Tanong
Ano ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa transsexualism / transgenderism o pagpapalit ng kasarian?
Sagot
Ang transsexualism, na kilala din sa tawag na transgenderism, Gender Identity Disorder (GID), o gender dysphoria, ay ang pakiramdam na ang natural na kasarian ay hindi angkop sa kasarian na iniisip ng isang tao para sa kanyang sarili. Laging inilalarawan ng mga transsexuals/transgenders ang kanilang sarili na "nakabilanggo" sa isang katawan na hindi angkop sa kanilang tunay na kasarian. Lagi silang nagsasanay ng transvestism/transvestitism at maaari ding magpa-hormone therapy at/o gender reassignment surgery o magpaopera sa layuning palitan ang kagamitang sekswal upang iangkop ang kanilang katawan sa kanilang napagpasyahang kasarian.
Hindi saanman sa Bibliya tinalakay o binanggit ang transgenderism o inilarawan man ang sinuman na may pakiramdam ng pagiging transgender. Gayunman, maraming sinasabi ang Bibliya patungkol sa sekswalidad ng tao. Ang ating pangunawa sa sekswalidad ay lumikha lamang ang Diyos ng dalawang kasarian: "Nilalang niya sila na lalake at babae" (Genesis 1:27). Ang lahat ng modernong haka-haka patungkol sa maraming kasarian o tinatawag na gender fluidity — o maging gender "continuum" o nagpapatuloy na pagpapalit ng kasarian — ay hindi itinuturo ng Bibliya.
Ang pinakamalapit na pagbanggit sa Bibliya tungkol sa transgenderism ay ang pagkondena nito sa kabaklaan at pagiging tomboy (Roma 1:18–32; 1 Corinto 6:9–10) at transvestitism (Deuteronomio 22:5). Ang salitang Griyego na laging isinasalin sa salitang "homosexual offenders" o "lalakeng mapakiapid sa kapuwa lalake" sa 1 Corinto 6:9 ay literal na nangangahulugang "mga lalaking kumikilos na parang babae." Kaya, habang hindi direktang binabanggit sa Bibliya ang transgenderism at pagkalito sa kasarian, malinaw na tinutukoy naman ang mga ito bilang kasalanan.
Paano ang posibilidad na ang mga nakakaranas ng transgenderism ay may utak na taliwas sa kasarian ng katawan habang ang iba pang bahagi naman ng katawan ay may iba pang kasarian? Hindi nagbibigay ang Bibliya ng kahit anong katuruan tungkol sa nasabing posibilidad. Gayunman, hindi rin binabanggit sa Bibliya ang hermaphroditism (isang kundisyon kung saan ang isang tao ay may dalawang sangkap ng katawan na pangbabae at panglalaki) na hindi maikakailang nangyayari sa ilan (bagama't napakabihira). Bilang karagdagan, maaaring ang tao ay ipanganak na may lahat ng uri ng depekto sa utak o hindi gumagana ang utak sa natural na paraan. Paano masasabi na imposible para sa isang utak babae na mabilanggo sa isang katawang panlalaki o isang utak lalaki na na mabilanggo sa isang katawang pambabae?
Sa kaso ng hermaphroditism, bilang ebidensya, hindi maaaring sabihin na kung hindi tinatalakay sa Bibliya ang isang bagay, hindi ito maaaring mangyari. Kaya nga, maaaring posible para sa isang tao na ipanganak na may utak na gumagana sa isang paraan na nagiging dahilan ng gender dysphoria o kalituhan sa kasarian. Maaaring may paliwanag ang saykolohiya sa ibang mga kaso ng kabaklaan o ng pagiging tomboy. Gayunman, hindi dahil ang isang bagay ay may biolohikal na pinagugatan, maaari na iyong ituring na isang bagay na dapat gawin o ituring na tama. May mga tao na ipinanganak na masyadong aktibo ang utak para sa mga gawaing sekswal. Ngunit hindi ito dahilan upang gumawa sila ng sekswal na imoralidad at ituring iyon na tama. Napatunayan sa siyensya na may ilang psychopaths/sociopaths na may utak na sobrang mahina at may mekanismo na hindi nila kayang kontrolin. Ngunit hindi ito dahilan upang gumawa sila ng mga gawaing makasalanan sa tuwing naiisip nilang gumawa ng mga bagay na iyon.
Kung ang dahilan man sa pagkalito sa kasarian ay genetic, hormonal, physiological, saykolohikal, o espiritwal, maaari itong pagtagumpayan at mapagaling sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo at sa patuloy na pagtitiwala sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Maaaring maranasan ang kagalingan, mapagtagumpayan ang kasalanan, at mabago ang buhay sa pamamagitan ng kaligtasan na ipinagkakaloob ni Hesu Kristo, kahit pa may mga biological/physiological na dahilan. Ang mga mananampalataya sa Corinto ang halimbawa ng ganitong uri ng radikal na pagbabago: "At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni't nangahugasan na kayo, nguni't binanal na kayo, nguni't inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios" (1 Corinto 6:11). May pag-asa para sa lahat ng tao, sa mga transsexuals, transgenders, at sa mga nalilito sa kanilang kasarian kabilang ang mga transvestites, dahil ang kapatawaran ng Diyos ay maaaring makamtan sa pamamagitan ni Kristo Hesus.
English
Ano ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa transsexualism / transgenderism o pagpapalit ng kasarian?