settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pag-inom ng menor de edad?

Sagot

Hindi kailanman partikular na tinukoy ng Bibliya ang pag-inom ng alak ng mga menor de edad. Sa panahon ng Bibliya, alak ang napiling inumin dahil sa kakulangan ng tubig sa mga disyerto ng Palestina. Ang lahat ay umiinom ng alak at walang kultura o biblikal na pagbabawal laban dito. Ang Bibliya ay nag-uutos lamang laban sa paglalasing, hindi laban sa pag-inom ng alak. Walang binanggit tungkol sa pag-inom ng alak ng menor de edad sa Bibliya.

Hindi ipinagbabawal ng Kasulatan ang isang Kristiyano na uminom ng serbesa, alak, o anumang inuming may alkohol. Sa katunayan, ang pag-inom ay madalas na inilalarawan sa mga positibong terminolohiya sa Kasulatan. "Inumin mo ang iyong alak na may masayang puso" (Mangangaral 9:7). Sinasabi sa Awit 104:14-15 na ang Diyos ay nagbibigay ng alak "na nagpapasaya sa puso ng mga tao." Tinatalakay sa Amos 9:14 ang pag-inom ng alak mula sa iyong ubasan ay tanda ng pagpapala ng Diyos. Gayunman, partikular na hinahatulan ng Bibliya ang paglalasing at ang mga epekto nito (Kawikaan 23:29-35). Inutusan din ang mga Kristiyano na huwag hayaang kontrolin sila ng anuman (1 Corinto 6:12; 2 Pedro 2:19). Ipinagbabawal pa ng Kasulatan ang isang Kristiyano na gumawa ng anumang bagay na maaaring makasakit sa ibang mga Kristiyano o humimok sa kanila na magkasala laban sa kanilang budhi (1 Corinto 8:9-13).

Gayunman, kung ang pariralang "pag-inom ng alak ng menor de edad" ay tumutukoy sa paglabag sa batas sa pamamagitan ng pagbibigay ng alak sa mga menor de edad o pag-inom ng mga menor de edad, maliwanag na ito ay mali at hinahatulan ito ng Bibliya. Nilinaw ng Roma 13:1-7 na ang mga Kristiyano ay hindi dapat sumuway sa mga batas ng lupain ngunit dapat nating sundin ang pamahalaang inilagay ng Diyos sa atin. Nilikha ng Diyos ang pamahalaan upang magtatag ng kaayusan, parusahan ang kasamaan, at itaguyod ang katarungan (Genesis 9:6; 1 Corinto 14:33; Roma 12:8). Dapat nating sundin ang gobyerno sa lahat ng bagay—tulad ng pagbabayad ng buwis, pagsunod sa mga tuntunin at batas, at pagpapakita ng paggalang. Ang tanging pagkakataon na tayo ay pinahihintulutan na sumuway sa mga awtoridad ay kapag ang mga awtoridad na iyon ay humihiling sa atin na sumuway sa Diyos. Kung hindi natin igagalang ang mga batas ng ating pamahalaan, sa bandang huli ay nagpapakita tayo ng kawalang-galang sa Diyos dahil Siya ang naglagay ng pamahalaang iyon sa atin. Kung gayon, ang sinumang lumabag sa batas sa pamamagitan ng pagbili o pagbibigay ng alak sa mga menor de edad ay nagkasala ng paglabag at sumusuway sa Diyos. Ang mga kabataan na iligal na umiinom ng alak sa pamamagitan ng menor de edad na pag-inom, ay pareho ring nagkakasala.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries