settings icon
share icon
Tanong

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng pandaigdig at lokal na iglesia?

Sagot


Upang maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng lokal at pandaigdigang iglesia, kailangang bigyan ng kahulugan ang bawat isa sa kanila. Ang lokal na iglesia ay isang grupo ng mananampalataya na regular na nagkikita-kita sa isang partikular na lugar sa layunin ng pagsamba. Ang pandaigdigang iglesia ay binubuo ng lahat ng tunay na mananampalataya sa buong mundo. Ang salitang iglesia o church sa English ay nagmula sa 2 salita. Ang una ay may kinalaman sa pagkikita-kita o "pagtitipon" (1 Tesalonica 2:14; 2 Tesalonica 1:1). Ang salitang ito ay tumutukoy sa gawain ng Diyos ng pagliligtas at pagpapabanal sa mga mananampalataya bilang mga taong "tinawag.” Kung ang salitang "iglesia" o "church" ay mababasa sa Bibliya, ang salitang ito ang ginagamit. Ang ikalawang salitang pinanggalingan ng "iglesia" ay nagsasaad ng pagmamay-ari at literal na nangangahulugan ng "pagmamay-ari ng Panginoon." Ito ang salitang ginamit upang palabasin ang aktwal na salitang "church" o iglesia. Ang wikang Griego na ito ay ginamit ng dalawang beses lamang sa Bagong Tipan at hindi ginamit upang direktang tukuyin ang salitang iglesia (1 Corinto 11:20; Pahayag 1:10).

Ang lokal na iglesia ay karaniwang pinapakahuluganan bilang lokal na asembliya ng lahat ng nagaangkin ng pananampalataya at katapatan kay Kristo. Laging ang Griegong salita na "ekklesia" ay ginagamit upang tukuyin ang isang lokal na grupo o asembliya (1 Tesalonica 1:1; 1 Corinto 4:17; 2 Corinto 11:8). Hindi nangangahulugan na kailangang may isang lokal na iglesia lamang sa isang partikular na lugar. Maraming mga lokal na iglesia sa malalaking bayan at siyudad.

Ang pandaigdigang iglesia ay ang pangalang ibinigay sa iglesia sa buong mundo. Sa terminolohiyang ito, hindi binibigyang diin ang isang grupo lamang kundi ang mga indibidwal na tao na bumubuo sa grupong ito. Ang iglesia ay iglesia pa rin kahit na hindi nagkakaroon ng opisyal na pagpupulong. Sa aklat ng mga Gawa kabanata 8, talata 3, makikita na ang iglesia ay tinawag din na iglesia kahit sila ay nasa loob ng isang bahay. Kung susuriin ang aktwal na teksto sa Gawa 9:31, makikita na ipinapahiwatig ng King James version ang salitang mga iglesia bilang iisang iglesia na inilalarawan ang pandaigdigang iglesia hindi lamang ang mga lokal na iglesia. May iba na inilalarawan ang pandaigdigang iglesia bilang iglesiang hindi nakikita. Ngunit hindi dapat ang ganitong paglalarawan. Ang pandaigdigang iglesia ay hindi inilarawan kailanman sa Bibliya bilang hindi nakikitang iglesia dahil hindi talaga ito ganoon. Narito pa ang ilang mga talata na tumutukoy sa pandaigdigang iglesia: (1 Corinto 12:28; 15:9; Mateo 16:18; Efeso 1:22-23; Colosas 1:18).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng pandaigdig at lokal na iglesia?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries