Tanong
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagsisinungaling? Kasalanan ba ang pagsisinungaling?
Sagot
Malinaw sa Bibliya na ang pagsisinungaling ay kasalanan at hindi nakalulugod sa Diyos. Ang unang kasalanan sa mundong ito ay kinasasangkutan ng kasinungalingang sinabi kay Eba. Kasama sa Sampung Utos na ibinigay kay Moises: “Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa” (Exodo 20:16).
Sa unang iglesya, sina Ananias at Sapphira ay nagsinungaling tungkol sa isang donasyon upang magmukhang mas mapagbigay kaysa sa tunay na sila. Mahigpit ang pagsaway ni Pedro: “Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo?” (Gawa 5:3). Ang paghatol ng Diyos ay mas mahigpit: ang mag-asawa ay namatay bilang resulta ng kanilang kasalanan ng pagsisinungaling (Gawa 5:1–11).
Sinasabi ng Colosas 3:9, “Huwag kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito.” Ang pagsisinungaling ay nasulat sa 1 Timoteo 1:9-11 bilang isang bagay na ginagawa ng mga makasalanan. Higit pa rito, ang mga sinungaling ay mapapabilang sa mga hahatulan sa mga huling araw (Pahayag 21:8). Sa kabaligtaran, ang Diyos ay hindi kailanman nagsisinungaling (Tito 1:2). Siya ang pinagmumulan ng katotohanan. Imposibleng magsinungaling ang Diyos (Bilang 23:19).
Tinawag ni Hesus ang Kanyang sarili na ang Daan, Katotohanan, at Buhay (Juan 14:6), at inaasahan Niya na ang mga sumusunod sa Kanya ay mga taong nasa panig ng katotohanan. Ang katotohanan ay dapat ipahayag sa pag-ibig (Efeso 4:15), na humihimok ng pag-asa sa mga naghahanap ng katubusan mula sa mga kasinungalingan ng mundo.
English
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagsisinungaling? Kasalanan ba ang pagsisinungaling?