settings icon
share icon
Tanong

Paano, bakit at kailan bumagsak si Satanas mula sa langit?

Sagot


Ang pagbagsak ni Satanas mula sa langit ay simbolikong inilarawan sa Isaias 14:12-14 at Ezekiel 28:12-18. Habang ang dalawang sipi mula sa Bibliya ay tumutukoy sa mga hari ng Babilonia at Tiro, sila din ay reperensya sa kapangyarihang espiritwal sa likod ng dalawang haring ito na walang iba kundi si Satanas. Inilalarawan sa mga talatang ito ang pagbagsak ni Satanas ngunit hindi tinutukoy kung kailan ito nangyari. Ito lamang ang alam natin: ang mga anghel ay nilikha bago pa likhain ang mundo (Job 38:4-7). Ang pagbagsak ni Satanas mula sa langit ay nangyari bago niya tuksuhin sina Adan at Eva sa hardin ng Eden (Genesis 3:1-14). Ang pagbagsak ni Satanas, kung gayon, ay nangyari bago likhain ng Diyos ang lahat ng mga bagay at bago ang pagtukso kina Adan at Eva sa hardin ng Eden. Kung ilang minuto, oras o araw si Satanas bumagsak sa pagkakasala bago niya tuksuhin sina Adan at Eba sa Hardin ng Eden, hindi sinasabi ng Bibliya ang eksaktong panahon.

Ang aklat ni Job ay nagbibigay sa atin ng senaryo na si Satanas ay may kakayahan pa na pumunta sa langit, sa harap ng trono ng Diyos. "Isang araw nga nang ang mga anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon, na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila. At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo'y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Sa pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon" (Job 1:6-7). Waring sa panahong ito, si Satanas ay malaya pang makapag-manhik manaog sa langit at lupa at direktang nakikipagusap sa Diyos at nagbibigay sulit sa kanyang mga ginagawa. Walang nakakaalam kung kailan tumigil ang pribilehiyong ito ni Satanas.

Bakit bumagsak si Satanas mula sa langit? Bumagsak si Satanas dahil sa kanyang pagmamataas. Ninais niya na siya ang maging Diyos, hindi lamang isang lingkod ng Diyos. Pansinin ang maraming salita na "gagawin ko" mula sa Isaias 14:12-15 at Ezekiel 28:12-15. Inilalarawan din sa mga talatang nabanggit ang walang kapantay na kagandahan ni Satanas na higit sa sinumang anghel ng Diyos. Maaaring si Satanas ang pinakamataas sa lahat ng mga anghel at pinakamaganda sa lahat ng nilikha ng Diyos ngunit hindi siya nakuntento sa kanyang kalagayan. Sa halip, ninais ni Satanas na maging Diyos, o "paalisin ang Diyos mula sa Kanyang trono" at pangunahan ang pamamahala sa buong sangnilikha. Ginusto ni Satanas na maging Diyos kaya niya tinukso sina Adan at Eva sa Hardin ng Eden (Genesis 3:1-5). Paano bumagsak si Satanas mula sa langit? Sa totoo lang ang pagbagsak ay hindi tamang paglalarawan. Hindi rin tamang terminolohiya ang "nahulog si Satanas mula sa langit" (Isaias 14:15; Ezekiel 28:16-17). Hindi si Satanas bumagsak mula sa langit; sa halip siya ay pinalayas mula sa langit.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano, bakit at kailan bumagsak si Satanas mula sa langit?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries