settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagkagumon sa seks?

Sagot

Ang konsepto ng pagkagumon o adiksyon sa seks bilang isang karamdamang sikolohikal na katulad ng iba pang obsessive-compulsive disorder, o kahalintulad ng iba pang adiksyon gaya ng adiksyon sa alak o paggamit ng ipinagbabawal na droga, ay isang bagong kaganapan. Dati, ang isang lalaki (o babae) na madalas makipagtalik ay sinasabing imoral at puno ng pagnanasa. Ang isyu ngayon ay kung ang isang bagay ay sinasabi ng Bibliya na isang kasalanan. Ang malaswang pakikipagtalik ng labas sa kasal ay binansagan bilang isang karamdamang sikolohikal. Para sa ilan, ito ay isang malinaw na kasalanan. Kaya, mayroon bang bagay na gaya ng pagkagumon sa seks at kung gayon, ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito?

Una, ang pakikipagtalik ng labas sa kasal ay isang kasalanan (Gawa 15:20; 1 Corinto 5:1; 6:13, 18; 10:8; 2 Corinto 12:21; Galacia 5:19; Efeso 5 :3; Colosas 3:5; 1 Tesalonica 4:3; Judas 7). Hindi maaaring maging tama ang makipagtalik ng labas sa kasal. Sinasabi nito na mahalagang tandaan na ang seks ay talagang nakakahumaling. Ang isang tao na regular na nakikipagtalik ay halos nagiging sikolohikal at sayolohikal na adik dito. Ang pakikipagtalik sa pagitan ng mag-asawa sa kasal ay "dalisay" (Hebreo 13:4) at ito ang itinalaga ng Diyos na paraan upang mapawi ang tensyon ng isang "pagkagumon sa seks.” Dapat bang pahintulutan ng mag-asawa na magkaroon ng adiksyon hangang sa ang seks ay maging isang obsesyon, isang sagabal ba ito sa iba’t ibang aspeto ng buhay nila? Siyempre hindi. Mali ba para sa mag-asawa na hangarin ang regular na pakikipagtalik sa isa't isa? Talagang hindi. Ang pakikipagtalik sa konteksto ng kasal ay hindi kasalanan. Ang isang asawang lalaki at ang kanyang asawa ay pinapayagan ayon sa Bibliya na makipagtalik ng madalas hangga't gusto nila sa diwa ng pagsang-ayon ng isa't isa (1 Corinto 7:5).

Ang kasalanan mismo ay nakakahumaling. Karamihan, kung hindi man lahat, ang mga kasalanan ay nakalululong kung palagiang ginagawa. Ang pagsisinungaling, pag-inom ng labis, paninigarilyo, katakawan, galit, pornograpiya, atbp., ay maaaring maging kaugalian. Sa huli, lahat tayo sa ating mga nahulog na katawan ay may pagkagumon sa kasalanan. Ang imoral na pakikipagtalik, tulad ng iba pang mga kasalanan, ay maaaring humantong sa "paglalim sa kasamaan" (Roma 6:19). Kung paanong ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay humahantong sa lalong mas mataas na dami ng gamot na kinakailangan upang makamit ang pagiging "bangag," maaari ring humantong ang imoral na pakikipagtalik sa lalong madalas at "walang takot" na pakikipagtalik upang makatanggap ng parehong kasiyahan. Patunay ito na mayroong isang bagay tulad ng adiksyon sa pakikipagtalik. Ang isang tao ay talagang maaaring maging sikolohikal at saykolohikal na gumon sa madalas, mabangis, eksperimental, at kahit na malaswang imoral na pakikipagtalik.

Ang katotohanan na ang pakikipagtalik ay nakakahumaling, at ang katotohanan sa Bibliya na ang kasalanan ay kapwa nakakahumaling ay humantong sa konklusyon na ang pagkagumon sa seks ay talagang umiiral. Gayunman, ay hindi nagbabago ang katotohanan na ito ay kasalanan. Napakahalaga na kilalanin ang adiksyon sa seks bilang isang kasalanan, hindi upang ipagpaliban ito bilang isang saykolohikal na karamdaman. Kaya’t hindi dapat ipagsawalang bahala ang adiksyong ito ng isang tao. Tulad ng lahat ng mga adiksyon, ang tanging tunay na lunas para sa pagkagumon sa seks ay si Jesu-Kristo. Lahat tayo ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos (Roma 3:23). Dahil sa ating kasalanan, tayong lahat ay karapat-dapat sa paghatol na walang hanggang kamatayan (Roma 6:23). Si Jesus, na Diyos sa anyong tao ay nagbayad ng walang hanggang parusa para sa atin (2 Corinto 5:21). Kung lubos nating pinagtitiwalaan ang Kanyang sakripisyo para sa atin bilang buong kabayaran para sa ating kasalanan, tinatanggap Siya bilang Tagapagligtas sa pananampalataya, ipinangako Niya na ang ating mga kasalanan ay pinatawad na. Ngayon, ginawa tayo ng Diyos na isang bagong nilalang (2 Corinto 5:17) at sinimulan ang proseso ng pag ayon sa atin sa Kanyang kalooban (Roma 12:1-2) kabilang ang pagbibigay-daan sa atin na madaig ang kasalanan at masira ang anumang adiksyon sa kasalanan na mayroon tayo. "Kay saklap ng aking kalagayan! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito na nagdadala sa akin sa kamatayan? Wala nang iba pa kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Salamat sa Kanya!" (Roma 7:24-25).

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries