settings icon
share icon
Tanong

Kailangan bang sumailaim ang isang tao sa pormal na pagaaral ng Bibliya bago makapaglingkod bilang isang pasto?

Sagot


Sinasabi sa atin ni Apostol Pablo sa Efeso 4:11–12 na kung maglilingkod ang isang tao bilang isang ebanghelista, pastor, at guro, ang pagkatawag sa kanya ay isang kaloob na mula sa Diyos para sa gawain ng iglesya. Ang layunin ng mga espiritwal na kaloob ay upang sanayin ang mga miyembro ng iglesya para sa isang buhay ng paglilingkod sa Diyos. Ang layunin ng pagsasanay sa seminaryo ay ang paghahanda para sa paglilingkod ng sinumang nagnanais na manguna sa gawain ng Panginoon. Tinuruan ni Pablo si Timoteo, at tayo din naman ngayon, na ihanda ang mga lalaki para sa pangunguna sa iglesya: “At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba” (2 Timoteo 2:2).

Tinutulungan ng pormal na pagaaral sa seminaryo o pormal na paaralan ng Bibliya na matiyak na hindi lamang napapanatili ang ministeryo ng Salita ng Diyos sa iglesya kundi patuloy din namang umuunlad. Ang unang indikasyon na tinawag ng Diyos ang isang tao na nagnanais na maging isang matanda sa iglesya, obispo o pastor ay ang pagnanais na matuto. Sinasabi sa atin ni Pablo, “Tapat ang pasabi, Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo, ay mabuting gawa ang ninanasa” (1 Timoteo 3:1). Kung may isang mananampalataya na narararamdaman na tinatawag siya ng Diyos sa paglilingkod, dapat niyang alamin ang kanyang mga kaloob at ihanda ang sarili sa pagtugon sa tawag ng Diyos. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit may mga Kristiyanong unibersidad at seminaryo at kung bakit nararapat para sa isang taong tinatawag ng Diyos sa paglilingkod na sumailalim sa pormal na edukasyon. Gayundin naman, bagama’t totoong mahalaga ang pormal na pagaaral ng Bibliya, maaari din namang gamitin ng Diyos ang isang tao na walang pormal na edukasyon sa isang seminaryo o paaralan ng Bibliya na maging isang mahusay na pastor o matanda sa iglesya kung nagpapaturo siya sa isang pastor na nakapagaral ng maayos sa isang seminaryo o paaralan ng Bibliya.

Ang pagtawag ng Panginoon sa gawain ng ministeryo ay hindi lamang para sa iglesya; ito rin ay sa pamamagitan ng iglesya. Hinihimok din ng Diyos ang mga kabataang lalaki na tumugon din sa Kanyang tawag gaya ng sinabi ni Pablo kay Timoteo (1 Timoteo 3:1). Ngunit, sa ideyal, ang kumpirmasyon ay dapat na manggagaling pa rin sa iglesya na nagsasanay at sumusubok sa mga kaloob na kinakailangan para sa ministeryo. Ang mga lingkod ng iglesya ay kinatawan ni Kristo, ang pangulo ng iglesya. Ang pangangaral ng Ebanghelyo sa pagtawag sa makasalanan sa kaligtasan ay ang pagsasanay sa paggamit sa susi ng kaharian ng langit (tingnan ang Mateo 16:19). Ang gawaing ito ay hindi magagawa ng hiwalay sa awtoridad ni Kristo. Mahalaga ito sa gawain ng iglesya at ito ang pangunahing dahilan sa pagkakaroon ng pormal na pagsasanay sa seminaryo o paaralan ng Bibliya.

May iba pang dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasanay sa seminary o paaralan ng Bibliya. Walang duda na ang patuloy na pagunlad sa edukasyon ng isang tao, lalo na sa mataas na antas, ay magdadagdag ng bagong dimensyon sa kanyang pangkalahatang kaalaman sa Bibliya. Dahil ang katotohanan sa Bibliya ay iisa, hindi nagkakamali at magkakaugnay, ang masigasig na pagaaral ng sistematikong teolohiya ay kinakailangan, sa loob at labas man ng seminaryo. Muli, ang lugar ng pagaaral ay hindi kasing halaga ng nagtuturo – ang Espiritu ng Diyos na nagbibigay ng kaalaman, kapangyarihan at karunungan sa mga magaaral ng Salita ng Diyos.

Napakahalaga din ng pagsasanay sa seminaryo o paaralan ng Bibliya sa paglagong Kristiyano. Ang tatlong taon o higit pang pagaaral sa seminaryo ay magpapaunlad sa katatagan ng isang mananampalataya, sa kanyang kakayahan na makihalubilo at umunawa sa pangangailangan ng mga tao. Gayundin, kailangan din ang paglago sa karunungan para sa mga mangangaral ngayon na hindi makikita sa mga taong may edad na 21 o 22. Kasama dito ang saloobin sa ministeryo, sa pamilya at sa buhay sa pangkalahatan. Malaki ang maitutulong ng epektibong pagsasanay sa kakayahan ng isang taong magdesisyon at umunawa sa kalooban ng Diyos.

Ang isa pang dahilan para sa pagnanais sa isang solidong pagsasanay sa seminaryo ay upang magtaglay ng kakayahan na harapin ang mga kumplikadong isyu sa ating panahon ngayon. Dapat na alam ng isang lider kung kailan magsasabi ng “oo” at kung kailan magsasabi ng “hindi” sa maraming mga hamon na makipagkaisa sa iba para sa iba’t ibang layunin. Ang matalinong pagpapasya sa mga hamong ito ay kinakailangan upang mapanatili at maprotektahan ang katotohanan, at ang isang maayos na pagsasanay sa seminary ay makatutulong upang magkaroon ng isang Biblikal at matatag na desisyon.

Panghuli, anuman ang denominasyong kinabibilangan ng isang pastor, ang isang malalim na pagaaral sa kasaysayan, kaayusan ng pamahalaan at kaibahan ng denominasyong kinabibilangan ay kinakailangan sa loob ng iglesya. Ang pagpapasya sa pagdalo sa isang seminaryo o Kristiyanong unibersidad ay nangangailangan ng panalangin at makadiyos na pagpapayo. Maaaring dumating ang preparasyon sa iba’t ibang anyo, ngunit lagi itong kailangan. Huwag mong ilagay sa panganib ang ministeryo sa pagnanais sa isang minadaling paghahanda. Maingat na sundin ang mga prinsipyo na matatagpuan sa Kawikaan 24:27: “Ihanda mo ang iyong gawa sa labas, at ihanda mo sa iyo sa parang; at pagkatapos ay itayo mo ang iyong bahay.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Kailangan bang sumailaim ang isang tao sa pormal na pagaaral ng Bibliya bago makapaglingkod bilang isang pasto?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries