settings icon
share icon
Tanong

Kasalanan ba ang manood ng pornograpiya kasama ang aking asawa?

Sagot

Sa paglaganap ng internet at pagbaba ng moral na mga pamantayan ng lipunan, ang pornograpiya ay nagiging isang katanggap-tanggap na gawain para sa maraming tao. Maging ang mga Kristiyanong mag-asawa kung minsan ay nagtataka kung ang pornograpiya ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa kanilang relasyon kung ito ay papanoorin nila ng magkasama bilang bahagi ng kanilang pribadong relasyon. Nararamdaman ng ilang mag-asawa ang pangangailangang gawing mas kapana-panabik ang kanilang sekswal na relasyon at naniniwala na ang panonood ng pornograpiya ng magkasama ay nagdaragdag sa kanilang kasiyahan sa kanilang sariling sekswal na relasyon. Ang pornograpiya ay nagiging sanhi ng pita ng mga mata at pita ng laman. Alam natin na ang masamang pagnanasa ay hinahatulan sa Banal na Kasulatan (Job 31:1; Mateo 5:28). Ngunit kung ang pagtatalik ay limitado sa mag-asawa, mali ba ang panonood ng pornograpiya ng magkasama?

Oo, mali ang manood ng pornograpiya kahit kasama ang iyong asawa. Maraming mga dahilan para dito. Una sa lahat, ang biswal na pornograpiya ay nangangailangan ng isang sagrado, matalik na pagsasama at ginagawa itong isang isport na manonood. Sa pakahulugan, ang pornograpiya ay nagtatampok ng hindi bababa sa dalawang taong walang asawa na nagsasagawa ng bawal na sekswal na pag-uugali sa harap ng isang kamera. Ang koneksyon na ito ay eksklusibo lamang para sa mag-asawa, ayon sa Mateo 19:5 at Efeso 5:31. Ang mga sekswal na aktibidad ay likas na pribado. Ang disenyo ng Diyos ay inaabuso ng mga taong ang mga puso ay naging napakatigas na maaari nilang gawin ang gayong personal na gawi sa publiko. Bukod pa rito, ang mga indibidwal na nasisiyahan sa panonood ng pornograpiya ay nakikilahok sa pang-aabusong ito. Ang Roma 1:32, na naglalarawan ng pagbaba ng moralidad ng mga indibidwal na tumatanggi sa Diyos, ay maaaring gamitin sa sitwasyong ito: “Nalalaman nila ang utos ng Diyos na dapat mamatay ang mga gumagawa nito, ngunit patuloy sila sa paggawa nito at natutuwa pang makita na ang iba ay gumagawa rin ng ganoon.”

Ang isa pang negatibong aspeto ng panonood ng pornograpiya kasama ang iyong asawa ay para mo na ring inaanyayahan ang ibang tao na makisama sa pagtatalik ninyo. Lumilikha ito ng isang birtwal na pakikipagtalik sa pagitan ng tatlong indibidwal; kahit na sabihin mo pang hindi mo ito ginagawa ng aktwal, ginagawa mo ito sa iyong isipan. Ang panonood ng pornograpiya kasama ang iyong asawa ay isang uri ng birtwal na pangangalunya. Para bang sinasabi mo sa iyong isip na, "Ang aking asawa ay hindi sapat na seksi, kaya nag-imbita ako ng isang mas seksing babae upang mas ganahan akong makipagtalik." Maaaring hinahawakan ng mag-asawa ang katawan ng isa't isa, ngunit parang ganoon din ang ginagawa mo sa pamamagitan ng iyong imahinasyon. Walang bagay tungkol diyan sa anumang paraan na nakalulugod sa Panginoon. Sinabi ni Hesus, “Mapapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.” Walang paraan upang hayaan ang iyong puso na magpakabusog sa mga malalaswang larawan at manatiling dalisay upang makita ang Diyos.

Ang ikatlo at pinaka-halatang dahilan kung bakit laging mali ang panonood ng pornograpiya, kasama man ang asawa o nag-iisa ay ginagawa mo ito dahil sa iyong pagnanasa (Colosas 3:5; Mateo 5:28). Ang pagnanasa ay isang labis na pagnanais para sa isang bagay na ipinagbawal ng Diyos (Kawikaan 6:25). Kung ang pagtingin sa kahubaran ng ibang tao ay kinakailangan para maghangad ng pakikipagtalik sa asawa, kung gayon iyon ay pagnanasa. Ang panonood ng pornograpiya ay nagbibigay ng pahintulot kay Satanas na pumasok sa ating pag-iisip, sirain ang ating puso, at tawaging “marumi” ang tinatawag ng Diyos na “napakabuti” (Genesis 1:26–31).

Nagtakda ang Diyos ng mga limitasyon sa pakikipagtalik para sa ating kaligtasan at kapakanan. Nandiyan sila para protektahan ang ating mga puso at ang ating pamilya. Sa lahat ng aspeto ng buhay, kabilang ang ating sekswalidad, inaasahan ng Diyos na magsanay tayo ng pagpipigil sa sarili (Kawikaan 25:28; 1 Corinto 7:9). Nagpapaalipin tayo sa kasalanan kapag hinayaan natin ang pagnanasa, kalibugan, o anumang iba pang pagnanasa na maghari sa atin maliban kay Jesus.

Ang pangangailangang manood ng pornograpiya ay isang tahasang indikasyon na ang mga prayoridad ng isang tao ay nakatuon sa mga bagay na makasasama sa kanya. Tila mas inuuna pa nila ang pagkakaroon ng magandang karanasan sa pakikipagtalik kaysa sa espiritwal na pagpapalagayang-loob, emosyonal na pagbubuklod, at paggalang sa isa't isa. Kadalasan, itinutulak ng isang asawa ang ideya na manood ng pornograpiya sa kabilang banda, ang isa naman ay sumasang-ahon upang mapanatili ang kapayapaan. Gayunman, ito ay salungat sa tagubilin ng Diyos na magpasakop sa isa't isa bilang paggalang kay Kristo (Efeso 5:21). Ayon sa Efeso 5:22, hindi kailanman aanyayahan ni Cristo ang sinuman na makibahagi o magsaya sa kaparehong kasalanan na Kanyang kinamatayan upang magpatawad. Ang pag-ibig ay “hindi nagagalak sa kasamaan” (tingnan ang 1 Corinto 13:6). Ang matuwid na pakikipag-ugnayan ng mag-asawa ay maaaring makamit sa mas malusog na paraan kaysa sa pagpapahintulot sa kasalanan na pumasok sa kanilang pagsasama. Ang panonood ng pornograpiya nang mag-isa o kasama ang sinuman, kahit pa ang asawa ay kasalanan.

Maaari nating isagawa ang katotohanan ng 1 Tesalonica 4:3–7 na nagsasabing, “Kalooban ng Diyos na kayo'y maging banal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan. Dapat maging banal at marangal ang pakikitungo ng bawat isa sa kanyang asawa, at hindi upang masunod lamang ang pagnanasa ng laman tulad ng inaasal ng mga Hentil na hindi nakakakilala sa Diyos. Sa bagay na ito, huwag ninyong gawan ng masama at dayain ang inyong kapatid, sapagkat paparusahan ng Panginoon ang gumagawa ng ganitong kasamaan, tulad ng mahigpit naming babala sa inyo noon. Tayo'y tinawag ng Diyos upang mamuhay sa kabanalan, hindi sa kahalayan.” Tinatawag tayo ng Diyos sa kabanalan, at ang pornograpiya ay hindi banal; samakatuwid, hindi kailanman ninanais ng Diyos na tayo ay masangkot sa pornograpiya sa anumang kadahilanan.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries