settings icon
share icon
Tanong

Masama bang ang magkaperaha ay mamuhay ng magkasama (mag live-in) bago sila ikasal?

Sagot


Ang kasagutan sa tanong na ito ay nakadepende sa kahulugan ng "pamumuhay na magkasama." Kung may pagtatalik na nangyayari bago ikasal ang dalawang tao, tahasan na ito ay mali. Ang pagtatalik bago ang kasal ay makailang-ulit na ipinagbawal sa Banal na Kasulatan, kasama ng lahat ng uri ng kasalanang sekswal (Gawa 15:20; Roma 1:29; 1 Corinto 5:1; 6:13, 18; 7:2; 10:8; 2 Corinto 12:21; Galatia 5:19; Efeso 5:3; Colosas 3:5; 1 Tesalonica 4:3; Judas 7). Ang Biblia ay nagtuturo ng ganap na pagpipigil sa pakikipagtalik bago ang kasal o labas sa kasal. Ang pagtatalik bago ikasal ay kasing sama ng pakikiapid at iba pang uri ng kasalanang sekswal sapagkat lahat ng ito ay nakapaloob sa pakikipagtalik sa isang tao na hindi pa nakakasal o hindi asawa.

Kung ang isang babae at isang lalaki ay nakatira lang sa iisang bahay, ibang usapin naman ito. Wala namang masama kung ang isang babae at lalake ay nakatira sa iisang bahay - kung wala namang imoral na gawain na nangyayari doon. Gayun pa man, ang problema ay maaring may lumitaw na anyo ng imoralidad (1 Tesalonica 5:22; Efeso 5:3) sa ganitong sitwasyon. Ang pagsasama sa iisang bubong ay isang malaking tukso upang magkasala. Ang Biblia ay nagtuturo sa atin na dapat tayong lumayo sa anumang anyo ng imoralidad at huwag ipadarang ang sarili sa tukso ng laman (1 Corinto 6:18). Dapat ding isaalang-alang ang patotoo sa mga tao. Ang magkapareha na namumuhay na magkasama sa iisang bubong ay ipinapalagay ng tao na nagsisiping na - at hindi maiiwasang isipin ito ng ibang tao dahil iyan ang likas na nangyayari sa mundo. Kahit na ang mamuhay na magkasama sa isang bubong ay hindi naman kasalanan, ang anyo ng kasalanan ay naroon. Ang Biblia ay nagsasabi sa atin na umiwas tayo sa lahat ng anyo ng kasamaan (1 Tesalonica 5:22; Efeso 5:3), lumayo mula sa imoralidad at huwag maging dahilan sa pagkakatisod sa pananampalataya ng iba. Dahil dito, hindi nakalulugod sa Dios na ang isang babae at lalake ay magsama na sa iisang bubong kung hindi pa sila nakakasal.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Masama bang ang magkaperaha ay mamuhay ng magkasama (mag live-in) bago sila ikasal?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries