settings icon
share icon
Tanong

lumilipat na espiritu transferring spirits - Kung ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat, bakit hindi na lang Niya lipulin si Satanas?

Sagot


Ang ideya tungkol sa mga lumilipat na espiritu (transferring spirits) ay ang paglipat ng espiritu na nasa isang nilalang na may buhay patungo sa isa pang nilalang na may buhay sa pamamagitan ng paghipo o paglapit sa nilalang na may masamang espiritu. Sinasabi ng mga nagtuturo ng konseptong ito na huwag lalapit sa mga kaibigan o miyembro ng pamilya na maaaring maglipat ng espiritu sa kanila. Walang basehan sa Bibliya ang konseptong ito ng paglipat ng espiritu sa pamamagitan ng paghipo o paglapit sa tao o sa ibang paraan. Totoo na maaari tayong maapektuhan ng mga negatibong paguugali o makasalanang gawain ng ibang tao, ngunit ang sabihin na ang mga ito ay mga espiritung maaaring lumipat sa tao ay hindi naaayon sa Bibliya.

Itinuturo sa Bibliya ang dalawang uri ng mga nilikhang espiritu, ang mga banal o hindi nagkasalang mga anghel at ang mga anghel na sumunod kay Satanas sa kanyang pagrerebelde laban sa Diyos. Ang mga anghel na hindi nagkasala ay tinatawag na mga ‘lingkod na anghel’ (Hebreo 1:14), at sinabihan tayo ng Bibliya na isinusugo sila ng Diyos upang maglingkod sa mga magmamana ng kaligtasan, sa mga nananampalataya sa Panginoong Hesu Kristo. Ang mga anghel na sumama sa pagrerebelde ni Satanas ay nakatalaga para sa kadiliman (Judas 1:6) at binubuo ng pulutong ng mga demonyo na nakatalaga para sa paggawa ng kasamaan.

May isa lamang pangyayari sa Bibliya tungkol sa paglipat ng mga demonyo mula sa nilalang patungo sa isa pang nilalang. Nangyari ito ng palipatin ni Hesus ang isang pulutong ng demonyo na sumapi sa isang tao patungo sa isang kawan ng baboy (Mateo 8:28-34). Hindi na inulit pa ni Hesus ang himalang ito, o binabalaan man ang kanyang mga alagad tungkol sa mga lumilipat na espiritu (transferring spirits). Walang dahilan para sa isang isinilang na muling mananampalataya upang katakutan si Satanas o ang mga anghel na nagkasala. Kung lalabanan natin sila tatakas sila sa atin. "Kaya nga, pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo” (Santiago 4:7). Bilang mga tunay na mananampalataya, ang ating katawan ang templo ng Banal na Espiritu. Makakaasa tayo na hindi pahihintulutan ng Banal na Espiritu ang mga demonyo na makialam sa kanyang templo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga lumilipat na espiritu (transferring spirits)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries