settings icon
share icon
Tanong

Ano ang biblikal na parusa para sa pangangalunya?

Sagot

Bago sagutin ang tanong na ito, mahalagang linawin ang pagkakaiba sa pagitan ng Lumang Tipan at Bagong Tipan. Sa ilalim ng batas ng Lumang Tipan na ibinigay sa sinaunang Israel sa ilalim ng teokratikong pamumuno, ang parusa sa pangangalunya ay kamatayan (Levitico 20:10). Sa Bagong Tipan, ipinatupad ni Hesus ang isang bagong batas. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan pa rin na walang hanggan (Roma 6:23), ngunit ang pangangalunya ay hindi na nagdadala ng parusang kamatayan sa panlipunang batas. Ang mga Kristiyano sa Bagong Tipan ay hindi nabubuhay sa ilalim ng lumang teokrasya at hindi inutusang saktan ang mga nagkakasala.

Ang batas ng Lumang Tipan ay naglalaman ng ilang mga pag-uugali na maaaring parusahan ng kamatayan kabilang ang pangangalunya. “Kung ang isang lalaki ay nangalunya sa asawa ng iba—sa asawa ng kanyang kapwa—kapwa ang nangalunya at ang mangangalunya ay papatayin” (Levitico 20:10). Mahalagang tandaan na ang parusa ay kapwa nilang tatamuhin. Ang kahilingan para sa Israel na mapanatili ang isang kabuuang moral na paghihiwalay mula sa ibang mga bansa ay konektado sa pagbabawal na ito at sa iba pa sa Levitico 20 na tumutugon sa sekswal na imoralidad. Nais ng Diyos na ang Israel ay maging banal, o "ihiwalay" mula sa mga Cananeo dahil bukod sa iba pang mga bagay, sila ay kilalang-kilala sa kanilang sekswal na imoralidad (mga talata 22–24). Minsan pa, kasama sa Kautusan ni Moses ang pagbibigay ng utos na ito sa Israel. Hindi tayo nabubuhay sa ilalim ng Lumang Tipan, ni ang simbahang Israel.

Ang Bibliya ngayon ay hindi nagmumungkahi ng anumang gayong parusa para sa pangangalunya. Gayunman, ang pagtataksil ay may sariling parusa. Ang paglabag sa sariling katawan ay sekswal na kasalanan (1 Corinto 6:18). Ang Aklat ng Kawikaan ay nagbabala sa kahihinatnan ng pangangalunya: ang pagkawala ng karangalan at katatagan (5:9–11), nasirang reputasyon (5:14–23), pagkaalipin at kamatayan (5:22–23), pagsira sa sarili (6:32), at paghihiganti sa nagkasalang asawa (6:34). “Kung ang tao ba'y magkandong ng apoy, kasuotan kaya niya'y di masusunog niyon? Kung ang tao ay tumapak sa uling na nagbabaga, hindi kaya malalapnos itong kanyang mga paa? Ganoon din ang taong sisiping sa asawa ng kapwa, tiyak siyang magdurusa ‘pagkat ito ay masama” (Kawikaan 6:27–29).

Binabalangkas din ng Kawikaan ang katangian ng mangangalunya: siya ay tinatawag na simple at walang katuturan (Kawikaan 7:7) at inihambing sa isang hayop na nahuli sa bitag at pagkatapos ay pinatay (Kawikaan 7:22–23). “Ang taong nangangalunya ay walang katinuan; sinumang gumagawa nito ay sumisira sa kanyang sarili” (Kawikaan 6:32). Sa wakas, ang manunulat ng kawikaan ay nagmungkahi ng napakasamang konklusyon tungkol sa pangangalunya: “Marami ang mga biktima na kaniyang ibinaba; ang kanyang mga napatay ay isang malaking pulutong. Ang kanyang bahay ay isang lansangan patungo sa libingan, patungo sa mga silid ng kamatayan” (Kawikaan 7:26–27).

Ang mga babalang ito na mababasa sa Kawikaan ay sapat na upang magdulot ng takot sa puso ng sinuman. Kahit gaano kahigpit ang batas ng Lumang Tipan tungkol sa kaparusahan para sa pangangalunya, ang mga espiritwal na konsekwensya ay mas malala pa. Sa kabutihang palad ang kasalanan ng pangangalunya ay sakop pa rin sa pangako ni Hesus ng kapatawaran. Kailangan lamang nating tingnan ang kuwento sa Juan 8 tungkol sa pakikipag-ugnayan ni Hesus sa isang mangangalunya—na nahuli sa akto at kinaladkad ng mga Pariseo sa harapan Niya—upang makita ang puso ng Diyos sa taong nakulong sa bitag ng kasalanan. Ang mga Pariseo ay handa at sabik na magpataw ng walang awang parusa sa babae (ngunit hindi sa lalaki), at sinaway sila ni Hesus sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanila na sila ay makasalanan din gaya nga babaeng iyon. Pagkatapos, nang makalayo na silang lahat sa eksena, malumanay niyang tinanong siya, “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?” “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Hesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan” (Juan 8:10–11).

Si Hesus ay puno ng biyaya at katotohanan (Juan 1:14). Sinabi Niya sa babae na huminto na sa pangangalunya, at pinatawad Niya ito. Ito ay isang kahanga-hangang larawan ng Juan 3:17: “Hindi sinugo ng Diyos ang kanyang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan sa pamamagitan Niya.” Ang kaparusahan para sa pangangalunya, o para sa anumang iba pang kasalanan ay napapawi kapag tinanggap natin ang pag-ako ni Cristo ng parusang iyon para sa atin.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries