settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagbebenta sa loob ng iglesya/simbahan?

Sagot


Ang unang mga talata na maiisip patungkol sa pagbebenta sa loob ng simbahan/iglesya ay ang Mateo 21:12-13, Marcos 11:15-17, Lucas 19:45-46, at Juan 2:13–17, na lahat ay naglalarawan ng mga inisdente (may dalawa) kung kailan “nilinis” ni Jesus ang templo. Nang makita Niya ang iba’t ibang uri ng gawain ng ginagawa sa loob ng bahay ng Kanyang Ama, nagalit Siya. Malinaw na hindi itinayo ang templo para gawing lugar ng bentahan o pagnenegosyo.

Itinuring ni Jesus ang mga namumuhunan at mga mamimili na nagkasala ng pagtampalasan sa templo. Kabilang sa mga bagay na ibinebenta at binibili ay ang mga hayop na panghandog (Juan 2:14). Naroon din ang mga nagpapalit ng pera. Ang mga ito ay kailangan noon dahil ang salaping Romano at iba pang uri ng pera ay itinuturing na hindi katanggap-tanggap para sa paghahandog sa templo. Ang templo ay ang lugar kung saan kinakatagpo ng Diyos ang Kanyang bayan. Ang palengkeng ito sa paligid ng templo ay nagiging sagabal sa pagsamba, at partikular na kumukuha ng espasyo na inilaan para sa pagsamba ng mga Hentil. Malinaw na ang mga negosyante at mga nagpapalit ng pera ay nagpapatong ng sobra-sobrang patubo anupa’t ang palengke sa paligid ng templo ay naging tirahan na ng mga magnanakaw (Mateo 21:13).

Hindi maikakaila na ang pagbebenta ng libro, pagpapa-raffle, at paglilikom ng pondo at iba pa ay kakaiba sa ginagawa noon sa templo. Hindi si Jesus nagagalit sa mga nagtitinda sa templo, kundi sa halip ay dahil ang pagtitinda na ang pinaguukulan ng pangunahing atensyon ng mga tao sa halip na ang Diyos. Nagalit din si Jesus sa mga nagpapalit ng pera dahil pinagsasamantalahan nila ang mga tao na nangangailangan ng kanilang serbisyo na ang karamihan ay mahihirap. Ang mga kalapati at iba pang mga hayop ay kinakailangan para sa paghahandog at ang katanggap-tanggap lamang na ikapu ay ang pera o salapi na inaprubahan ng templo.

Hindi ito ang kaso sa mga iglesya/simbahan ngayon. Ang mga benta sa isang tindahan ng libro sa loob ng simbahan o ang mga likhang sining na ibinibenta sa simbahan halimbawa, ay ganap na boluntaryo o kusang loob. Kung ang isang simbahan ay nagdesisyon na magtinda ng isang bagay sa loob ng iglesya/simbahan o maghost ng isang gawain ng paglilikom ng pondo, dapat na tiyakin na ang pagbebenta ay hindi mapagtutuunan ng pangunahing atensyon at hindi nito maagaw ang atensyon ng mga miyembro sa pagsamba at pagtuturo ng salita ng Diyos. Hindi rin dapat na sapilitan ang pagbili ng mga tinda.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagbebenta sa loob ng iglesya/simbahan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries