Tanong
Paano ako makakatiyak na ang ang galit ay makatuwirang pagkagalit?
Sagot
Maaari nating matiyak na ang ating galit ay makatuwiran kung ito ay nakadirekta sa mga bagay na kinamumuhian ng Diyos. Ang pagkagalit ay maaaring maipahayag ng makatuwiran kung kinokompronta natin ang kasalanan. Ang magandang halimbawa ay ang pagkagalit sa pangaabuso sa mga bata, pornograpiya, rasismo, gawain ng mga bakla at tomboy, pagpapalaglag sa sanggol at mga katulad nito.
Ibinigay ni Apostol Pablo ang malinaw na babala sa nga kasalanang nagpapagalit sa Diyos: “Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; 20pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito” (Galacia 5:19–21). Ipinahayag ni Hesus ang makatuwirang pagkagalit sa mga kasalanan ng mga Hudyo (Markos 3:1–5; Mateo 21:12–13; Lukas 19:41–44). Ngunit ang Kanyang galit ay nakadirekta sa kanilang masasamang gawain at kawalan ng katarungan.
Gayunman, tinuruan din tayo na maging maingat laban sa pagkagalit upang hindi tayo magkasala. “Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo” (Efeso 4:26–27). Dapat nating suriin ang ating saloobin gayundin ang ating motibo bago tayo magalit. Ibinigay ni Pablo ang magagandang payo sa tamang pagtalakay sa isyu ng pagkagalit: “Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”Subalit Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo. Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama” (Roma 12:19–21).
Ibinigay din ni Santiago ang isang magandang paalala tungkol sa makatuwirang pagkagalit: “Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit. Dahil ang galit ay hindi nakakatulong upang ang tao'y maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos” (Santiago 1:19–20). Inulit ni Pedro ang payong ito lalo na sa mga panahon na humaharap tayo sa mga taong lumalaban sa Diyos at sa mga bagay na patungkol sa Kanya: “At sakali mang usigin kayo dahil sa paggawa ng mabuti, mapalad pa rin kayo! Huwag ninyong katakutan ang kanilang kinatatakutan at huwag kayong padadala sa kanila. Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso at sambahin ninyo siya bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo. Ngunit maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagpapaliwanag. Bilang mga lingkod ni Cristo, panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang pag-uugali. Higit na mainam ang kayo'y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang ito'y ipahintulot ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama” (1 Pedro 3:14–17).
Maaari ding ibaling ng mga mananampalataya ang kanilang galit sa isang nakatutulong na aksyon sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga organisasyong Kristiyano na nagbabantay laban sa masasamang impluwensya ng diyablo sa sosyedad. Ito ang susi: kung ang ating pagkagalit ay nagreresulta sa pagdadala sa ibang tao sa pakikipagrelasyon sa Diyos, ito ay isang makatuwirang pagkagalit.
English
Paano ako makakatiyak na ang ang galit ay makatuwirang pagkagalit?