Tanong
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pansekswal / omnisekswal?
Sagot
Mayroong malapit na kaugnayan sa pagitan ng omnisekswalidad at pansekswalidad. Itinuturing ng mga nagpapakilalang pansekswal na sila ay walang pinipiling kasarian at hindi raw mahalaga ang kasarian sa atraksiyong sekswal. Ang omnisekswalidad naman ay ang atraksiyong sekswal sa anumang kasarian. Sa madaling salita, ang dalawa ay magkapareho. Ang mga pansekswal at omnisekswal ay walang pinipiling kasarian. Bagama't ang isang omnisekswal ay nakikita ang kasarian ngunit hindi ito pinapahalagahan, ang mga pansekswal ay iginigiit na hindi nila tinitingnan ang kasarian. Kapwa nila ipinaparating ang isa sa mga kasabihan na “tanggap kita maging sino ka man.”
Hindi partikular na binanggit ng Bibliya ang pansekswal o omnisekswal. Ngunit, dahil ang pansekswal at omnisekswal kung minsan ay kinasasangkutan ng pakikipagtalik sa parehong kasarian, ang mga pagkondena sa Bibliya sa homosekswalidad ay kahalintulad ng mga nagsasagawa ng pansekswal o omnisekswal na gawain (Levitico 18:22; 20:13; Roma 1:26–27; 1 Corinto 6: 9). Ang tanging anyo ng sekswal na aktibidad na sinusuportahan ng Bibliya ay heterosekswal sa loob ng mga limitasyon ng ordinansa ng kasal (Gawa 15:20; 1 Corinto 6:13; Galacia 5:19; Efeso 5:3; Colosas 3:5).
Lubos na labag sa Bibliya na sundin ang kasalukuyang kalakaran ng pagtanggi sa kasarian. Bilang karagdagan sa kanilang pisikal at sekswal na disenyo, nilayon ng Diyos na ang lalaki at babae ay magkatugma sa emosyonal at espiritwal (Genesis 2). Ang pagtanggi sa mga pagkakaiba sa pagitan ng lalaki at babae at pagyakap sa mga alternatibong anyo ng sekswalidad, tulad ng pansekswalidad at omnisekswalidad ay pagtanggi sa katotohanan at higit sa lahat, pagtanggi sa Diyos bilang Manlilikha at Taga-disenyo ng sangkatauhan. Sa madaling salita, ang makisali sa pansekswalidad at omnisekswalidad ay kasalanan.
English
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pansekswal / omnisekswal?