settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pakikipagtalik sa hayop o bestialidad?

Sagot

Binanggit ng Bibliya ang bestialidad sa apat na magkakaibang mga sipi. Sinasabi ng Exodo 22:19, “Sinumang makipagtalik sa hayop ay dapat patayin." Ipinapahayag ng Levitico 18:23, "Huwag kayong makipagtalik sa alinmang hayop sapagkat durungisan ninyo ang inyong sarili kung gagawin ninyo ito. Hindi rin dapat pasiping ang sinumang babae sa anumang hayop; ito ay kasuklam-suklam. "Ang Levitico 20:15-16 ay nag-uutos na, "Ang lalaking nakipagtalik sa hayop ay dapat patayin, gayundin ang hayop. Ang babaing nakipagtalik sa hayop ay dapat patayin, gayundin ang hayop." Sumasang-ayon ang Deuteronomio 27:21 na, "sumpain ang sinumang makipagtalik sa anumang uri ng hayop." Mula sa mga talatang ito, napakalinaw na, ayon sa Bibliya, ang pakikipagtalik sa hayop o bestialidad ay isang kakila-kilabot, hindi normal, at kasuklam-suklam na kasalanan.

Ano ang dahilan kung bakit lubos na hinahatulan ang bestialidad? Una, ito ay isang abnormal na kalibugan. Maliwanag na ang mga tao ay idinisenyo/nilayon na makipag-asawa sa kapwa tao, hindi sa hayop. Sa tala ng paglikha, wala sa mga hayop ang "angkop" para kay Adan (Genesis 2:20). Pangalawa, ang pakikipagtalik sa hayop o bestialidad ay kumakatawan sa pinakahuling sekswal na pagnanasa. Ang katotohanan na ang hayop ay dapat patayin (Levitico 20:15-16), sa kabila ng katotohanan na ito ay magiging "walang sala," ay nagpapahiwatig kung gaano kasama ang masamang pakikitungo sa hayop. Ikatlo, at marahil ang pinakamahalaga, ay itinatanggi ng pakikipagtalik sa hayop o bestialidad ang pagiging natatangi ng sangkatauhan na nilikha ng Diyos ayon sa Kanyang wangis (Genesis 1:27). Ibinababa ng bestialidad ang moralidad ng sangkatauhan sa isang hayop, isang hayop na hindi kayang makilala ang tama sa mali, natural sa hindi natural, at pag-ibig sa pagnanasa.

Bagaman hindi partikular na binanggit sa Bagong Tipan ang bestialidad, hindi ito nangangahulugan na bumababa na ang moral na pamantayan ng Diyos o ang bestialidad ay katanggap-tanggap. Ipinagbabawal ng Kasulatan ang maraming anyo ng sekswal na imoralidad, at sa madaling salita, ang bestialidad ay kasama sa mga pagbabawal na ito (1 Corinto 6:9; Galacia 5:19; Colosas 3:5; Hebreo 13:4).

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries