settings icon
share icon
Tanong

Paano ko maihahanda ang aking sarili sa pag-aasawa?

Sagot


Ang paghahanda ng sarili sa pag-aasawa ayon sa itinuturo ng Bibliya ay katulad din ng paghahanda sa ano mang mga adhikain sa buhay. May tuntunin na dapat na gumagabay sa atin sa lahat ng aspeto ng ating buhay bilang mga mananampalataya. "Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo" (Mateo 22:37). Hindi ito walang kabuluhang kautusan. Ito ang pamantayan ng ating buhay bilang mananampalataya. Ito ay pagpapasakop sa Diyos at sa kanyang Salita ng buong puso upang ang ating mga kaluluwa at pag-iisip ay mapuno ng mga bagay na nakalulugod sa Kanya.

Ang kaugnayan na mayroon tayo sa Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Hesu Kristo ang siyang dahilan ng pagpapasakop natin sa kanyang mga utos. Ang kaugnayan ng mag-asawa sa isa't isa ay batay sa halimbawa ni Kristo at ng Kanyang iglesia (Efeso 5:22 -33). Ang bawat anggulo ng ating buhay ay pinamamahalaan ng ating pangako bilang manananampalataya na mamuhay ayon sa mga utos at patuntunan ng ating Panginoon. Ang ating pagsunod sa Diyos at sa Kanyang Salita ay nagbibigay sa atin ng lakas upang matupad ang mga tungkuling itinakda ng Diyos sa pag-aasawa. At ang tungkulin ng bawat mananampalataya na ipinanganak na muli ay luwalhatiin ang Diyos sa lahat ng bagay (1 Corinto 10:31).

Upang maihanda ang iyong sarili sa pag-aasawa, lumakad ka ng karapat-dapat ayon sa pagkatawag sa iyo ni Kristo Hesus, maging malapit sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita (2 Timoteo 3:16-17), at sumunod sa Kanyang kalooban sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Walang madaling plano para matutunan ang paglakad ng may pagsunod sa Diyos. Ito ay isang pagpapasya na dapat nating ginagawa bawat araw, ang pagwawaksi sa mga makamundong pananaw at pagsunod sa Diyos. Ang paglakad na kapapat-dapat Kay Kristo ay ang pagsuko ng ating sarili ng may kababaang-loob sa Kanya na tanging Daan, tanging Katotohanan at tanging Buhay sa bawat araw at bawat saglit ng ating buhay. Iyan ang paghahanda na kinakailangan ng bawat mananampalataya upang maging handa sa isa sa pinakamahalagang kaloob na tinatawag nating ‘pag-aasawa.’

Ang isang taong nagsisikap na maging ganap at lumalakad na kasama ang Diyos ay mas handa sa pag-aasawa higit kanino man. Ang pag-aasawa ay nangangailangan ng pangako, kababaang-loob, pag-ibig at paggalang. Ang mga katangiang ito ay mas nakikita sa isang taong may malalim na kaugnayan sa Diyos. Sa iyong paghahanda para sa pag-aasawa, hayaan mong ang Diyos humubog sa iyo upang maging isa kang babae o lalake na ayon sa Kanyang naisin (Roma 12:1-2). Kung isusuko mo ang iyong sarili sa Kanya, tutulungan ka Niyang maging handa sa pagdating ng dakilang araw ng iyong pag-aasawa.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano ko maihahanda ang aking sarili sa pag-aasawa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries