Corinto 9:12). Hindi siya tumanggap ng sweldo mula sa mga taga Corinto. Ngunit nilinaw niya na ginawa niya ito bilang isang kusang pagsasakripisyo para sa kanilang ikabubuti, “Ano ngayon ang aking kabayaran? Ang maipangaral ko nang walang-bayad ang Magandang Balita, at ang hindi ko paggamit ng karapatang nauukol sa akin bilang tagapangaral” (talata 18). Tumanggap din si Pablo ng sahod mula sa ibang mga iglesya (2 Corinto 11:8). Ang ginawa ni Pablo sa iglesya sa Corinto ay hindi isang pamantayan kundi taliwas sa pamantayan.
May mga iglesya na hindi kayang makapagbigay ng sapat na sahod na sapat para sa mga pangangailangan pinansyal ng kanilang pastor. Sa ganitong mga pagkakataon, napipilitan ang pastor na magtrabaho sa labas ng iglesya para suportahan ang kanyang pamilya dahil wala siyang pagpipilian. Hindi ito nararapat, pero minsan ay hinihingi ng pagkakataon. Mas maganda na mailaan ng isang pastor ang kanyang buong panahon sa gawain ng Diyos at pangunguna sa kanyang kongregasyon na ipinagkatiwala sa Kanya ng Panginoon kung siya ay mabibigyan ng sapat na sahod para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
English
Dapat bang swelduhan ang mga pastor?