settings icon
share icon
Tanong

Ano ang mga pamunuan at kapangyarihan?

Sagot


Sa maraming lugar sa Bibliya kung saan natin nababasa ang mga pamunuan at kapangyarihan, malinaw sa konteksto na ang mga iyon ay tumutukoy sa maraming uri ng kasamaan ng diyablo at maruruming espiritu na nakikipagdigma sa mga anak ng Diyos. Ang mga pamunuan at kapangyarihan ni Satanas ang laging tinutukoy ditto. Sila ay mga nilalang na nagtataglay ng kapangyarihan sa mga hindi nakikitang lugar para labanan ang lahat ng bagay at sinuman na sa Diyos.

Ang unang banggit sa mga pamunuan at kapangyarihan ay sa Roma 8:37–39: “Subalit sa lahat ng mga ito tayo'y lubos na nagtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat lubos akong naniniwala na kahit kamatayan o buhay, mga anghel, mga pamunuan, mga bagay na kasalukuyan, mga bagay na darating, maging mga kapangyarihan, kataasan, o kalaliman, o kahit anumang bagay na nilikha ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.” Aang mga talatang ito ay tungkol sa tagumpay ni Cristo laban sa lahat ng pwersa laban sa atin. Tayo ay “higit pa sa mapagtagumpay” dahil walang anumang kapangyarihan— kamatayan o buhay, mga anghel, o mga demonyo—tunay na walang sinuman at anuman na makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos. Ang mga “kapangyarihan” na tinutukoy ditto ay ang mga nilalang na nagtataglay ng mahimalang kapangyarihan, bulaang guro man o mga propeta o ang mismong mga deomonyo na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan. Ang malinaw ay sinuman sila, hindi sila makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos. Tiyak ang ating tagumpay. Ang masasama ay mananatili sa pagkilala sa mga kapangyarihan at maisasantabi ang pangunahing tinatalakay sa mga talata na walang iba kundi ang katiyakan tungkol sa ginawa ng Diyos para tayo iligtas.

Ang isa pang pagbanggit sa mga pamunuan at mga kapangyarihan ay sa Colosas 1:16, “sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa, ang mga bagay na nakikita at ang mga hindi nakikita, maging ang mga trono o mga pamamahala, o mga pamunuan o mga may kapangyarihan—lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan niya at para sa kanya.” Naarito ang isang malinaw na pangungusap na ang Diyos ang Manlilikha at namumuno sa lahat ng may kapangyarihan, magpasakop man sila o magrebelde sa Kanya. Anumang kapangyarihan ang taglay na pwersa ng kasamaan, hindi sila malaya sa kontrol ng makapangyarihang Diyos na ginagamit maging ang masama para ganapin ang kanyang perpektong plano at layunin (Daniel 4:35; Isaias 46:10–11).

Sa sumunod na kabanata sa Colosas, mababasa natin ang tungkol sa ganap na kapangyarihan ni Jesus sa lahat ng iba pang kapangyarihan: “At matapos niyang tanggalan ng kapangyarihan ang mga pamunuan at mga pamamahala, sila'y inilantad niya sa madla upang ipakita ang kanyang pagwawagi laban sa kanila sa pamamagitan ng krus” (Colosas 2:15). Sa pagpapanatili sa lahat ng mga bagay, ang mga kapangyarihan ay nilikha ni Cristo at dahil dito ang lahat ay nasa ilalim ng Kanyang kontrol. Hindi sila dapat katakutan dahil dinisaramahan na sila sa krus. Sa pamamagitan ng kamatayan ng Tagapagligtas, pinamahalaan Niya sila at pinalaya ang mga nabihag. Nilusob ni Satanas at ng kanyang hukbo ang mundo at binihag ang sangkatauhan at ipinailalim sila sa kanyang masamang pamumuno. Ngunit sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo, iginupo Niya ang mga mananakop at pinalaya ang mga naalipin. Tinatalakay sa Colosas 2:14 ang pagpapako kay Jesus sa krus maging ang mga bintang laban sa atin. Ang listahan ng ating mga kasalanan na ginagamit ni Satanas para tayo akusahan sa harapan ng Diyos ay kasamang ipinako ni Cristo doon sa krus. Kaya nga ito ay nawasak at hindi na tayo maaari pangn akusahan ng may kapangyarihan; wala na tayong sala sa paningin ng Diyos. Kaya nga, sila ay nadisarmahan na.

Ipinapakita sa Efeso 3:10–11 ang ibang mga pamunuan at mga kapangyarihan—ang mga nasa himpapawid: “Sapagkat layunin niya na sa pamamagitan ng iglesya ay maipaalam ngayon sa mga pamunuan at mga maykapangyarihan sa kalangitan ang iba't ibang anyo ng karunungan ng Diyos, alinsunod sa walang hanggang panukala ng Diyos na kanyang isinagawa kay Cristo Jesus na ating Panginoon.” Makikita natin dito ang mga anghel na ipinapakita ang karunungan at layunin ng Diyos sa plano ng pagliligtas sa pamamagitan ni Cristo. Nasaksihan ng mga anghel, kabilang ang mga banal at nagkasala ang kaluwalhatian ng Diyos at ang pagiging una ni Jesus sa lahat ng nilalang at sa iglesya, ang Kanyang mga iniligtas at iniingatan Niya ng kanyang kapangyarihan (Efeso 1:20–21).

Idineklara sa Efeso 6:12 ang digmaan na ating kinasasangkutan habang nakikipagbaka tayo sa ating buong buhay “Sapagkat ang pakikipaglaban natin ay hindi sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga makasanlibutang hukbo ng kadilimang ito, laban sa mga espirituwal na puwersa ng kasamaan na nasa kaitaasan.” Kaya dahil naligtas na tayo, dapat tayong magpatuloy sa paggawa ng mabuti sa liwanag ng tiyak na tagumpay na ipinangako sa atin sa Roma 8. Katulad ito ng pagharap sa isang hukbo ng kadiliman na nadisarmahan na mula sa tunay na kapangyarihan at nakikipaglaban sa mga pinangakuan na ng tagumpay. Trabaho natin na ipakita at magdepende sa karunungan at kapangyarihan ng Diyos sa paggapi sa kanila sa ating mga buhay. Magagawa natin ito sa pamamagitian ng pagtitiwala sa tagumpay ng Diyos.

Ang huling banggit sa mga pamunuan at mga kapangyarihan ay sa Tito 3:1. Tinutukoy dito ang mga may kapangyarihan sa gobyerno na itinatag ng Diyos para sa ating kapakanan at kaligtasan. Sila ay mga kinatawan ng Diyos dito sa lupa at ang pagpapasakop sa kanila ay kinapapalooban ng pagpapasakop sa kanilang awtoridad na ipinagkaloob ng Diyos. Ang mga lumalaban sa mga may awtoridad sa lupa ay “sumasalungat sa itinatag ng Diyos. At ang mga sumasalungat ay tatanggap ng hatol sa kanilang sarilis” (Roma 13:2).


English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang mga pamunuan at kapangyarihan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries