Tanong
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa liturhiya? Dapat bang makilahok ang isang Kristiyano sa liturhiya?
Sagot
Ang salitang “Liturhiya” ay isang pamantayan para sa gawaing panrelihiyon. Hindi nagtatakda ang Kasulatan ng anumang pamantayan para sa gawain ng pagsamba para sa iglesya. Gayundin, may ilang talata sa Bagong Tipan na nagbibigay sa atin ng mahahalagang sangkap na dapat na maging bahagi ng isang malusog na lokal na iglesya. Kasama sa mga ito ang sumusunod:
Tunay na pakikisama: Ang pagtanggap sa kapwa mananampalataya sa kung sino sila—bilang isang kapamilya, na may kasamang pag-ibig, pagkakaisa ng damdamin, at pagbibigayan sa bawat isa na pangkaraniwan sa isang mabuting pamilya (Gawa 2:44-46).
Ang pagdadaos ng mga ordinansa: ang bawtismo ng mga mananampalataya at pagalaala sa Hapunan ng Panginoon / Komunyon (Gawa 2:41, 42, 46; 1 Corinto 11:23-32).
Pagpapatuloy sa pagsunod sa mga doktrina ng mga apostol, pagbabasa ng Salita ng Diyos at pagtuturo / pangangaral ng Salita ng Diyos (Gawa 2:42; 1 Timoteo 4:13-16; 2 Timoteo 4:2).
Pananalangin at pagpupuri, na nagtitiwala sa direksyon ng Banal na Espiritu (Gawa 2:42, 47; Gawa 13:1-4; 1 Timoteo 2:1-8; Efeso 6:18).
Pangangaral ng Mabuting Balita at pagdidisipulo, na ginagamit ng lahat na miyembro ng iglesya ang kanilang mga espiritwal na kaloob para maglingkod kay Cristo bilang bahagi ng Kanyang katawan (Mateo 28:18-20; Gawa 1:8; 1 Timoteo 4:5; Efeso 4:11-16; Roma 12:3-8).
Habang ang ilang iglesya ay tinatawag na “liturhikal” dahil sa napakapormal at nakaprograma na ang kanilang paraan ng pagsamba, sa ilang antas, ang lahat ng iglesya ay may pormat na kanilang tipikal na sinusunod. Ang pangunahing pagkakaiba ay ang antas ng pagiging totoo at ang posibilidad ng pagbabago ng pangkaraniwang pormat kung kinakailangan. Makikita sa Gawa 13 ang pagbabago ng liturhiya ng iglesya sa siyudad ng Antioquia anupa’t bukas sila sa pangunguna ng Banal na Espiritu. Kung ang isang iglesya ay napakaliturhikal o sobrang umaasa sa mga programa na hindi na posible ang pagbabago, masyado ng nabibigyang diin ang liturhiya. Aang isang iglesya na sobra ang pagtitiwala sa istruktura na hindi na hinahayaan ang pangunguna ng Banal na Espiritu—anupa’t mayroon na silang sariling layunin; kung gayon, ay hindi na nila kailangan ang layunin ng Diyos.
May dalawang posibleng panganib sa pagkakaroon ng liturhikal na pagsamba: (1) Ang mga liturhiya ay idinesenyo ng mga taong nagkakamali at dahil dito, kinakailangan ang pagsusuri kung sila ay naaayon sa Kasulatan. Ngunit ito ay parehong totoo sa liturhikal na iglesya at para sa mga iglesya na hindi liturhikal. Sa parehong kaso, ang gumawa ng pormat sa kanilang mga programa ay mga taong nagkakamali. (2) Ang mga liturhiya na may paulit-ulit na panalangin at tugon atbp. ay maaaring nawawala na ang katapatan at ang tunay na pagsamba sa puso. At kung mangyayari ito, ang panalangin ay nagiging “walang kabuluhan at paulit-ulit.” Pero gayunpaman, posible pa rin para sa isang tao na may tapat na puso sa pagsamba ang sambahin ang Diyos sa pamamagitan ng paulit-ulit na panalangin, atbp., habang nagbubulay-bulay siya sa kanyang sinasabi at mula sa puso ang kanyang panalangin. Bukod pa dito, kahit na sa mga hindi liturhikal na iglesya, may mga awit na kinakanta rin ng paulit-ulit sa loob ng mahabang oras at may panganib din na wala na rin sa puso, sa halip na pinagbubulayan kung ano ang sinasabi at kinakanta.
Kung ang isa mang iglesya ay liturhikal o hindi ay hindi ito ang higit na mahalaga kaysa sa pagiging dalisay ng doktrina ng iglesya at ang pagiging tama ng pastor sa doktrina at sa espiritwal (1 Timoteo 4:16; Gawa 2:42). Ang pagsang-ayon sa Kasulatan, hindi ang liturhiya ang nagtatakda kung ang mga pagsasanay sa isang iglesya ay sang-ayon sa isang iglesyang malusog at naaayon sa Bibliya.
English
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa liturhiya? Dapat bang makilahok ang isang Kristiyano sa liturhiya?