settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa hindi pagpapatawad?

Sagot


Marami-rami ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagpapatawad at hindi pagpapatawad. Maaaring ang pinakakilalang katuruan tungkol sa hindi pagpapatawad ay ang talinghaga ni Hesus tungkol sa aliping hindi marunong magpatawad na nakatala sa Mateo 18:21-35. Sa talinghagang ito, isang hari ang nagpatawad sa napakalaking pagkakautang (isang utang na hindi na kayang bayaran) ng isa sa kanyang mga alipin. Gayunman, pagkatapos na siya’y patawarin, ang aliping iyon ay tumangging magpatawad sa kakaunting pagkakautang sa kanya ng isang tao. Nalaman ito ng hari at binawi ang kanyang ginawang pagpapatawad sa aliping hindi marunong magpatawad. Tinapos ni Hesus ang talinghaga sa pagsasabing: “Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo patatawarin nang buong puso ang inyong mga kapatid” (Mateo 18:35). Sinasabi rin sa iba pang mga talata na hindi tayo patatawarin kung hindi tayo magpapatawad (tingnan ang Mateo 6:14; 7:2; at Lukas 6:37, bilang halimbawa).

Huwag tayong malilito sa isyung ito; ang pagpapatawad ng Diyos ay hindi nakabase sa ating mga gawa. Ang pagpapatawad ng Diyos at kaligtasan ay kumpletong nakabase sa persona ng Diyos at sa ginawang pagtubos ni Hesus sa kasalanan doon sa krus. Gayunman, ipinapakita ng ating mga gawa ang ating pananampalataya at ang lalim ng ating pagkaunawa sa biyaya ng Diyos (tingnan ang Santiago 2:14-26 at Lukas 7:47). Ganap yaong hindi karapatdapat, ngunit piili ni Hesus na bayaran ang halaga para sa kabayaran ng ating mga kasalanan upang maipagkaloob sa atin ang kapatawaran (Roma 5:8). Kung tunay nating nauunawaan ang kadakilaan ng kaloob ng Diyos sa atin, ipapasa din natin ang kaloob na ito sa iba. Binigyan tao ng biyaya ang dapat din tayong magbigay ng biyaya sa iba. Sa nasabing talinghaga, nanlumo tayo sa alipin na hindi makapagpatawad sa isang napakaliit na pagkakautang sa kanya pagkatapos na mapatawad sa isang hindi na mababayarang pagkakautang. Ngunit kung hindi tayo nagpapatawad, katulad tayo ng aliping iyon sa talinghaga.

Ninanakawan tayo ng hindi pagpapatawad ng isang kasiya-siyang buhay na hangad ng Diyos para sa atin. Sa halip na makamit ang hustisya, nagbubunga ang hindi pagpapatawad sa kapaitan. Binalaan tayo sa Hebreo 12:14-15, “Dahil dito'y itaas ninyo ang inyong mga nanghihinang kamay at patatagin ang mga nangangalog na tuhod. Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi lumala ang mga paang napilay at sa halip ay gumaling. Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito.” Gayundin, binalaan din tayo sa 2 Corinto 2:5-22 na maaaring maging kasangkapan ni Satanas ang hindi pagpapatawad upang pabagsakin tayo.

Alam din natin na ang mga nagkasala sa atin - ang mga taong maaaring hindi natin pinapatawad - ay papanagutin din ng Diyos (tingnan ang Roma 12:19 at Hebreo 10:30). Mahalagang kilalanin na ang pagpapatawad ay hindi pagwawalang bahala sa kasalanang nagawa sa atin o kinakailangan para sa pagpapanumbalik ng relasyon. Kung pipiliin nating magpatawad, pinapalaya natin ang taong nagkasala sa atin sa pagkakautang niya sa atin. Hindi natin gagamitin ang ating karapatan upang makapaghiganti. Pinipili nating sabihin na hindi na natin gagamitin ang kanyang kasalanan sa atin laban sa kanya. Gayunman, hindi ito nangangahulugan na papahintulutan nating muli ang taong iyon na makuhang muli ang ating pagtitiwala o palalayain natin ang taong iyon sa konsekwensya ng kanyang kasalanang ginawa sa atin. Sinasabi sa atin ng Kasulatan na “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23). Bagama’t iniligtas tayo ng pagpapatawad ng Diyos mula sa walang hanggang kamatayan, hindi ito nangangahulugan na pinalaya na tayo sa mga konsekwensya ng ating mga kasalanan (gaya ng isang nasirang relasyon, o kaparusahan ng batas ng tao sa kasalanang nagawa). Hindi nangangahulugan ang pagpapatawad na magkukunwari tayo na parang walang ginawang kasalanan ang iba sa atin; ngunit nangangahulugan ito na kinikilala natin ang masaganang biyaya na ipinagkaloob sa atin ng Diyos at dahil dito, wala tayong karapatan na ipagkait ang kapatawaran sa sinuman.

Muli at muli, tinatawag tayo ng Kasulatan na magpatawaran sa isa’t isa. Halimbawa, sinasabi sa Efeso 4:32, “Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.” Binigyan tayo ng sobrang biyaya ng kapatawaran, at malaki ang inaasahan sa atin bilang tugon (tingnan ang Lukas 12:48). Bagama’t laging mahirap ang pagpapatawad, ang hindi pagpapatawad ay pagsuway sa Diyos at pagmaliit at hindi pagkilala sa kadakilaan ng Kanyang kaloob.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa hindi pagpapatawad?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries