Tanong
Paano dapat tingnan ng isang Kristiyano ang palakasan?
Sagot
Ang laro ay malaking bahagi ng buhay para sa maraming tao, nanonood man sila ng isang palaro o hinahatid nila ang kanilang anak sa pag eensayo para sa palakasan, o kaya ay tuwiran silang kasali sa palaro.
Naging tanyag na ang larong paligsahan at atletik noon pa man unang panahon. Sa katunayan nga ay nagbibigay ang Bibliya ng ilang analohiya ng buhay Kristiyano mula sa mga palakasan: Ang 1 Corinto 9:26 ay naglalaman ng basehan tungkol sa pagsuntok sa hangin; Inihalintulad naman ng sumulat ng Hebreo ang buhay Kristiyano sa isang takbuhan (Hebreo 12:1); Maging si Pablo ay nagsasabi sa atin na”tumakbo tayo upang makuha ang gantimpala” (1 Corinto 9:24).
Batay sa ibinigay ng Bibliya na positibong gamit ng mga analohiyang may kaugnayan sa palakasan, makikita natin na hindi naman likas na masama ang manood o makilahok sa mga palakasan. Ang pagsubaybay ng isang tao sa kanyang paboritong koponan ng futbol, ilang saglit na paglalaro ng golf, pagdalo sa isang laban ng balibol, o kaya ay paglagda para sa isang sopbol na pangkomunidad ay mga bagay na maaari namang ikasaya ng Kristiyano. Kaugnay nito, ang mga Kristiyanong manlalaro at tagasanay ay madalas magkaroon ng pagkakataon upang magamit ang kanilang pagiging tanyag sa palakasan para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo.
Ang mga Kristiyanong manlalaro ay makapagpapatunay na ang ganitong pakikilahok ay may pakinabang para, mabawasan ang tensyon; makontrol ang timbang; pagsasamahan, mapaunlad ang pagtugon sa pananagutan, pangunguna, at pakikipagtalastasan, pagtatakda ng layunin, kasanayan sa paglutas ng problema. Ang pagiging matatag at pagpupunyagi ay mahalaga para sa pagpapaunlad ng ating pagkatao.
Ang isa sa dakilang pakinabang na nakukuha sa pakikipag paligsahan sa mga palaro ay ang pagpipigil sa sarili:”Lahat ng manlalarong nagsasanay ay may disiplina sa lahat ng bagay” (1 Corinto 9:25). Ang pagiging mahalaga ng kilos sa pakikipagtagisan, ang pagkakaroon ng pagpipigil sa sarili--o ang kakulangan nito--ay mahahalata ng mga nagmamasid. Ipinapakita naman ng ibang atleta kung paano nila hinaharap nang may kabaitan at katatagan ang mga hirap na may kaugnayan sa laro; ang iba ay nagdadabog. Kaya't mapapansin natin na ang problema ay wala sa laro kundi nasa katangian ng atleta o tagahanga. Sa maraming paraan ay nakapagbibigay ang isang palakasan ng kaganapan upang subukin ang pagkatao ng parehong nagwagi at talunan. Kaya nga, Ang mga Kristiyanong atleta, tagasanay, at mga tagahanga, ay kailangang puspos ng Banal na Espiritu at dapat kakikitaan ng bunga nito, nasa palaruan man sila, nasa parang, nasa bihisang silid, o saan man sila naroon.
Gaya sa lahat ng bahagi ng buhay, kailangan nating maging balanse tungkol sa ating pakikilahok sa palakasan. Kailangan nating maglagay ng mga prayoridad. At para sa isang panatiko ng palakasan ay madali lang gawin, ang maglaan ng maraming oras, pera, at iba pang mapagkukunan para sa isang libangan. Madali para sa isang atletang nais magtagumpay ang mag ukol ng labis na panahon at lakas sa isang pagsasanay at mapabayaan ang pamilya, kaibigan, o ang pamumuhay para sa Diyos. Kaya't ang Bibliya ay nagbibigay linaw ukol sa ating mga prayoridad:”Sa pagsasanay ng katawan ay mayroon ding pakinabang, ngunit ang maka-Diyos na pamumuhay ay mapapakinabangan sa lahat ng paraan, sapagkat ito'y may pangako hindi lamang para sa buhay na ito ngayon, kundi maging sa buhay na darating” (1 Timoteo 4;8).
Mabuti at kapakipakinabang ang palakasan kapag ginamit ng naaayon sa tamang pananaw. Huwag nating ipahintulot na mapuno ng palakasan ang ating panahon o mas maging mahalaga pa ito kaysa hanapin natin ang kaharian at katuwiran ng Diyos (Mateo 6:33). Sapagkat hindi maaaring maging bahagi ng buhay Kristiyano ang diyus-diyusan (1 Juan 5:21). At anuman ang ating ginagawa, nasa palaruan man tayo o wala, ang higit na mahalaga ay maparangalan natin ang Diyos (1 Corinto 10:31).
English
Paano dapat tingnan ng isang Kristiyano ang palakasan?