Tanong
Ang Bibliya ba ay nagasusulong ng parusang kamatayan para sa mga homosekswal?
Sagot
Matapos ang pag-atake ng isang terorista noong Hunyo 2016 na isang Islamic extremist laban sa isang gay night club sa Orlando Florida, sa USA, ang ilan ay nagsabi na ang mga Kristiyano ay may kasalanan din gaya ng terorista dahil sa Bibliya ay binibigkas ang parusang kamatayan laban sa mga homosekswal. Totoo nga sa Levitico 20:13 ang sabi ng Bibliya, "Kung ang isang lalaki ay sumiping sa isang lalaki na gaya ng pagsiping sa babae, ay kapwa sila nagkasala ng karumaldumal; sila ay papatayin ng walang pagsala; mabububo ang kanilang dugo sa kanila." Kaya, hinihingi ba ng Bibliya sa atin ngayon na patayin ang mga homosekswal?
Napakahalagang maunawaan na tinupad ni Hesus ang Kautusan (Mateo 5:17-18). Sinasabi ng Roma 10:4 na si Kristo ang wakas ng Kautusan. Sinasabi sa Efeso 2:15 na isinantabi ni Hesus ang Kautusan kasama ang mga utos at regulasyon nito. Sinasabi sa Galacia 3:25, ngayong dumating na ang pananampalataya, wala na tayo sa ilalim ng pangangalaga ng Kautusan. Ang sibil at seremonyal na aspeto ng Batas sa Lumang Tipan ay para sa isang mas maagang panahon. Ang layunin ng kautusan ay nakumpleto sa pamamagitan ng perpekto at kumpletong hain ni Hesu-Kristo. Kaya, hindi, hindi iniuutos ng Bibliya na ang mga homosekswal ay dapat patayin sa panahong ito.
Mahalaga ring maunawaan na ang mga batas sibil sa loob ng Kautusan ni Moises ay para sa Israel sa ilalim ng isang teokrasya. Ang mga pinili ng Diyos, na naninirahan sa Lupang Pangako, na sumusunod sa Diyos bilang kanilang Hari, ay dapat sumunod sa isang sistema ng mga batas sibil na may mga parusang itinakda ng Diyos. Ang mga pari ay nagtuturo ng mga batas, ang mga pinuno ay nagpapatupad ng mga batas, at ang mga hukom ay nagpapataw ng mga parusa kung kinakailangan. Ang tuntunin ng Levitico 20:13, na "sila ay papatayin," ay ibinigay ng mga nararapat na hinirang na mga opisyal ng pamahalaan, hindi para sa mga ordinaryong mamamayan o vigilante. Ang mga batas sibil ng Lumang Tipan ay hindi kailanman nilayon na ilapat sa ibang mga kultura o sa ibang panahon. May dahilan kung bakit hindi Hudyo o Kristiyano ang umatake sa nightclub. Nauunawaan ng mga Hudyo at Kristiyano ang layunin at limitasyon ng Batas sa Lumang Tipan. Sa kabaligtaran, hindi nilimitahan ng Koran ang utos nito na patayin ang mga homosekswal, at nakikita ng maraming Muslim na ang utos na iyon ay dapat pa ring ipatupad ngayon.
Ang isa pang pagsasaalang-alang ay hindi pinahintulutan ng mga Utos sa Lumang Tipan ang maging mapagmanman. Isa sa mga dahilan ay sapagkat ang mga lungsod ng kanlungan ay itinayo upang protektahan ang mga inakusahan ng pagpatay hanggang sa makatanggap sila ng patas na paglilitis. Sinabi sa Kautusan ni Moises na ang pamahalaang sibil lamang ang pinapayagang magpatupad ng parusang kamatayan, at iyon lamang ay pagkatapos ng isang patas na paglilitis na may hindi bababa sa dalawang saksi (Deuteronomio 17:6). Kaya’t kahit na noong panahon na mga Kautusan sa Lumang Tipan ang umiiral, ang malawakang pagpatay sa mga homosekswal ng isang vigilante ay hindi ayon sa itinatadhana ng Batas.
Kaya, hindi na hinihingi ng Bibliya ang parusang kamatayan para sa homosekswalidad. Ngunit ang tanong ay bakit ang parusang kamatayan ay kinakailangan sa Lumang Tipan. Ang sagot ay ito: lahat ng kasalanan ay isang paghamak sa isang banal na Diyos. Kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng kasalanan. At habang hinihingi lamang ng Diyos ang parusang kamatayan para sa ilang mga kasalanan, ang lahat ng kasalanan ay karapat-dapat sa kamatayan (Roma 6:23) at walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos. Inilalarawan ng Bibliya ang homosekswalidad bilang isang kasuklam-suklam, isang imoral na pagbaluktot sa kaayusang nilikha ng Diyos. Ang kalinisan ng mga taong itinalaga ng Diyos sa Lupang Pangako ay napakahalaga, gayundin ang pagpapatuloy ng kanilang lahi (isa rito ay hahantong sa Mesiyas). Kaya naman hiningi ng Diyos ang parusang kamatayan para sa mga nakipagtalik sa kapareho ang kasarian.
Ang homosekswalidad ay nananatiling imoral at labag sa likas na batas. Ngunit wala na tayo sa ilalim ng sinaunang sistema ng pamamahala ng mga Hudyo. Sa pagtanggap ng kapatawaran mula sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo, ang homosekswalidad ay hindi mas malaking kasalanan kaysa sa iba. Sa pamamagitan ni Kristo, ang anumang kasalanan ay maaaring mapatawad. Ang kaligtasan ay makakamit ng lahat sa pamamagitan ng pananampalataya (Juan 3:16). At kapag ang kaligtasang iyon ay natanggap, ang nananahang Banal na Espiritu ang magbibigay sa atin ng paraan upang madaig ang kasalanan sa pamamagitan ng pagiging isang bagong nilalang (2 Corinto 5:17).
English
Ang Bibliya ba ay nagasusulong ng parusang kamatayan para sa mga homosekswal?