settings icon
share icon
Tanong

Kung ang Diyos ay pag-ibig, bakit Niya hinahatulan ang homosekswalidad?

Sagot

Isinusulong ng ilan ang ideya na dapat tanggapin ang homosekswalidad at pagpapakasal sa parehong kasarian dahil kung ang Diyos ay pag-ibig, hindi Niya dapat kinokondena ang pagmamahalan ng iba. Ang pangunahing suliranin dito ay ang uri ng "pag-ibig" na tinutukoy natin.

Sinasabi sa 1 Juan 4:8, "Ang hindi nagmamahal ay hindi nakakakilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig." Ang "pag-ibig" na ito ay ang Griyegong agape. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay ang mulat na pagkilos ng pagsasakripisyo ng sariling mga hangarin, kaginhawahan, at maging ng sariling kapakanan para sa kapakanan ng iba. Ito ang pag-ibig na nagtulak kay Hesus para mamatay sa krus para sa ating mga kasalanan (Roma 5:8). At ang pag-ibig na nagudyok sa Diyos na ipadala Siya (Juan 3:16). Ang pinakamalaking kaganapan ng pag-ibig na ito ay ang pag-aalay ng buhay para sa iba (Juan 15:13).

Ang tanong, kung gayon ay, ano ang ibig sabihin ng pangunawa sa kapakanan ng iba? Maaaring sabihin ng mundo na ang pagtanggap sa homosekswal na relasyon ay pag-aalaga sa kanilang kapakanan. Ngunit ayon sa Bibliya, ito ay isang kahiya-hiya at kasuklam-suklam na bagay (Roma 1:26) at ito ay naghihiwalay sa tao sa kaharian ng Diyos (1 Corinto 6:9). Ang homosekswalidad ay isang kasalanan laban sa sariling katawan (1 Corinto 6:18).

Kung ito ay totoo at ang homosekswal na pag-uugali ay kalapastanganan, isang paghihiwalay sa pagpapala ng Diyos at pananakit sa sarili, kung gayon. ang mapagmahal na bagay na dapat gawin ay ang lumayo rito. Ang hikayatin ang iba na magpakasawa sa kasalanan ay paghikayat sa kanila na tanggihan ang mga pagpapala ng Diyos sa kanilang buhay. Ito ay kabaliktaran ng pag-ibig.

Sa kabila nito, ang mga taong may homosekswal na damdamin ay nangangailangan ng pagmamahal. Kahit na sumasang-ayon sila sa Bibliya na ang homosekswalidad ay isang kasalanan at nagpasyang huwag hanapin ang katuparan ng kanilang sekswal na pagnanasa, dapat pa rin silang makakita ng pag-ibig sa ibang mga relasyon—ang mapagsakripisyong pag-ibig agape at ang palakaibigang pag-ibig na phileo. Kapag ang ating emosyonal at panlipunang mga pangangailangan para sa pag-ibig ay natutugunan, mas malamang na hindi tayo maghahanap ng katuparan sa mga paraang hindi ayon sa Bibliya. Wala itong pinagkaiba para sa mga nag-iisang heterosekswal kaysa sa mga may homosekswal na atraksyon.

Maaari bang gumaling ang isang taong may sekswal na atraksyon sa parehong kasarian at maging heterosekswal sa pag-iisip, pagnanasa, at gawa? Posible, ngunit hindi tiyak. Ang pagiging ligtas at pinatawad ay hindi nag-aalis ng tukso. Para sa mananampalataya, hangga't naroroon ang mga atraksyon sa parehong kasarian, ang pag-iwas ay mahalaga—tulad ng para sa sinumang hindi kasal sa heterosekswal na kasal. Hindi dapat kinukunsinti ng mga mananampalataya ang mga sekswal na relasyon sa labas ng isang heterosekswal na kasal, kahit na nagpapakita sila ng agape at phileo na pag-ibig.

Isang kasinungalingan na ang lahat ng tao ay nangangailangan ng sekswal na kasiyahan (Mateo 19:12). Isang kasinungalingan na ang sex ay katumbas ng pag-ibig. Iginigiit ng Diyos na lumikha sa atin na ang sex ay isang pagpapahayag ng pag-ibig sa pagitan ng isang lalaki at babae na kasal sa isa't isa. Sa labas ng kontekstong iyon, ang pakikipagtalik ay nakakapinsala at lubhang hindi kaibig-ibig. Kung mahal natin ang iba, hindi natin sila hihikayatin na magkasala, na nagdudulot ng pinsala sa kanilang sarili. Sa halip, susundin natin ang pinakadakilang utos at ibibigay sa kanila ang tunay na pag-ibig na kailangan nila mula sa atin.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries