no an
settings icon
share icon
Tanong

Ano ang malaking kasalanan?

Sagot


Itinuturo ng Romano Katolisismo na ang malaking kasalanan ay ang ugat at pinagmumulan ng lahat ng iba pang kasalanan. Ang pinakamaagang simula ng doktrinang ito ay isinulat noong ika-apat na siglo ng isang monghe na nagngangalang Evagrius Ponticus, na orihinal na nagtala ng walong "masasamang kaisipan:” katakawan, pagnanasa o pakikiapid, kasakiman, kalungkutan, pagkagalit, kawalang-pag-asa, labis na kahambugan, at pagmamataas. Nang maglaon, ang pagpapangkat na iyon ng walo ay ginawang pito ni Pope Gregory the Great noong ikaanim na siglo. Inilipat ni Gregory ang kawalang-kasiyahan sa pagmamataas at kawalan ng pag-asa sa kalungkutan, at idinagdag ang pagkainggit, kaya pormal na lumikha ng isang listahan na kasama lamang ang pitong "malalaking kasalanan,” o “nakamamatay na mga kasalanan.” Ngayon, ang listahan ng mga malaking kasalanan ay ang mga sumusunod: pagmamataas, kasakiman, pagnanasa, inggit, katakawan, galit, at katamaran.

Ang malaking kasalanan ay nagmula sa Latin na caput, na nangangahulugang “ulo.” Kalaunan ito ay tinawag ni Thomas Aquinas na hindi "mga kasalanan," kundi "mga bisyo.” Ipinahayag ni Aquinas na ang malalaking bisyo ay mga Gawain ng tao na may kanais-nais na resulta kung kaya't, sa kanyang pagnanais dito, siya ay nakakagawa ng maraming kasalanan. Ang lahat ng kasalanan ay maaaring masundan pabalik sa isang partikular na bisyo bilang pinagmumulan ng ugat. Upang ilarawan, kung ang isang lalaki ay may pagnanasa sa asawa ng kanyang kapwa, ang bisyong iyon ay maaaring maging dahilan upang siya ay mangalunya, magsinungaling sa maraming tao, mapabayaan o iwanan ang kanyang pamilya, at marahil maging sa pisikal na pananakit ng mga tao. Ang dumaraming kasalanan ng tao ay hinihimok ng paunang kasalanan ng pagnanasa.

Totoo na ang pagmamataas, kasakiman, pagnanasa, inggit, katakawan, galit, at katamaran ay mga kasalanan, at totoo na ang masasamang pagnanasa sa puso ay maaaring humantong sa iba pang mga kasalanan (tingnan sa Mateo 15:19). Ngunit maling isipin na ang pitong nakamamatay na kasalanan, ay mas masahol sa paningin ng Diyos kaysa sa alinmang kasalanan. Lahat ng kasalanan sa mata ng Diyos ay pantay-pantay; lahat sila ay "hindi pag-abot sa pamantayan.” Ang pagnanakaw ay hindi mas masama kaysa sa pagmamataas, at ang kasakiman ay hindi mas masama kaysa sa pagsisinungaling; walang maliliit na kasalanan o malalaking kasalanan, dahil lahat ng kasalanan ay pantay na nakakasakit sa ating banal at matuwid na Diyos. Hindi maaari at hindi pinapayagan ng Diyos ng anumang kasalanan sa Kanyang banal na presensya—walang kahit isa (Habakkuk 1:13).

Ang malaking kasalanan, o nakamamatay na kasalanan ay hindi ginrupo sa Bibliya; gayunman, binanggit ng Panginoon ang ilang bagay na kinapopootan Niya at gumawa pa nga ng listahan ng mga ito: “Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay, mga bagay na kanyang kinasusuklaman: kapalaluan, kasinungalingan, at mga pumapatay sa walang kasalanan, pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan, mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan, saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin, pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin” (Kawikaan 6:16–19). Ang lahat ng kasalanan ay nagbubunga ng kamatayan (Roma 6:23). Purihin ang Diyos na, sa pamamagitan ng dugo ni Jesu-Cristo, ang lahat ng ating mga kasalanan ay mapapatawad—maging ang mga “pinakamalalaking kasalanan.”



English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang malaking kasalanan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries