settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ministeryong Kristiyano?

Sagot


Ang salitang “ministeryo” ay nagmula sa salitang Griyegong diakoneo, na ang kahulugan ay “maglingkod” o douleuo, na ang ibig sabihin ay “maglingkod bilang isang alipin.” Sa Bagong Tipan, ang ministeryo ay itinuturing na isang paglilingkod sa Diyos at sa ibang tao sa Kanyang pangalan. Nagbigay si Jesus ng modelo para sa ministeryong Kristiyano—Siya ay pumarito hindi para paglingkuran, kundi para maglingkod (tingnan ang Mateo 20:28; Markosos 10:45; Juan 13:1-17).

Ang Kristiyano ay dapat na maglingkod sa pamamagitan ng pagkakaloob sa mga pangangailangan ng mga tao ng may pag-ibig at kababaang-loob dahil kay Cristo (tingnan ang Mateo 20:26; Markos 10:43; Juan 2:5, 9; Gawa 6:3; Roma 1:1; Galatia 1:10; Colosas 4:12). Ang mga Kristiyano ay dapat magministeryo sa iba dahil sa kanilang debosyon kay Cristo at pag-ibig para sa iba, mananampalataya man o hindi. Ang paglilingkod sa iba ay dapat na walang pinipili at walang kundisyon, na laging hinahangad na makatulong sa iba gaya ng kung paanong tumulong si Cristo sa mga tao.

Ang ministeryo sa ating panahon ay nagkaroon ng ibang pakahulugan gaya ng mga tinatawag nating mga pastor na mga naglilingkod ng walang ibang gumagawa. Talagang ginugugol ng mga pastor ang kanilang buhay sa ministeryo, naglilingkod sila sa iba, at tama na gawin silang mga ministro pero hindi lamang mga pastor ang dapat na magministeryo. Mula sa unang mga iglesya sa Bagong Tipan hanggang sa mga iglesya sa ating panahon ngayon, ang bawat Kristiyano ay dapat na maglingkod at tumulong sa iba (tingnan ang Roma 12:3-8, 10-13; 2 Timoteo 2:24-26).

Ang buod ng ministeryo ay paguna sa pagmiministeryo sa espiritwal, hindi lamang sa mga praktikal at pisikal na bagay. Dapat na bigyang diin sa ministeryo ang pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Cristo sa iba para makilala nila Siya at tanggapin Siya bilang personal na tagapagligtas, maranasan Siya bilang Panginoon ng kanilang mga buhay at magpatuloy sa dako pa roon upang makilala si Cristo bilang esensya ng kanilang mga buhay (tingnan ang Juan 1:12; Colosas 2:6-7; Galatia 2:20; Filipos 3:8-10). Maaari at dapat na kasama sa pagmiministeryo ang pag-abot sa pisikal, emosyonal, mental, bokasyonal, at pinansyal na pangangailangan ng iba. Ginawa ito ni Jesus at dapat din nating gawin ito!

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ministeryong Kristiyano?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries