settings icon
share icon
Tanong

Bakit kailangan pa ang pagpapahayag ng kasalanan kung napatawad na tayo (1 Juan 1:9)?

Sagot


Isinulat ni Apostol Pablo, "Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak! Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang kamatayana at sa gayo'y pinatawad na ang ating mga kasalanan. Gayon kadakila ang pag-ibig na ipinadama niya sa atin! Binigyan niya tayo ng karunungan at kabatiran" (Efeso 1:6-8). Ang kapatawarang ito ay tumutukoy sa punto ng kaligtasan kung kailan pinatawad tayo ng Diyos at inalis na ang ating mga kasalanan kung gaano "kalayo ang Silangan sa Kanluran" (Awit 103:12). Ito ang kapatawaran na hinihingi ng Diyos ayon sa kanyang katarungan na Kanyang ipinagkaloob sa atin ng tanggapin tayo ng ating Tagapagligtas na si Hesu Kristo. Ang lahat ng ating kasalanan sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap ay pinatawad ng lahat ayon sa hustisya ng Diyos. Nangangahulugan ito na hindi na tayo magdadanas ng walang hanggang parusa dahil sa ating mga kasalanan. Gayunman, patuloy pa rin tayong nagdurusa sa ng konsekwensya ng ating kasalanan habang narito pa tayo sa lupa.

Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng Efeso 1:6-8 at 1 Juan 1:9: Tinutukoy ni Juan sa 1 Juan 1:9 ang tinatawag na kapatawaran sa ikapapanumbalik ng maayos na relasyon sa Diyos o relasyonal na kapatawaran - gaya ng isang anak sa kanyang ama. Kung nakagawa ang isang anak ng masamang bagay na ayaw ng kanyang ama - gaya ng hindi pagtupad sa kanyang inaasahan - nagkakaroon ng hadlang ang kanilang maayos na relasyon. Nananatili siyang anak ng kanyang ama, ngunit may problema sa kanilang relasyon. Ang pakikisama nila sa isa't isa ay hindi magiging maayos hanggat hindi inaamin at pinagsisisihan ng anak ang kanyang kasalanan sa kanyang ama. Ganito rin ang nangyayari sa ating relasyon sa Diyos sa tuwing nagkakasala tayo at hanggat hindi natin ipinapahayag sa Kanya ang ating mga kasalanan. Kung ipapahayag natin ang ating mga kasalanan sa Diyos, magbabalik ang maayos na pakikisama Niya sa atin. Ito ang relasyonal na pagpapatawad.

Ang posisyonal na kapatawaran o "positional" o "judicial" na kapatawaran ay ang kapatawaran na nakamit ng bawat isang mananampalataya kay Kristo. Sa ating katayuan bilang mga miyembro ng katawan ni Kristo, pinatawad na ang lahat ng ating mga kasalanan at gagawin pang mga kasalanan. Ang bayad ni Hesus para sa ating kasalanan ang pumawi ng poot ng Diyos at wala ng anumang dagdag na sakripisyo o kabayaran pa ang kinakailangan. Nang sabihin ni Hesus, "Naganap na," tunay na tinapos na Niya ang paghahandog para sa kasalanan. Nakamit natin ang posisyonal na kapatawaran noong Siya ay mamatay doon sa krus.

Ang pagpapahayag sa ating mga nagagawang kasalanan at paghingi ng tawad mula sa mga iyon ay kinakailangan upang hindi natin maranasan ang pagdidisiplina ng Panginoon. Kung hindi tayo magpapahayag ng ating kasalanan, tiyak na didisiplinahin tayo ng Diyos upang turuan tayong magsisi. Gaya ng nasabi na, napatawad na ang lahat ng ating mga kasalanan sa panahon ng ating kaligtasan (positional forgiveness), ngunit kinakailangan na maging maayos ang ating pang araw-araw na pakikisama sa Diyos (relational forgiveness). Ang maayos na pakikisama sa Diyos ay hindi mangyayari kung may kasalanan tayo na hindi ipinapahayag sa Kanya mula sa punto na nalaman natin na nagkasala tayo. Kaya nga kailangan nating ipahayag ang ating mga kasalanan sa Diyos upang mapanatili ang ating malapit na pakikisama sa Kanya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit kailangan pa ang pagpapahayag ng kasalanan kung napatawad na tayo (1 Juan 1:9)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries