Tanong
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagdadamit lalaki ng babae o pagdadamit babae ng lalaki / transekswalismo? Ito ba ay kasalanan?
Sagot
Ang Deuteronomio 22:5 ay tumatalakay sa isyu ng cross-dressing/transvestism (mga lalaki na nagbibihis na parang babae at mga babae na nagbibihis na parang lalaki). Sa talatang ito, ipinag-utos ng Diyos na ang babae ay huwag magsuot ng nauukol sa isang lalaki at ang lalaki ay hindi magsusuot ng nauukol sa isang babae, dahil ang lahat ng gagawa nito ay "kasuklam-suklam." Ang salitang Hebreo na isinalin na "kasuklam-suklam" ay nangangahulugang "isang nakakadiring bagay, kasuklam-suklam, sa ritwal na kahulugan (ng maruming pagkain, mga diyus-diyosan, magkahalong kasal), sa etikal na kahulugan ay kasamaan." Samakatuwid, ito ay hindi lamang ang Diyos tumutugon sa katotohanan na ang isang babae ay maaaring magsuot ng damit ng isang lalaki o kabaligtaran. Gayundin, hindi ito isang utos na ang isang babae ay hindi dapat magsuot ng pantalon/slacks dahil ginagamit ng ilan ang talatang ito upang magturo. Ang kahulugan nito ay ang "pagbibihis-salungat” at transekswalismo na ito ay ginagawa para manlinlang, o ipakita ang sarili bilang isang bagay na hindi siya. Sa madaling salita, ito ay tumutukoy sa isang babae na nagpapalit ng kanyang damit at hitsura upang magmukhang isang lalaki at isang lalaki na nagpapalit ng kanyang damit at hitsura upang magmukhang isang babae. Ito ang kahulugan ng transekswalismo.
Maaari din nating ipangatuwiran na ang layunin sa likod nito ay ang pag-iwan sa kung ano ang natural at pagkuha sa kung ano ang nasa Salita ng Diyos na tinatawag na hindi natural (Roma 1:24-27). Sinabi ni Pablo sa iglesya sa Corinto na ang paraan ng pagpapahaba ng isang babae sa kanyang buhok ay repleksyon ng utos ng Diyos, at samakatwid, ang isang babae na nagpapagupit ng kanyang buhok upang magpakita bilang isang lalaki o isang lalaki na nagsusuot ng kanyang buhok na mahaba para magpakita bilang isang babae ay nagdudulot sa kanila ng kahihiyan ( 1 Corinto 11:3-15 ). Ang isyu dito ay ang motibo at saloobin ng puso na napapatunayan sa pagpiling maghimagsik laban sa pamantayan ng Diyos.
Ito ang mga prinsipyong magagamit natin sa paglalapat ng prinsipyong ito. Anuman ang umiiral na kultura o kaugalian, ang mga lalaki at babae ay dapat magsuot ng damit na angkop sa kanyang kasarian, at manamit nang disente at maayos (1 Corinto 14:40). Upang maisapamuhay ang mga prinsipyo, tinatawag ng Bibliya ang transekswalismo na isang pagpili na magpakita ng kawalan ng pananampalataya at paghihimagsik laban sa Diyos at sa Kanyang mga utos.
English
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagdadamit lalaki ng babae o pagdadamit babae ng lalaki / transekswalismo? Ito ba ay kasalanan?